"We're head to beach right?" Tanong ni Laze prenteng nakaupo at hindi ko siya gaanong malingon dahil baka iba ang isipin niya, galit kaya siya sa akin?

"Architect Garcia, may girlfriend ka?" Kwestyon ni Ruri.

"Who's single on these days," matipid niyang sagot kaya napalunok ako at pasimpleng pinaghawak ang mga palad ko sa kaba. Hindi rin matigil sa pagtibok ng mabilis ang puso ko.

"Ay shala. Sana all," sagot ni Ruri.

Bumyahe pa kami ng mga isang oras bago marating ang beach sa kung saan itatayo ang hotel at resort ngunit nakita ko kaagad ang mga kaibigan na nasa mismong sand at nagsusukat.

Nang malingon nila ako ay nanlaki ang mata nila lalo na si Crizel, ngunit napansin ko na wala si Yuno at Janella, baka ibang team? Nang makalapit sa kanila ay hindi kaagad naawat ang bibig ni Crizel. "OMG Laze! Long time no see!" Masayang bati ni Crizel at halos tumalon pa.

Si Jem naman ay seryoso lang, ngunit si Ruri ay hindi mapakali, makaharap niya ba naman yung big time crush niya kahit sino hindi mapapakali. "How have you been?" Balik lang ni Laze kay Crizel.

"Eto, maganda pa rin syempre. Ikaw ba? Tagal mo rin nawala ah," hindi ako kunportable at lubusan akong nahihiya sa nangyayari.

"I'm good, I finished early." Sagot ni Laze.

"Uy mas gumwapo ka!" Naningkit ang mata kong nakatingin kay Crizel dahilan para mapansin niya ako at dahil doon ay alanganin siyang ngumiti at tumawa.

"Naiinitan ka ba mare? Tubig?" Tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ah so friends kayo ni Architect Garcia?" Tanong ni Ruri kay Crizel.

"Ay hindi ba obvious, hehehehehe. Classmates kami first year college." Turo pa sa akin ni Crizel at kay Laze.

"Ah nag-study ka pala dito." Lumunok ako.

Nang lumapit si Jem ay inabutan niya ako ng water bottle tapos nakabukas na 'yon. "Thank you." Sagot ko.

"Buti naisipan mo ng bumalik Laze? Tagal na rin 'no." Daldal pa ni Crizel.

"I'll go back after I finish this project," sagot ni Laze. Muli ay sinulyapan ko siya ngunit kwintas niya talaga ang natitignan ko.

Is it a trend these days?

"Tara muna doon sa silong," yaya ni Crizel at kumapit sa braso ko at tinangay ako nangunguna.

"Gaga mare, kita mo sinayang mo?" Bulong niya kaya siniko ko siya.

"Tantanan mo 'ko."

"Hays, ka-pogi na Laze." Bulong niya pa kaya inalis ko pagkakahawak niya.

"Doon ka sige," utos ko dahilan para matawa siya.

Ang presensya niya ngayon ay pinakakaba ako, at nagiging metikolosa ako sa bawat galaw ko, kinakabahan akong makita siya, makausap o makaharap man lang. "Architect Garcia dito ka maupo," binigyan nila si Laze ng upuan kaya naman nakatingin lang ako sa sariling plato habang nakaupo.

"Galing ka Japan 'di ba?" Tanong ni Crizel.

"Yup." Sagot lang ni Laze, matipid at malamig ang tinig.

"Ano doon ka nag-aral?" Tanong ni Crizel, ma-chismis talaga 'to.

"Nope, I finished a project there. A small one," napatango ang lahat bukod sa akin at kay Jem.

"Ang astig mo naman," sagot ni Crizel kaya napailing iling ako at mabilisan at palihim na hinilot ang sintido ko.

Pag-usapan na kaya nila yung project?

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now