"Leave." Bahagyang nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Laze.

"What?" Gulat na tanong ng lalake.

"Leave this cafe." Malamig niyang tinig, kaya napaatras ako at tinitigan si Laze.

"Janella." Kinakabahan na tawag ko sa kaibigan ngunit hinawakan ako nito sa kamay.

"Hayaan mo na, tara." Tumayo si Janella at hinila ako papalayo sa kinatatayuan ni Laze.

"Why the hell are you asking me to leave?" Galit na tanong ng lalake.

"Look at this," pinalo ni Laze ang mesa sa mahinang paraan sa kung nasaan yung note tapos ay blangkong tinitigan ang lalake.

"Why do you have that?" Gulat na sabi ng lalake.

"Too bad, I'm a friend of her." Sumbat ni Laze at umatras bahagya.

"Now leave," utos ni Laze.

"P-Pumayag naman siya!" Sumbat ng lalake.

"I'll call a police for harassing one of our waitresses." Mariing sabi ni Laze at dahil doon ay masama ang tingin sa akin ng lalake at galit na lumabas ng cafe. Lumapit naman si Laze sa amin, "Next time confront them, in this cafe you can't be wrong when you're right." Laze stated kaya tumango ako.

"Bumalik ka na doon Mare," utos ko kay Janella.

"Sige mare," paalam niya kaya bumalik na ako sa trabaho, pero maya-maya ay nakita ko na umalis na si Janella.

Makalipas ang dalawang oras ay lumapit si Laze sa akin. "Can I borrow your notes?" Kwestyon niya kaya nagtaka ako at natigilan.

"Nasa condo yung bag ko."

"I'll wait then," tumango ako at tsaka nagtrabaho na nang ala sais na ay nag-out na ako, inaantok rin ako sa totoo lang.

Sinabayan naman ako maglakad ni Laze dahil malapit lang ang cafe sa condo building ko, sinamahan niya ako hanggang sa taas pero natigilan ako ng may kahon sa tapat ng pinto ko kaya tinignan ko 'yon.

Another package? Kanino na naman galing?

"Did you order a parcel?" Kwestyon ni Laze.

"Hindi," matipid na sagot ko at binuksan na ang pinto. Inilapag ko naman 'yon sa mesa at tsaka ko kinuha ang bag ko at pinulot ang mga notes ko na dapat niyang kopyahin.

"Ayan na lahat," tukoy ko, kinuha ko naman ang cutter at binuksan ang package ngunit halos manlaki ang mata ko nang makita ang brand new cellphone na may balot pa at hindi pa nabubuksan.

Mamahalin 'to ah?

"S-Sino nagbigay nito?" Tanong ko, natigilan si Laze at inabot 'yon.

"Discreet package," sagot niya matapos basahin ang nasa ibabaw ng kahon.

"Hindi ba ikaw ang nagpadala ng damit nang birthday mo?" Kwestyon ko, umiling si Laze bilang sagot.

"I never sent you anything," nangunot ang noo ko at napaisip.

Bakit niya ako pinapadalhan? Si mama ba 'to? Imposible, masyadong mahal ang cellphone na 'to para bilhan ako ni mama.

"Paano 'to?" Tanong ko kay Laze, inabot 'yon ni Laze at binuksan. Pinanood ko siyang i-set up 'yon dahil hindi ako maalam sa ganoon sa cellphone, touch screen at mukhang latest.

Inabot kami ng 30 minutes bago maayos ang cellphone. "Tama ba na gamitin ko 'to?" Mahinang tanong ko.

"Yeah, I guess. Sa'yo ibinigay, sa'yo nakapangalan." Ngumuso ako at tinitigan 'yon, binuksan ko ang camera at tsaka ko ihinarap sa amin ni Laze. Deretso ang tingin niya at ako ay nakangiti kaya natawa ako.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now