STBFL: Chapter 31

Start from the beginning
                                    

"Andres, kung panghihinaan ka ng loob, mas panghihinaan ako. Do you remember the time na sobrang baba ng tingin ko sa sarili? You are the reason kung bakit bigla nalang akong naging matatag, kasi pinaniwala mo akong mataas ako! Pinaniwala mo akong kaya ko ang lahat, kahit nga yung lintik na pagsakay sa zip line nagawa ko dahil sayo!"

"Pero sa huli pinili mo pa rin akong ibagsak. Nanjan na, ang taas taas na ng tingin ko sa sarili ko dahil sayo, pero sinadsad mo ulit ako sa lupa." Sumbat ko sa kanya, pilit niyang pinunasan ang luha ko at itinaas niya ako upang magtagpo ang labi naming dalawa.

"I'm sorry, I'm so sorry, Vanalein." Paulit ulit na bulong niya sa pagitan ng labi naming dalawa. Tinugon ko ang halik niyang maingat at mainit dahil sa pag iyak naming dalawa.

Niyakap ko siya ng sobrang higpit at tinanggap ko ang mas pinalalim niyang halik sa akin. "I'm sorry.." Paulit ulit na bulong niya, inihiga niya ako sa kama at siya naman ang nasa ibabaw ko, dahan dahan niyang pinaulanan ng maliliit na halik ang mukha ko. Nagsimula sa noo, sa mata, sa tungki ng ilong, pisngi at sandaling halik sa labi ko saka muli niyang pinagtagpo ang mata naming dalawa.

"Hindi ko alam kung paano magdesisyon ng tama pagdating sayo, dahil sa kapipilit kong bigyan ka ng perpektong relasyon ay mas nasaktan kita ng sobra." Namamaos na bulong niya habang hinahaplos ang buhok ko. Kumapit ako sa balikat niya at umiling ako.

"Hindi ko kailangan ng perpektong relasyon, dahil ang kailangan ko yung dating ikaw. Yung Andres na ipapaalala sa akin kung gaano ako ka-espesyal." Nakangiti pero umiiyak na bulong ko sa kanya.

Hinalikan niya ang noo ko, "I'm sorry." Bulong niya, tumango ako at niyakap ko siya. "I love you, Andres." Bulong ko na naging dahilan upang mas marinig ko ang nagwawalang puso niya.

"Mahal na mahal kita, Vanalein." Sagot niya sa akin at muli niyang inangkin ang labi ko kasabay ng paghaplos ng mainit niyang palad sa braso ko.

Magkasabay naming ipinikit ang aming mata at sabay naming hinayaang malasing kami sa halik ng bawat isa.

Kakaibang sensasyon ang naramdaman ko nang pinili niyang halikan ang gilid ng tainga ko pababa sa leeg ko. "Andres.." Nahihiyang tawag ko sa kanya.

Sandali siyang umangat at tinitigan niya ang mga mata ko, punong puno iyong ng pagmamahal at pangangailangan. Pero nandoon pa rin ang takot sa kanyang mga mata, hinaplos ko ang pisngi niya at tinanguan ko siya na naging dahilan upang muli niya akong bigyan ng isang matamis na halik sa noo.

Naramdaman ko ang dahan dahan na pag alis niya ng butones ng blouse ko, hanggang sa maramdaman na rin ng katawan ko ang lamig na hatid ng aircon mula sa buong kwarto. Iniangat niya ako ng kaunti at narinig ko ang pagkalas niya sa suot kong bra kasunod non ang pagtapos niya non sa kung saan.

Nagtayuan ang balahibo ko nang ikulong ng dalawang palad niya ang dalawang dibdib ko habang pinagmamasdan niya ang namumulang mukha ko dahil sa pagkahiya sa kanya. "You're so beautiful.." Garalgal at malalim ang boses ni Andres.

"Uhh.." Ungol ko nang simulan niyang halikan ang kanang bahagi ng dibdib ko, kakaibang sensasyon ito na ngayon ko lang naramdaman. Bawat pag galaw ng labi ni Andres ay ramdam ko ang pag iingat na h'wag akong saktan.

Panay naman ang pagkakasasa ng kaliwang kamay ni Andres sa isa ko pang dibdib at hindi ko na alam kung anong klaseng kuryente ang dumadaloy sa katawan ko sa mainit na haplos na iyon.

Bumaba ang halik niya at magkasabay kong narinig ang ungol naming dalawa nang halikan niya ang puson ko habang dahan dahan niyang tinatanggal sa pagkakabutones at zipper ang suot suot kong black pants, narinig ko ang paghinga niya ng malalim ng mahila niya iyon pababa!

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Where stories live. Discover now