"Goals mo mukha mo," ngising sagot ko. "Bakit ako pupunta sa bahay mo ha, bulok." Asar ko pa, "Eh gawa mo 'yon tapos sasabihin mo bulok HAHAHAHHAA." Nang sabihin niya ay napahiya ako, oo nga pala.

"Dami mong says ha, tara na nga. Makikikain ka na nga eh," inis na sabi ko. Sumunod siya hanggang sa condo kaya naman nang makapasok ay isinindi ko na yung aircon dahil nagrereklamo agad ang balat niya sa pawis.

"Yuno, ikaw ba talaga yung nasa party?" Biglang tanong ko matapos ilagay ang avocado na may yelo at gatas, kinuha niya yung mangkok tapos ay tinikman 'yon.

"Secret." Sagot niya at ngumisi, "Pero matamis.." Napalunok ako ng may pahabol siyang sinabi kaya tinitigan ko siya, "Matamis?" Nagtatakang tanong ko.

"Matamis yung alak that night," bulong niyang sabi kaya napairap ako.

"Matamis rin yung avocado dessert ngayon," nakangiting sabi niya dahilan para bahagyang mawala ang mata niya kaya napaiwas tingin ako.

"Nababaliw na ako," bulong ko pa.

"Daldal mo, just eat." Utos niya, napaka-demanding nitong lalake na 'to.

Matapos no'n ay umalis na rin siya kaya naman, ginawa ko na lang ang school activities ko. Makalipas ang ilang araw ay mas lumalapit na ang kaarawan ko ngunit tinotoo ni Laze ang sinabi niya, ni kausapin o tignan ay hindi niya ginagawa.

Buong klase ay ni hindi siya nagsasalita. Habang tahimik ako ay nagtaka ako ng tumayo bigla si Crizel matapos may mabasa sa cellphone niya. "S-Sir, e-excuse me po muna. Emergency lang," nang sabihin niya 'yon ay nag-alala ako.

"Crizel, ano meron?" Aburido siya at pansin ko 'yon, "Si Janella kasi mare, mamaya ko na ieexplain okay?" Sinuot niya ang bag kaya naman kinuha ko ang wallet at cellphone ko tapos ay sumunod sa kaniya.

"Sasamahan na kita," mabilis na sabi ko.

Nang palabas na ay nagtatanong ako, "Ikwento mo kung ano nangyari." Mabilis na sabi ko habang sinasabayan ang lakad takbo na ginagawa niya.

"Nakita ng daddy niya yung iniwan niyang note sa kwarto niya, medyo off yung note pero ayoko ng umabot sa punto na ganoon na naman ang gagawin niya. Nag-away na naman kasi sila ng daddy niya eh alam mo naman na may pinagdadaanan pa si Janella." Nang marinig ang kwento ay parang pati ako nasaktan para sa kaniya.

"A-Ano, h-hanapin natin siya. Maghiwalay tayo," kinakabahan na sabi ko.

"Sige." Sagot niya, "Text mo ako pag nakita mo na siya." Tumango ako at mabilis na naglakad pero bago pa man makaalis ay may pumigil sa akin kaya nalingon ko siya.

Nagulat ako ng makita si Laze. "I am not here to bother you, but I am here to ask you what happened." Lumunok ako sa sinabi niya, "Nawawala si Janella." Mahinang sabi ko.

"K-Kailangan namin siyang mahanap kasi baka wala siya sa tamang pag-iisip ngayon." I explained, si Janella naman eh.

"I'll go with you," napalunok ako sa sinabi ni Laze.

"You can't ride bus, or cab. It will eat a lot of time," mahinahon na sabi niya kaya tumango ako.

"S-Sige." Pag-payag ko, sumakay kami sa sasakyan niya at mabagal namin na nilibot at pinasok ang bawat cafe, restaurant, mall, bookstore, public library at sinehan.

Ngunit wala, kalagitnaan ng paghahanap ay biglang tumunog ang cellphone ko. Nagtaka ako ng mag-text si Yamato sa akin.

From Yamato-kudasai:

    Ate, nandito sa bahay yung kaibigan mo ate.

Nangunot ang noo ko, "Nasa bahay namin si Janella, tara." Pagsabi ko.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now