"I guess I can visit her anytime I want to?" Pabalang na sumbat ni Laze at sinulyapan lang si Terry na para bang wala siyang pakialam kung fiancé ko 'yon.

"I was just asking, did her parents call you for dinner too?" Blangkong tinitigan ni Laze si Terry at tsaka siya matunog na ngumisi.

"I don't like having a talk with you," Laze stated directly that widened my eyes.

"Laze." Sita ko.

"What? Should I tell him why I am here?" Seryosong tanong niya kaya huminga ako ng malalim.

"You can now leave," nakagat ko ang ibabang labi at tinalikuran si Laze.

"Hakuna." Bumuntong hininga siya at ubos na ubos ang pasensyang inabot ang pulsuhan ko.

"I'm not yet done talking—"

"I have nothing to talk about, makakaalis ka na. Nandito na ang boyfriend ko," mariing sabi ko at binawi ang pulsuhan ko tapos ay kinuha ang palad ni Terry at tinangay siya papasok sa loob ng bahay namin.

Napipilitan kong pinaghawak ang kamay namin ni Terry kahit na labag 'yon sa kalooban ko, at least I can do this for my grandparents?

Matipid kong nginitian sila dad, ngunit nakakunot lang ang noo ni Yamato habang nakatingin sa amin. I know he's not in favor of this, but what can he do?

"Are you really getting married in the next three months, anak?" Tanong ni mama kaya tumango ako at matipid na ngumiti.

Matapos no'n ay umalis na din si Terry after dinner, umakyat na ako sa kwarto pero hinarang ako ni Yamato. "Ate, what the hell was that?" Nakakunot ang noo niyang tanong.

"We both know who you really want, why are you hurting the person you really like?"  Tinitigan ko ang mata niya at matipid na ngumiti, "Don't smile." Naiinis niyang sabi.

"Sorry." Matipid na sabi ko.

"Why would you apologize to me? Hindi naman ako ang sinaktan mo?" Napipikon siya ngunit nagkibit balikat na lang ako at tinalikuran siya.

"Ate naman," pinigil niya ako kaya ngumiti ako.

"Okay lang ako, mabait si Terry. What could I ask? He's enough." Sambit ko.

"Si Kuya Laze? Papaano si Kuya Laze?" Ngumiti ako at nagkibit balikat.

"Ate."

"Hayaan na Yamato, hayaan na please lang. Wala namang kami ni Laze eh, wala naman talaga." Nauubusang pasensya kong sabi.

"Alam naman natin na gusto mo siya, bakit mo ba ginagawa 'to ate?" Inis niyang tanong.

"Kasi nga gusto ko! Tama na, magpapahinga na ako." Inis na sagot ko at pumasok na sa kwarto ko.

Lumipas ang araw at nakakasama ko pa rin sila Laze dahil sa project, hindi niya ako gaano kinikibo dahil madalas sa site si Terry. Habang nakaupo ay nagulat ako ng may bulaklak na tumambad sa harapan ko.

Tinignan ko ang nagbigay ngunit pilit ang ngiti na ibinigay ko. "Thank you, Terry." Pekeng ngiti na kahit 'yon ay pilit ko pang maibigay sa kaniya.

"You good? How about dinner at my condo?" Ngumiti ako at tumango, "Sure."

"That's great, I'll pick you up at 6pm since out mo 'yon. Take care," ngumiti ako at tumango, nang humalik siya sa pisngi ko ay pilit kong tinanggap 'yon.

Nang tumalikod siya ay pinahid ko ang pisngi, tumayo ako at tsaka ko tinitigan ang bulaklak. Why am I not happy receiving flowers?

Nanlumo ako at dahan dahan na ibinaba 'yon sa kinauupuan ko tsaka ako naglakad papunta sa rest house pero natigilan ako ng makita kong naka-upo sa bandang terrace sa ibaba si Laze at tahimik na umiinom ng nasa tasa niya.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now