Hindi ko na napigilan at nagkabanatan na.

"Miss, do'n muna kayo sa tabi o mas mabuti tumakbo na kayo," sabi ko sa mga babae. Hindi na ako nakapagpigil, ano'ng tingin nila sa mga babaeng 'to, ulam na puwedeng share-share? Nakakainit ng ulo. Mukha pa namang hindi mga kaladkarin 'to. Mukha pa ngang mga sosyal e.

Pinag-uupakan ko ang mga gago. Naging playboy ako, oo, pero ni minsan hindi ako nambastos ng babae. 

Pumasok pa sa isip ko na paano kung si Mojow ang nasa katayuan ng mga babaeng ito kaya 'yon, lalo akong ginanahan pag-uupakan.

Tumba silang dalawa, lasing na rin naman kasi kaya madaling nakatulog.

"Ayan, tulog na sila," sabi ko at nginitian sila. 

Magaganda silang mga babae, mga tipo na ide-date ko noon. May pagka-blonde pa ang buhok no'ng isa at red head naman ang isa.

"Oh, my, thank you, thank you," sabi ng isa na may bangs.

"Thank you so much," sabi no'ng isa na red head.

"Umuwi na kayo, nagkalat ang mga lasing dito," paalala ko sa kanila.

"Thank you talaga,"

"Knight in shining armor ka namin, thanks."

"Sige, alis na ako at may kailangan pa akong bilhin," kumindat pa ako sa kanila. 

Grabe 'yong mga loko na 'yon ah! Tinamaan din ako kahit paano.

"Thank you, thank you talaga!" sabi uli nila. 

May kaunti lang akong pasa sa may braso pero kaya namang tiisin. Pumunta na akong Mcdo at bumili ng dapat bilhin. At pagkatapos ay sumakay na uli ako sa kotse ko at bumalik na sa Serenity. Pagdating ko, wala pa rin si Philip kaya mag-isa si Mojow sa table.

"Nasaan na si Phoebe?" tanong ko.

"Pumunta lang sa friends n'ya saglit."

"Ah... oh," sabay abot sa kanya ng isang monster float, 'yong mga mata niya biglang nabuhay. Para bang isang bata na binigyan mo ng candy.

"Bati na tayo, ha?" parang bata, oo pero hayaan na, ganyan kami e.

"Ayoko nga," angal niya.

"Hay..." pagbuntong hininga ko.

"Hindi ka pa nga nagso-sorry sa 'kin," inipit ko ang ilong ko gamit ang aking hintuturo at hinlalaki sabay sabi ng...

"Sorry," mukha akong timang, I know.

"Bakit ka ba nakaganyan?" nagtaka rin siya e.

"E baka sabihin mo na labas sa ilong," sana naman matawa siya sa ginawa ko.

"Ang corny mo!" tumawa siya nang malakas pagkasabi ko noon.

"Natawa ka naman," sa wakas naman, ngumiti na siya. Ganda talaga niya!

"Oy, baka ma-lock jaw ka naman katatawa r'yan," pang-aasar ko.

"Sobra ka, pero seryoso, imposible ba na magustuhan ako ni Philip?" tanong niya habang nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot ko.

"Imposible," sabi ko tapos sumama ang tingin niya sa sinabi ko.

"Imposible... na hindi," ngumisi pa ako sa kanya.

"Talaga?" nakangiti na uli siya. Ang ibig sabihin ba nito, gusto rin niya si tisoy?

"Joke! Naniwala naman," hinampas niya ako sa braso.

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now