"Usok nga ang ilong n'yan kanina gawa ng ku-," hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil siniko ako ni Mojow.

"Kaya kong umuwi mag-isa," hala! nagdrama na nga po siya.

"No, it's dangerous," tama si Phoebe sa sinabi niya. E kung magaya siya sa mga babae kanina, naku! Hindi lang suntok ang aabutin sa akin ng mga 'yon.

"Mojow, ihahatid na kita, yaan mo, may good night kiss ka sa akin, kung talagang mapilit ka," alam ko naman na hindi mangyayari 'yon pero malay naman natin.

"Loko loko!" nahampas pa nga ako sa braso. Hay! ang galing, sakto na naman sa pasa ko.

"Ano'ng sabi mo gwapo? Alam ko na 'yon e," sino pa bang maniniwala sa sarili natin? tayo rin.

"Naku bingi," narinig ko naman talaga, mas pinili ko lang talaga na hindi 'yon pansinin.

"Ano? Pogi? Mojow naman e, tama na, baka mag-blush ako," inaasar ko lang talaga siya. Ang cute niya kaya mainis.

"Tara na at nagkakalokohan na rito," tumayo na kami at naglakad papunta sa sasakyan ko.

"Phoeb, girl, are you leaving na?" may humabol na isang babae na chicks sana pero halatang bata pa.

"Yeah," sagot ni Phoebe.

"Join us muna, please?"

"Hmm..."

"Sige na, Phoebe, sumama ka na, sumabay ka na lang sa kuya mo pag-uwi," halata sa mukha niya na gusto pa niya talagang mag-stay.

"Are you sure you're okay, Joan?" tanong nito sa kanya na parang may balak akong hindi maganda. Loko 'to ah.

"Yes, ihahatid naman ako nito," pertaining to me, of course.

"Take a lot of ingat! Bye! Tara, girl," nang mawala siya sa paningin namin lumakad na kami sa parking area para sumakay sa kotse.

"Gusto mo lang talaga akong ma-solo Mojow, I knew it," pero ang totoo, siya ang gusto kong ma-solo.

"'Wag ka ngang feeling," hindi naman ganoon kalayo 'yong lugar na pinaradahan ko kaya hindi nagtagal ay sumakay na rin kami.

"So, saan mo gustong pumunta?" baka may gusto lang naman siya e hindi pa naman ganoon ka-late.

"Sa bahay na," wow! Good girl ang Mojow.

"Kj mo, 11 pa lang," wala pa akong balak na umuwi.

"Gabi na kaya," oo alam ko pero gusto ko pang lumayas.

"May sinabi ba akong umaga?" Basag trip man!

"Wala, baka pagalitan ako," aba! Ang seryoso naman yata niya.

"Pagalitan e wala pa namang 12," ano bang sinasabi ko? 

Saan ko ba siya dadalhin at nagpupumilit pa ako na hindi umuwi? Yaya ako nang yaya, wala naman akong plano.

"Kung sabagay," at umayon pa nga siya sa sinasabi ko. This is good.

"E saan naman tayo pupunta?" so saan nga ba? Hmm...

"Dating gawi,"

"Mcdo?"

"Ang lamig kaya,"

"Oh?"

"E 'di magkakape tayo na mainit," pumunta kami sa Mcdo kahit late na ay marami pa ring tao pero siyempre hindi tulad kapag rush hours.

It Started with a McFLOATDonde viven las historias. Descúbrelo ahora