Nasa isang room kami na may naka-set-up na table at dalawang upuan. 

Patay ang mga ilaw, candlelight ang drama at may naka-serve pa na pagkain. May nakasabog pang pink rose petals sa sahig kasabay ng natutunaw na scented candles kaya naman ang bango ng paligid.

"Ano 'to?" shunga ba ako? Tinanong ko talaga? Pero malay ko ba kung gusto lang niya na ipakita sa akin bago ipakita sa babaeng sosorpresahin niya.

"Surprise," bulong niya. Napaka-seductive naman ng pagkakasabi niya. I'm melting, inalalayan niya akong maupo kahit kaya ko naman.

Ay bet! Ang gentleman naman ng lalaking 'to!

"Para saan?" pa-inosente po ang tawag dito.

"Well, I have something to tell you," grabe 'yong titig niya sa akin, nakatutunaw. 

Talo ko pa 'yong scented candles. Birthday ba niya ngayon? Oops! Naku! Nakahihiya, wala akong regalo.

"Birthday mo ngayon? Sorry, ha! Hindi ko alam e," kung ano-ano na nga ang naiisip ko.

"No, it's not my birthday yet," tumawa siya pagkasabi noon.

"Ano bang sasabihin mo?" hindi ko namalayan, may kasama na pala kami sa room. 

At maya-maya ay tumugtog na siya ng violin. Ang tinutugtog niya ang 'Just the way you are' ni Bruno Mars.

"Joan, I have to tell and ask you something,"

Naku... para itong 'yong sa movies. Na magtatapat na si guy kay girl tapos magpo-propose siya ng... "will you marry me?" tapos sasagot si girl ng "yes!" na wagas.

Tapos magha-hug at kiss sila. Pero teka lang, hindi naman kami ah, paano ikakasal? OA lang, Joan?

"Joan, I liked you the first time I met you under that mango tree," kilig moment.

"You're simple yet unique, you're true to yourself and no pretensions, you're kind, you're beautiful and amazing just the way you are," what? He likes me? 

Itong mala-artista-na-taong-to-na-ubod-ng-yaman-na-ang-gwapo-gwapo-na-akala- mo-anghel-na-galing-sa-langit-na-bumaba-sa-lupa? 

Ano ba 'yan? Bakit ngayon ko lang napansin? Infairness, hindi siya masyadong obvious! Ano uli? Siya, may gusto sa'kin? Wow, dahil ang lakas ng hatak ng mango tree. Hindi lang ba ako mapagbigay kulay sa ikinikilos niya o manhid na may pagka-engot lang talaga ako?

"Huh?" hindi ko alam ang magiging reaksyon sa sinabi niya.

"I know. I might sound like rushing, but I can't help it. I can't help but think about you all the time so I have to make a move," wow! Pakialalayan 'yong buhok ko, humahaba na. Akala ko, sadya lang siyang mabait sa akin pero, wow, may iba na pala. Bigla akong gumanda ng 1000 times.

"So, my question is..." ayan na po!

"Is?" tanong ko na medyo kinakabahan na.

"Can I have the chance to court you? Will you let me?" Hindi ako nakasagot dahil para akong nananaginip. Matagal na rin kasi ang panahon na nakalipas noong may nag-propose sa akin ng ganito.

Natulala ako at hindi ko alam ang isasagot. Mabait naman si Philip, mabait din naman noon si Kenneth, tapos, ano'ng nangyari? 

Kung sabagay, magkakaiba naman ang mga tao. Wala naman sigurong masama kung bigyan ko siya ng chance. Huminga ako nang malalim bago sagutin ang tanong niya.

"Yes, puwede kang manligaw sa akin," bahala na, nandito na e. Let's see na lang kung ano'ng mangyayari.

"Really? Thank you. This means a lot to me," napahawak pa siya sa kamay ko. Napatingin ako sa kamay ko na hawak niya.

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now