Chapter 22

17.7K 360 55
                                    


Chapter 22

Confused

Pinawi ko ang mga luha na naglalandas pababa sa aking mga mata hanggang sa pisngi. I gripped on the small stick in between my hands and clasped both of my hands into a tight fist. Ipinatong ko ang aking mga kamay sa taas ng aking hita at saka pumikit nang mariin ang aking mga mata. I breathe in a massive amount of air and let it out through my mouth.

I need to recollect myself. I don't want others to know about this. I'm still in a very fuzzy and confused state of mind. I need a clear mental and emotional being before thinking of what I will do with this. 

I can't believe that this really happened. T-this must be a false positive... This can't be true.

Huminga muli ako nang malalim at saka napagpasyang tumayo mula sa pagkaka-upo sa silya ng inidoro. I flushed the toilet, even though it had nothing in it. Marahas at wala sa sarili ko iyong sinarado, dahilan para gumawa ng malakas na ingay na pumalibot sa kabuoan ng maliit na banyo ni Jade.

My body flinched when I suddenly heard loud knocks on the door of the bathroom. Agad akong napatingin dito kasabay ng pagsasalita ng dalawang taong naghihintay sa akin sa labas. "Hey, are you okay?" rinig 'kong nag-aalalang tanong sa akin ni Nica.

I swallowed the big lump in my throat as I slowly nodded. "Y-yeah!" sigaw ko pabalik.

Binalik ko ang aking tingin sa pregnancy test na hawak-hawak ko at isinilid ito sa bulsa ng aking palda. Naglakad ako papunta sa lababo ng banyo at iniabot ang kahon na puno ng pregnancy tests. Nanginginig ang mga kamay ko itong binuksan at ibinuhos ang lahat ng laman sa marmol na tiles.

Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang ibang piraso nitong nahulog sa lapag ng banyo. Napapikit ako nang mariin at agad-agad itong pinulot. Kumuha ako ng isa pang pregnancy test at nilagyan ng tubig ang dapat lalagyan ng ihi.

Inilapag ko ito sa marmol na tiles at balisang naghintay upang lumabas ang resulta. My right foot kept on tapping on the tiles of the floor, as my eyes kept on wandering around the whole room.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko ito i-hahandle.

I've never knew that this unexpected thing will happen to me. For the past years that I've been sleeping around, I've always been safe and was very careful to avoid troubles. Hindi ko alam kung bakit naging pabaya ako ngayon.

Bakit ngayon pa? Kung kalian may kasunduan kaming dalawa ni Andre ay saka pa ito nangyayari sa akin. Why was I so careless? What came into my mind to be this careless?

Naihilamos ko na lamang ang aking dalawang palad sa aking mukha kasabay ng aking pagbuntong-hininga. "Maia, okay ka pa ba?" rinig 'kong tanong ni Jade mula sa labas.

Agad akong napatingin sa pregnant test na nakapatong sa marmol na tiles at saka tinignan nang maayos kung lumabas na ba ang resulta nito. Nakahinga ako nang maluwag nang unti-unting lumabas ang isang linyang pula.

Pinulot ko ito at saka tinignan ang aking sarili sa salamin. Huminga ako nang malalim at saka ngumiti nang malawak. Naglakad ako palapit sa pintuan ng banyo at dahan-dahan itong binuksan. Sinalubong ako ng mga nag-aalalang mukha nina Jade at Nica.

I gave them a small smile as I let out a soft laugh. I raised my hand with the negative pregnant test in it and showed it to them. "It's negative," I said as I let out a sigh.

Agad namang nakahinga nang maluwag ang dalawa. Napangiti si Jade at saka ako hinila sa isang mahigpit na yakap. "Thank God! I was so nervous that you accidentally got pregnant! That would've been hard, knowing you and Andre's setup," Jade whispered to my ear.

An Oath To Take (Imperfect Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon