His hands were placed on my waist respectfully, our bodies were swaying and vibes with the romantic music, nang mahiya ako sa eye contact ay nahihiya kong isinandal ang noo ko sa dibdib niya but hearing his soft chuckles made my heart beat so fast again.

Janella's Point of View.

Umawang ang labi ko habang nakatitig kay Jem na salubong ang kilay, "You know what, I don't understand you Jeremy. You were never that protective, but now you act like you're someone who's my brother, my sister, my dad." Inis na sumbat ko matapos niya akong hilain kasama yung nanliligaw sa akin.

"'Di ba sabi ko sa'yo gagaguhin ka lang no'n?" Inis niyang sabi.

"May iba pang nilalandi 'yon, bakit ba hindi ka naniniwala sa akin?" Dagdag niya kaya umawang ang labi ko at pinagkrus ang braso ko sa dibdib.

"Look, he's a good guy. Ikaw lang 'tong pinag-iisipan siya ng masama, at isa pa pwede ba huwag kang magbintang?" Naiiritang sabi ko.

"Know your limits, hindi naman tayo magkapatid." Inis na dagdag ko at sinamaan siya ng tingin, bakit siya magagalit sa akin dahil sumasama ako doon? He's being so protective.

Natigilan ako ng hilahin niya ang pulsuhan ko at iharap ako sa kaniya. "You're getting back at me?" Singhal niya.

"Why? Does it hurt you?" Inis na sumbat ko.

"You know how much I hate you Jem," dagdag ko ngunit huminga siya ng malalim.

"Tagal na no'n."

"That's why," matipid kong sabi.

"I turned you down because you're my sister, we're siblin—"

"Hindi nga tayo magkapatid, hindi kita kadugo." Mariing sabi ko.

"It's been three years, Janella. Baka naman pwedeng kalimutan na natin 'yon?" Sumama ang tingin ko sa kaniya at pekeng tumawa, "Wala akong pakialam. Huwag mo na rin akong pakialaman, pinili mo 'yan 'di ba?" Inis na gitil ko.

"Your dad will kill me," gitil niya pa.

"So stay away from me," banta ko at binawi na ang kamay ko at tsaka ako naglakad papalayo sa kaniya, salubong ang kilay kong naglakad papalayo sa kaniya.

I've already suffered enough once, and as I thought he'll be the one whom I could count on yet I fell in love with him and he easily rejected me. "Janella." Nang humabol siya ay mas binilisan ko ang lakad ngunit nahuli niya na naman ako.

"Bumalik na lang tayo sa dati, please?" He asked, tumalim ang titig ko sa kaniya.

"Dati? Wala namang magbabago." Sarkastikang sabi ko sa kaniya at tsaka ako umayos ng tayo.

"Gusto mong kalimutan ko 'to 'di ba? Tapos ngayong gagawin ko na ayaw mo?" Sumbat ko, naglapat ang labi niya at tsaka niya itinaas ang buhok na para bang nahihirapan na siyang magsalita o magpa-intindi.

"Janella." Sambit niya muli sa pangalan ko kaya tinaliman ko ang tingin sa kaniya.

"Ayoko lang na masaktan ka na naman, huwag mo namang gawin 'to. Nandito naman ako bilang kaibigan at kapatid mo—"

"Hindi nga tayo magkapatid!" Inis na sabi ko.

"Inampon ka lang ni dad kasi wala kang parents! That doesn't conclude that we're siblings. Oo sabay tayo lumaki at naging kuya kita pero iba na ngayon." Mariing sabi ko, umuusbong ang galit sa dibdib.

"Tinanggihan mo na ako, bakit sinong gusto mo si Miran rin? Si Miran ulit?" Inis na sabi ko.

"Sino? May iba pa ba kaya hindi mo ako kayang tignan as a lady? Kasi tingin mo sa akin kapatid? Kaibigan?!"  Mangiyak ngiyak kong sumbat.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now