"Ano papalag ka? Ayusin mo buhay mo. Hindi kita sa pool ihuhulog kundi sa bintana." Banta ni Crizel kaya pasimple ko siyang tinapik sa balikat, habang si Laze at tahimik ng nakatanaw sa bintana dahil yung 5 seater sa pinakalikod ay puno ng mga school suplies na hindi na kasya sa ibaba.

Kinalabit ko naman si Laze, lumingon siya at nagtataka. "What?"

"Ako sa window side," nakangiting sabi ko. Napalingon siya muli sa bintana na para bang hirap na hirap siyang iwan ang bintana bago siya umusod sa kabila kaya nakangiti akong naupo doon.

"Thank you."

"Whatever." Mahinang sagot niya, naka-suot siya ng mamahalin na earphones yung Bluetooth at mamahalin na brand. Bigla ay nakaramdam ulit ako ng gutom kaya ngumuso ako at tumanaw sa bintana ng sandaling makalabas na kami sa malaking gate ng school may nakasunod naman na bus baka yung section 2.

Ngunit nahawakan ko kaagad ang tyan ko ng tumunog 'yon, mabuti na lang naka-ear pods si Laze. Ipinatong ko ang bag ko sa lap ko at hinanap ko ang hotdog na pinrito ko na nakalagay sa tumbler. Tinusok ko ito using the disposable fork tapos kumagat.

Nalingon ko si Laze, "Gusto mo?" Sinenyas ko pa ang kamay na may hawak na fork. Huminga siya ng malalim at natigilan ako ng hawakan niya ang kamay ko at kumagat sa kabilang dulo ng hotdog.

Napalunok ako at tsaka ko ibinalik sa lagayan 'yon at hinati ng tuluyan yung hotdog syempre nakagat namin ang bawat dulo, nang mahati 'yon ay kinain ko na ang side ko at tsaka ko tinusok ang another half at tinapat sa bibig niya.

Natigilan siya at blangko akong tinignan bago tinanggap 'yon. Tinakpan ko na at tsaka muling itinago, uminom naman ako ng tubig ngunit habang ngumunguya yung katabi ko ay nabulunan yata.

Hindi ko alam ang gagawin pero inabot ko ang tubig ko sa kaniya. Kinuha niya 'yon at mabilis na uminom, tinitigan ko lang siya. "Buhay ka pa?" Kwestyon ko at dahil doon ay matalim niya akong tinignan kaya alanganin akong natawa.

Ngunit hindi ko inaasahan na pupunasan niya ang nguso ng water bottle ko using a handkerchief. Bago ibinalik 'yon, huminga ako ng malalim at tsaka tumanaw sa madilim dilim pang kalangitan dahil pasikat pa lang ang araw. "Anong oras sumisikat ang araw?" Tanong ko.

"It depends, sometimes it will be earlier than expected." He answered, glancing at the window beside me.

"But now, it will be around 6 AM I guess." Paglilinaw niya kaya tumango ako.

"Arrival time, will be 11 AM." Announce ni sir at tsaka siya bumalik sa pagkakaupo.

Ang layo rin pala ha, 4:50 AM na umalis kami ng 4:40 AM tapos 11 ang arrival? "Layo." Bulong ko.

"We'll have stop over for 30 minutes to eat a brunch." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Laze.

"Ba't mo alam?"

"I just know it," he stated.

Medyo gininaw ako ng tumagal tagal, na-boring rin ako dahil wala akong earphone kasama sa mga damit ko, nalingon ko si Laze na tahimik na nakasandal sa upuan niya mukhang nag-eenjoy sa music na medyo naririnig ko pa.

"What do you call a cow without legs?" Gulat kong nalingon si Laze sa kanyang tanong.

"Huh? Edi amputated cow?" Gulat kong sabi.

"Wrong."

"Injured cow?" Kwestyon ko pa ngunit umiling siya ulit.

"Edi ano?"

"In born cow without legs?" Umiling siya muli.

"May ganoon bang cow?" Inis na sabi ko.

"Hmm." Tumango pa siya.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now