"Kay Kuya Yuno naman libro eh, hindi ko alam kung anong klase pero para siyang coloring book from france." Inabot 'yon ni Yamato sa akin at naka-set 'yon.

"Mukhang plano nila ni Kuya Jem, kaya kay kuya Jem coloring materials." Tumango akong muli not until Yamato handed me an envelope.

"Kanino 'to?"

"Mine," matipid na sagot ni Laze.

"Papel? Picture ba 'to?" Tanong ko.

Dumating naman si mama dala ang coffee, na-intriga rin siguro siya kaya naupo siya sa katapat. Binuksan ko ang envelope ngunit nangunot lalo ang noo ko ng mabasa ang nasa envelope.

"Private property?" Sambit ko habang nakakunot ang noo.

"Patingin anak," inabot ko 'yon kay mama at hinintay siyang ipaunawa sa akin 'yon.

"A 3000 square meter land—"

"Lupa?!" Gulat na sabi ni Yamato.

"May contract anak," inabot ni mama ang pangalawang papel na nasa loob.

"Ano 'to Laze?" Kwestyon ko.

"Crizel told me to give you a house and lot, but I only have the land so I'll get you as my architect so we can plan on building your dream house?" Napakurap ako ng maraming beses.

"Gagi joke niya lang 'yon!" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Laze, hala. Ano 'to, hindi ko matatanggap 'to."  Kinuha ko 'yon at inabot sa kaniya pero naglapat ang labi niya at naningkit ang mata habang sinusuri ang envelope.

"I can't have it back anymore, I already gave it to you and it's under your name." Nakagat ko ang ibabang labi tsaka ako napatayo at hindi makapaniwala.

"I'll pay you for this—"

"No, that's a gift."  Seryosong sabi niya.

"Pero sobra sobra 'to—"

"Then my gift too for the past few years that I'm not with you?" Napatitig ako sa kaniya at napaupo na, "Ate ganyan dapat, nauuna ang lupa bago sing sing."  Parinig ni Yamato.

"This is really too much Laze," naitikom niya ang bibig.

"My land is sitting beside yours now," mahinang bulong niya.

"Mama kakausapin ko lang po ha," hinila ko si Laze papunta sa itaas ng bahay sa terrace doon kaya naman ng makarating ay hinarap ko siya.

"Laze," I frustratedly called out his name.

"It's okay, it's okay." Mahinahon niyang sabi.

"H-Hindi ko kasi deserve, lalo na ngayon—"

"You don't need to worry, hmm?" He cupped my face and smiled, "You deserve everything, without hesitation you deserve it. You'll need a land to build your dream house." Lumabi ako ng malambing niyang sabihin 'yon.

"A-Alam kong masama 'tong ginagawa natin, pero pasensya na kung ipinunta kita sa ganitong sitwasyon."  Tumitig lang siya sa akin tsaka niya binitiwan ang mukha ko.

Napanguso ako ng yakapin niya ako at hagurin sa likuran, "Don't be scared 'cause I'm now here, anything you wish will be my priority." Yumakap ako pabalik.

"Thank you," sambit ko.

Napahikab ako kaya naman natakpan ko ang bibig dahilan para mahinang matawa si Laze, "Matulog ka na pagka-uwi ko," mahinahon niyang sabi at isinilid ang buhok ko sa gilid ng tenga ko.

"Shower muna ako, wait mo 'ko." Paalam ko, ngumiti siya at tumango.

Magkahawak ang kamay naming pumunta ako sa kwarto ko, "Pasok ka?" Anyaya ko, natigilan siya at nasilip ang buong kwarto ko.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now