"Aray!" galing mamalo! Sakto pa sa pasa ko gawa ng mga lasing. Buti na lang naka-jacket ako at hindi niya makikita.

"Ang sama mo," sabi niya.

"Hay, pakipot ko pa kasi e, sana sinagot na kita noong niligawan mo ako. E 'di sana, tayo na ngayon, wala ka kasing tiyaga, Mojow," sobrang lakas ng tawa ko sa mga sinabi ko.

"CEEra ulo ka talaga, 'no? Ikaw at ako? 'Yon yata ang imposible," aray! Tagos! Sana hindi na lang ako nag-joke.

"Imposible talaga?" tanong ko.

"Sus, para namang magkakagusto ka sa 'kin, malabo! Alam ko ang mga tipo mo, ano!" Ikaw lang naman ang tipo ko. Hay...

"Tipo ko?" at kailan pa niya nalaman ang tipo ko sa babae.

"Oo, 'yong matangkad, maputi, sexy, mala-artistang ganda, 'yong gano'n," ah, typical girl date prospect ko noon, I get it.

"Teka, kelan mo pa nalaman ang mga 'yan?" para talagang ini-stalk niya ako e! Mababatukan ako nito kapag sinabi ko pa 'yon!

"Simula nang makita kita sa Mcdo."

"Ikaw, ha? Noon pa lang, may pagtingin ka na sa akin? Umamin ka na kasi, Mojow," pang-aasar ko.

"Ayoko sa playboy!" nagbabago nga ako dahil sa'yo.

Dahil sa'yo, natahimik na ang puso kong ligaw. Kadiri ang cheesy! 

Pero pramis, ngayon na nga lang uli ako nagseryoso after noong first girlfriend ko tapos ganito pa. Hindi ko nga dapat tinatago 'to e. Hindi ako 'to, hindi ako ganito. 

Kapag kasi may gusto ako sa isang tao ay pinagsisigawan ko sa mundo. Ewan ko ba! Iba si Mojow sa lahat ng nakilala kong babae.

"Dapat pala hindi float ang binili ko sa'yo,"

"Huh?" tanong niya sabay sipsip ng float.

"Dapat helmet"

"Bakit, ha?"

"Ipasuot mo kay Philip, baka mauntog, ikaw rin," nang-aasar lang naman talaga ako.

"CEEra ulo ka! Ano namang palagay mo sa akin mangkukulam at ginayuma ko 'yon?" tumaas ang kilay niya.

"Hindi ba?" ngumisi ako.

"Ewan ko sa'yo!"

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na si Phoebe sa table na halatang napagod sa pinuntahan. Nakipagkuwentuhan malamang sa mga nakitang kakilala.

"Hi, Phoebe," bati ko sa kanya.

"Oh, Cee, where have you been?" Curious, I like it.

"May binili lang," nakipagbakbakan pa nga dahil sa mga babaeng nabastos.

"Ah, kuya said na hindi s'ya makakasabay pag-uwi 'cause marami pa s'yang gagawin. Sorry, Joan dahil hindi ka n'ya mahahatid sa house mo," boom! Pagkakataon ko na.

"Ah, ayos lang, naintindahan ko naman. Marami pa rin kasing tao," oh, ano'ng papel ko? E 'di ako na ang bahala.

"Nalungkot ang Mojow, hindi maihahatid," tinawanan ko pa siya dahil doon. Para bang expected na niya 'yon sa akin kaya ginawa ko na lang din.

"Hindi, ah," pinilit siyang ngumiti.

"Don't worry, ako na maghahatid sa'yo, kawawa ka naman,"

"You're so mean, Cee. Kaya napipikon si Joan e!" ewan ko kung mapikon siya sa sinabi ko pero ganyan talaga kami e. Medyo harsh sa isa't isa. Just keeping it real.

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now