"Ops, teka," sabay tanggal ko ng kamay niya sa kamay ko.
Kahit ganito ako, dalagang pilipina ako, ano. Maghirap ka muna bago mo mahawakan ang kamay ko.
"Sorry, I got carried away, my bad," Wow, gentleman talaga!
After ng kilig moment namin, kumain na kami. Maya-maya ay umalis na 'yong mga tumugtog ng instrument.
"Hey, Joan, can I ask you something?" ano na naman kaya?
"Ano 'yon?" kinakabahan ako, bilisan mo na.
"Is someone else courting you?" weird question dahil wala naman.
"Huh? Paano mo naman natanong 'yan?" may nakikita ba siya na hindi ko nakikita?
"Because you're beautiful, you know. I will not be surprised if you tell that I am not the only one," wow!
Tama ba ang dinig ko, ako, beautiful? Dalawang beses na n'yang sinabi 'yon. Saan na umabot 'yong buhok ko? Paki-check!
"Wala naman," kahit nalilito ako sa tanong niya.
"Good, I mean, good because, we're exclusive," parang ang gandang itanong kung kailan niya pa ako gusto kaya lang nakahihiya naman.
Parang ang kapal naman ng dating ko. 'Wag na nga, alam kaya ito nina Phoebe at Cee? Si Phoebe malamang alam niya dahil kuya niya 'to pero si Cee, ang CEEra ulong 'yon, kasab'wat pa yata.
"Uy, salamat dito, ha? Grabe! nakakahiya," nginitian ko pa siya.
"Don't mention it, anything for you," tigilan mo nga ako Philip. Kapag ako kinilig, nangingisay ako.
Ito pala ang epekto ng may closure na, masyadong malakas maka-imagine at kilig-kilig lang nakaka-miss. Lalo ko tuloy na-miss ang mga sistars ko. Wah! Sana umuwi na sila dahil miss ko na rin talaga sila.
"Let's go?" yaya ni Philip nang matapos namin ang main dish at kuwentuhan. Binigyan pa niya ako ng isang bokey ng pink roses.
"Uy, salamat! Kaya pala nagtanong ka no'ng minsan, ha?" Smart move, siya nga naman, para alam na niya agad at hindi na manghula pa.
"You're always welcome and yeah, so I can get the direct answer from you," tumawa pa siya, feeling guilty maybe.
"Tara at baka hinahanap na tayo no'ng dalawa," sabi ko. Pagbalik namin sa table, nang-asar agad ang CEEra ulo.
"Wow naman, Mojow, ano'ng meron?" nakangisi pa ang loko sa akin.
"Ah, e ano, Ah..." hindi ko alam ang sasabihin dahil bigla akong nabulol-bulol sa harap ng isang 'to.
"Guess kuya spilled it out? Geez! tell me everything," sabi bigla ni Phoebe.
"Not just that, I proposed to her already," hala! Lalo kaming aasarin nito.
"Propose, agad?" sigaw ni Cee.
Nagulat lang? Imposible ba? Hambog talaga nito. Ang yabang! Porke't perfect 'yong tao tapos ako simple lang, hindi na puwede? Nakakaasar naman 'to!
"Yes," sagot ni Philip. Namula tuloy ang mga pisngi ko. Ewan, nakakakilig lang na may isang proud na tao sa akin.
"E 'di kayo na?" talaga naman! Hindi ba talaga kapani-paniwala CEEra ulo? Hay... so easy to get pa ako ngayon? Grabe!
"Oh, you got that wrong, dude," sabi ni Philip.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" nakatingin sa kanya si Cee na naghihintay ng sagot sa tanong niya.
"I proposed to her if I can court her," that's right.
"And?" tanong ni Phoebe.
"And, she said yes," pagsabi noon ni Philip ay halatang natigilan si Cee. Bakit? Loading? Sabay biglang sabi ng...
"Congrats, congrats..."
"Thanks, dude," sabi ni Philip. Pangiti-ngiti ang hambog, tapos maya-maya ay nag-excuse muna sa amin si Philip at may aasikasuhin lang daw sa loob.
"Hoy, Cee!" sigaw ko. Nakakaasar kasi e. Nakakainsulto kanina pa!
"Oh, teka, ang init yata ng ulo mo?" talagang mainit ang ulo ko sa'yo, nagbabaga.
Ang ganda na ng eksena at mood ko tapos breaker siya. Hay...
"Oo, kaya umayos ka, hay..."
"Wala naman akong ginagawa, ah," wala raw e kulang na lang na sabihin niya kay Philip na, 'Pare, joke ba yan? Nakakatawa e. Bakit siya? Ang dami namang ibang babae?' parang ganoon 'yong pinalalabas niya kanina.
"Wala? Kulang na lang sabihin mo kay Philip, 'Weh? Ano'ng nakain mo pre at sa dinami-rami ng babae ba't yan pa?' Grabe ka," patawa-tawa pa siya, nakapipikon lalo.
For the record, ngayon lang ako napikon sa kanya simula no'ng naging magkaibigan kami. Siguro dahil feel na feel ko ang kilig tapos binabasag niya 'yon. Basagan ng trip? 'Wag ganoon! Nagbadya na akong tumayo dahil nakakainis na talaga siya.
"Oh? Teka, totoo ba 'to? Pikon ka na?" manghang-mangha siya sa ikinikilos ko sabay hawak sa pulso ko para pigilan ako.
"Masaya ka na?" tanong ko sa kanya.
"Mojow, ang seryoso mo naman! 'Di ka na mabiro, ha? Meron ka?" Isa pa, uupakan ko na ang isang 'to. Isa pa CEEra ulo, isa pa.
"Aalis na ko," e baka kung ano pang masabi ko sa sobrang asar ko sa kanya. Mahampas ko pa sa kanya itong bokey.
"Hatid na kita," seryoso na ang mukha niya ngayon.
"Wag na," 'wag na talaga! Sapakin kita r'yan sa nguso mo e nang hindi ka na makatawa.
"Joan, he's teasing you lang, and you're asar. Para namang hindi ka pa sanay kay Cee," may point si Phoebe.
"Alam ko, pero nakakaasar kasi 'yan, panira ng moment," tumahimik na ang hambog, hay, salamat, tumigil din.
"Just sit and relax, let's go home na sabay-sabay with Kuya," sabi ni Phoebe.
--
Author's Note:
Vote and comment. Thank you!
VOCÊ ESTÁ LENDO
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 19
Começar do início
