"Dalawa ngang McFL-" ay mali naman!
"Ah, este brewed coffee," bawi ko.
"Anything else, sir?" tanong sa akin ng crew habang ako naman ay nakatingin sa name plate niya sa kaliwang dibdib.
"Wala na," nagbayad ako at nang makuha ang order ay umupo kami sa tabi ng glass window.
"Uy, Mojow," basag ko sa katahimikan.
"Oh?" 'yong tono niya ay para bang wala sa mood makipag-usap.
"Ano'ng pinakita sa'yo ni Philip kanina?" Let's see kung ibabahagi niya sa akin ang nangyari kanina. Inabot ko sa kanya ang kape niya at agad naman siyang uminom.
"Chismoso!" naging chismoso pa nga. E curious lang naman ako sa kung ano nga ba ang mayroon sa pagitan nila ni tisoy.
"Ano nga?" naku! Gusto pa ay pipilitin para sabihin.
"Secret na 'yon," ang daya! Damot! Sige na naman.
"Daya! Share mo na," nag-puppy eyes ako para ma-convince siya kahit napakagwapo ko naman na puppy.
"Ah e, ano e, ah..." bakit kaya parang nahihiya siyang i-share? Private talaga? Wala naman sigurong ginawa 'yong tisoy na 'yon sa kanya, ano? Naku, masasaktan ang isang 'yon sa'kin kung meron.
"Siguro nag-kiss kayo, ano? Aray!" hinampas niya ako sa braso, hay naku! Sa pasa ko na naman. Ano ba naman oh! Ang galing sumakto sa pasa ko!
"Hindi ano! CEEra ulo mo," nag-blush siya. Oo, kitang-kita ko 'yong pagpapalit ng color ng pisngi niya. Kinikilig? Hala naman!
"Oy, Mojow, mukha ng kamatis 'yang pisngi mo," gagamitin ko na lang para asarin siya kaysa naman maapektuhan ako tungkol doon.
"Ha? Hindi ah," tumungo siya na para bang nahiya bigla sa sinabi ko.
"Ano kasi, ah, sinurprise n'ya lang ako," gusto pala niya 'yong mga surprise, now, I know.
"Ah, 'yong may table na naka-set up tsaka upuan? Tapos may nakasabog na flower petals sa sahig? Patay ang ilaw tapos may scented candles?" d'yos ko! Hinadhad na style na 'yon e! No offense pero gawaing sinauna!
"Pano mo-" natigilan siya kasi sumingit na ako sa sentence niya.
"Naku naman oh, ang corny!" napainom tuloy siya ng kape sa sinabi ko.
"Corny ka d'yan! Ang sweet nga," sweet ba 'yon? Walang thrill, corny, old school, lame, walang kuwenta, hindi grand, walang binatbat! Ako naman ang uminom ng kape, wala na akong pake kung mainit. Mapaso na kung mapaso.
"Basagan ng trip?" tanong niya sa akin. Kung puwede lang sabihin na puwede bang basagin mukha no'n?
"Pag ako nag-propose, hindi lang panty ang babagsak, ang corny talaga e!" natawa naman siya at kahit ako ay natawa rin.
"Parang sinabi mo na rin na corny ako," ano bang sinasabi niya e si tisoy naman ang sinasabi ko.
"Ha? Bakit?"
"Sa 'kin niya kasi tinanong 'yong dapat n'yang gawin," natawa ako, my bad!
Akala ko idea lahat 'yon ni tisoy. Oh, well, hindi naman nakagugulat dahil ganyan naman talaga ang tipikal na ideya ng mga babae sa date. Medyo disappointed ako dahil akala ko iba ang taste ni Mojow.
"Hindi n'ya alam ang gagawin?" nakapagtataka naman na hindi niya alam ang gagawin. Halata naman na may experience na siya sa mga babae.
"Hindi n'ya alam ang gusto ko," aba at pinagtatanggol! E 'di siya na nga ang superhero mo.
"Mojow, may sasabihin ako sa'yo..." tapos may biglang tumawag! Hay naku naman! Importante ang sasabihin ko e!
"Oh, Philip?" sabi niya pagkasagot ng tawag. Napangiti pa nang marinig ang boses ng kausap.
"Ah, pauwi na rin... ah, si Cee, sige, salamat. Ingat din. Oo, sige, sige," wala na! Ayaw ko nang magsalita!
"Ano nga ba 'yong sinasabi mo, Cee?" Nakatingin siya sa akin habang naghihintay ng kasagutan.
"Ah eh, g-gusto k-" hindi ko alam kung itutuloy ko pa. Sabihin ko na kaya?
"Hala, quarter to 12 na pala," sabi niya. Nakaka-distract naman! Nagco-construct pa ako ng tamang speech e.
"Ha? Ano uli 'yon?" tanong niya nang tumingin uli siya sa akin pagkatapos tingnan ang relo niya.
"Ah, ano eh, ah, g-gusto k-" nanlaki ang mga mata niya at naghihintay sa isasagot ko.
"Gusto ko nang umuwi," sabi ko.
Shit! shit! shit! Hindi ko nasabi! Ano bang nangyayari sa akin? Magaling ako sa mga ganitong bagay. Ano ba 'to? 'Pag siya 'yong kausap ko, nalilimutan ko lahat at natutulala na lang ako sa kanya.
"Sus, akala ko naman kung ano na, tara na," sabi niya at nagbadya nang tumayo.
"Sige," sagot ko. Nakakainis!
Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa inis.
Tumawa lang kami matapos ang asaran. Nakatutuwa talagang isipin na ang open namin sa isa't isa. 'Yong puwede akong maging ako kapag kasama ko siya at ganoon din siya sa akin.
Lumabas na kami ng Mcdo at sumakay na sa kotse ko. Hinatid ko siya sa kanila tulad nang napagkasunduan. Sakto lang sa oras noong dumating kami, sobra pa ng dalawang minuto. Sa bilis ko ba naman mag-drive ewan ko na lang. Mabilis pero siyempre sobrang ingat din dahil kasama ko siya.
"Uy, Cee, salamat sa paghatid," sabi niya.
"Kiss ko?" sabi ko habang naka pout. Mukha akong engot!
"Ewan ko sa'yo, umalis ka na nga,"
Sarap talagang asarin ni Mojow. Pero puwede rin na totohanin dahil madali naman akong kausap e.
Kailan ko na nga kaya masasabi sa kanya ang mahiwagang bagay mula sa kaibuturan ng puso ko?
Pero sa utak nga pala sabi ng mga professors ko noong college! Ehem! Psych graduate po! Hay, bahala na 'yong anak ni Batman na si Batboy.
--
Author's Note:
Vote and comment. Thank you!
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 20
Start from the beginning
