Natigilan ako ng dumapo ang mata niya sa akin ngunit hindi ako nito napansin at naupo lang siya sa hindi kalayuan na mesa, habang umiinom ng kaunti. Umiwas tingin naman ako upang hindi mahalata, hindi niya ako namukhaan o nagkamali lang ako?

Si Laze kaya pupunta?

Tumayo ako upang kumuha rin ng maiinom, ngunit habang naglalakad ay may malakas ang loob na humawak sa bewang ko pero tinitigan ko ang mata niya tapos ay pasimple kong inalis 'yon.

"Not interested," wika ko at dahil doon ay mahina 'yong natawa at tsaka hinayaan kang ako. Nang makakuha ng maiinom ay sandali akong tumayo habang lumilinga linga.

Hindi ko siya makita.

Malay ko ba kasi kung yung kwintas na 'yon ay may katulad? 'Di ba.

Nangunot ang noo ko sa kanta, BMW by Because and Leslie?

Ating sulitin ang hamog, magsisilbi na taklob..

Weird.

May sumasayaw sa gitna, may mga magkakasamang grupo, may naglalaro at may mga kumakain. Bumuntong hininga ako at nag-ikot ikot hanggang sa may makasalubong ako at parehas kaming natigilan dahil siya yung kanina ko pa tinititigan.

Bahagya siyang umatras at tumitig sa akin, ngunit ngumisi siya at dahil doon ay lumabas ang dimples niya. "It's you," nang marinig ang boses niya ay parang nagsi-taasan ang mga balahibo ko.

Pinilit kong mag patay malisya, "You're not gonna invite me to kiss you, right?" Umawang ang labi ko at napairap.

"It depends," sagot ko na ikinangisi niya.

"I knew we'll meet here," tinitigan ko lang siya ngunit dahil sa mask niya ay sigurado ako na siya yung sa ball pero hindi ako sigurado kung sino ba siya.

"Nagkita na ba tayo ng walang mask?" Kwestyon ko, dahil sa sinabi ko ay matagal siyang tumitig sa akin bago mahinang tumawa dahilan para mapalunok ako at kabahan.

"What's your guess?" Pinagmasdan ko siya ng mabuti, tama bang sagutin niya ng tanong yung tanong ko?

"I'm not sure."

"Well, I am sure." Ngumisi siyang muli, dahil doon ay natulala ako sa dimples niya. Kitang kita ang mga 'yon at hindi ako magsisinungaling hindi ko maalis ang titig doon.

"Zoning out?" I almost had a shock when he snapped his fingers like Yuno did before! S-Si Yuno ba?

"Who are you?" Kwestyon ko.

"The guy who kissed you at college night ball," kumunot ang noo ko sa sagot niya, dahil ayaw pa niyang ipakilala sa akin ang sarili?

"If you're suspicious then I'll go," ngumiti siya at bago pa man siya maglakad para lampasan ako at ipinatong niya ang palad sa tuktok ng ulo ko at tumuloy na kaya nalingon ko siya.

He's making me go after him right? Let's stand still and let our pride stood still.

Tinalikuran ko rin siya at pilit na hindi nilingon, tumikhim ako at nanatiling deretso ang lakad. Hanggang sa may mabunggo ako at dahil doon ay nasalo niya ako, nangunot ang noo ko sa mga mata nito hindi malaman kung contact lenses ba ang suot.

"Careful." Matipid na sabi ng tinig nito at inayos ang tayo ko tapos ay nilampasan niya ako, sinundan ko siya ng tingin tsaka ako huminga ng malalim.

All of a sudden hindi ko maalis yung ngisi at ngiti ng lalake na 'yon, he's so hard to get in touched with. Confident siya, nalingon ko ang naupo sa kabilang mesa at nang mapansin ko na siya 'yon ang pinagmasdan ko siya.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now