"Hmm, nalaman niya na yung ginawa namin kay Alyssa." Napalunok ako at mabilis na kinuha ang cellphone ko, to record their conversations.

"The whole thing? He found out the whole thing?" I tried not to make a noise or a little sound.

"Duda na siya noon, pero ngayon kumpirmado niya na. Nalaman niya na sigurong hindi talaga suicide yung ginawa ni Alyssa." Nanlaki ang mata ko.

"Mommy papaano kung magsumbong si kuya sa police?" Kwestyon ni Tina.

"Wala na akong magagawa kundi patahimikin ang kuya mo, Tina. T-Tulad na lang rin ng kuya mo," nanlaki lalo ang mata ko sa nalaman.

May mga kasama silang lalake, ngunit sobrang delikado ng ginagawa ko. "Totoo bang nagpakamatay si kuya? O may kinalaman ka doon mommy?" Nakagat ko ang ibabang labi sa usapan na naririnig ko.

"H-Hindi niya matanggap, ngunit kesa isuplong sa police ang nalaman niya ay tinapos niya na lang ang buhay niya." Napalunok ako ng ilang beses.

"Nalaman niya yung ginawa ko kay Alyssa, yung pagpa-inom ko kay Alyssa ng gamot na nakakamatay at ang pag-bitay ko sa kaniya dahil hindi puwedeng lumabas na ako ang may gawa no'n-"

"Ma'am, papasok po ba kayo?" Nanlaki ang mata ko ng magtanong ang janitor dahilan para malaman ng mag-ina na nandito ako.

Napaayos ako ng tayo, "Si Miran! Habulin niyo!" Nanlaki ang mata ko at mabilis na tumakbo, derederetso kong pinindot ang elevator.

Ngunit nalingon ko ang dalawang lalake na mabilis tumakbo para siguro ay huliin ako, sobrang tagal magbukas ng elevator at pagkabukas no'n ay sinarado ko kaagad.

Sobrang kinakabahan ako, "P-Papatayin nila ako panigurad-" bigla ay naalala ko ang floor ni Laze, mabilis kong pinindot 'yon.

W-What's his room again?

Nang bumukas ay napatitig ako sa fire exit na malakas kong naririnig ang mabibilis na yapak, tumakbo kaagad ako papunta doon at mabilis kong pinindot ang door bell.

"Laze!" Malakas kong kinatok ang pinto niya.

"Laze! Buksan mo!" Nanlaki ang mata ko ng papalapit na ang dalawa, at nang malapit na sila ay saktong binuksan 'yon at halos maitapon ko ang sarili ko paloob at mabilis na isinarado ngunit napapikit pa ako ng pagsandal ko sa pinto ay malakas nilang kinatok 'yon.

Hingal na hingal ako at nasapo ko pa ang dibdib sa sobrang kaba, ngunit halos manlaki ang mata ko ng makita si Laze na basang basa pa at nakatapis lang ng twalya.

Awtomatikong namula ang buong mukha ko dahil halatang nagulat rin siyang nakita ako. "W-Why d-did you enter my c-condo?" Bigla ay na-realize niya yata na wala siyang suot kaya naman kitang kita ko ang basa niyang dibdib dahilan para mapaiwas tingin ako.

Sunod sunod na may nag-bell sa pinto, kaya naman kinabahan ako. "I-I'll e-explain later, but I need your help first." Pakiusap ko.

"What help?" Huminga siya ng malalim, "Why do you need me now? I'm not willing to help." Lumapit siya sa pinto pero mabilis kong hinawakan ang braso niya at hinila siya papalayo.

"H-Huwag." Awat ko.

"M-Maligo ka muna, h-huwag mo bubuksan yung pinto. T-Tapos patayin mo yung bell." Pakiusap ko, ngumiwi siya at seryoso akong tinitigan.

Sobrang basa ang buhok niya at tila nag-madali lang siyang lumabas sa banyo.

Huminga siya ng malalim at blangko ang tingin na sinunod ang pakiusap ko, bumalik siya sa banyo ng walang sabi sabi. Limang minuto ay lumabas na siya, he's wearing a pajamas and a plain white shirt.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon