Umayos na uli ako sa pagkakaupo at kasabay noon ay pagtugtog ng banda sa stage. Actually, tumugtog na sila kanina at second set na ngayon.

"Hindi nga ako mapakali," 'yon naman kasi ang totoo pero sa totoo lang, kahit ako ay nawiwirduhan sa ikinikilos ko.

"Oh my gosh, guess you're worried because Kuya just made a move," ano? Ako, worried? Bakit? Dahil kay tisoy? Oh, come on!

"Hindi, kailan ba ako nabahala sa babae? At si Mojow? Nagkakamali ka, Phoebe."

Hindi ko ba ma-gets kung bakit laging ganito ang sagot ko kapag tungkol sa kanya ang usapan. Para tuloy akong answering machine na paulit-ulit.

"Come on, Cee, maybe she doesn't notice it but everybody does. You like her."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.

Gusto ko nga ba si Mojow?

Ewan! Pero iba talaga 'yong pakiramdam ko noong yayain siya ni tisoy sa loob. Parang sumikip ang dibdib ko.

"And if you like her, you should do something about it. Papayag ka ba na kuya will win her heart just like that? Come on, Cee, I know you won't like that," sabi niya sa akin.

Hindi pa rin ako nagsalita. Nag-isip ako, paano nga kung biglang manligaw si Tisoy kay Joan? Tapos sagutin siya? Paano na ako? Oh, e 'di...

Paano nga kaya? E 'di ang boring na ng buhay ko, wala na akong aasarin?

"I've said enough, I should not tell you this pero I think you should know," sabi niya.

Hindi pa rin ako nagsalita at nakatingin lang sa banda na tumutugtog sa stage. Hindi ko alam ang sasabihin. Ayokong pag-usapan ito lalo na kung kapatid ni tisoy ang kausap.

Awkward, lalo na sa batang ito. Paano ko ba siya mapapaniwalang wala akong narinig? Hmm...

"Hey, Cee, just talk, you know, I look stupid now," sabi niya sa akin.

Ding! Alam ko na!

"Ha? May sinasabi ka ba?" tanong ko sa kanya. Sana umubra! Please! Umubra ka!

"Geez! I've said a lot of things and you didn't hear a thing?"

"Ano nga 'yong sinabi mo? Pinapanood ko kasi 'yong banda, ang galing nila, ano bang pangalan nito?" patay malisya talaga ako sa kanya.

Sabihin mo wala, sabihin mo wala para tapos na 'to. Sige na, sabihin mo, wala kang sinasabi.

"Ugh, nevermind!" sabi niya na may kasamang pagka-irita.

"Okay," sabi ko.

Boom! Ayos! lusot ako, no need to answer her questions and queries. Magkalipas ang 15 minutes o poreber ay wala pa rin silang dalawa.

"Bakit wala pa rin sila? Ang tagal naman yata," sabi ko kay Phoebe.

"You're so impatient," sabi niya.

"Naiintriga lang naman ako sa ginagawa nila," pagtanggi ko.

Noong pinag-aaralan yata ng mga Psychologist ang denial ay ako ang naging basehan nila.

Sabi ng mga professors ko noong college, nagde-deny ang tao para kung may nangyari, nangyayari o mangyayari man na masakit, hindi ganoon kalakas ang impact dahil may nakahandang mga depensa.

E 'yong sa 'kin naman ay para makaiwas sa pang-aasar at awkwardness. Ayoko nang inaasar dahil mas gusto ko na ako ang nang-aasar para astig.

"Pupuntahan ko na sila," sabi ko at tumayo.

"Don't," sabi ni Phoebe at hinatak uli ako paupo.

"Ang tagal nila," sabi ko nang makaupo.

"And'yan na, oh look," sabay nguso sa direksyon kung nasaan sila.

Pagbalik nila ay nanlaki ang mga mata ko dahil may dala ng bouquet ng bulaklak si Mojow sa braso.

Bakit ganoon ang pakiramdam ko? Mas malala pa ang sakit sa napitpit na daliri ng martilyo.

Napasimangot ako pero binawi ko agad dahil baka naman may makapansin sa kanila.

Nakaba-badtrip pero ngiti lang Cee, ngiti lang.

"Wow naman, Mojow, ano'ng meron?" tanong ko habang nakangisi.

Well, pilit na ngisi, more of fake na ngisi. Ay, naku, kinakabahan, naman ako sa isasagot niya. Baka iba ang maging interpretasyon niya sa reaksyon ko.

"Ah, e ano, ah..." hindi siya mapakali sa pagsagot. Hindi niya alam ang sagot?

"Guess kuya spilled it out? Gosh, tell me everything," sabi bigla ni Phoebe.

"Not just that, I proposed to her already," sabi ng tisoy.

"Propose agad?" sigaw ko sa sobrang pagkagulat, nanlaki tuloy ang singkit kong mga mata.

"Yes," sagot ng tisoy.

Tumingin ako kay Mojow at nakatungo siya pero halata na nakangiti, namumula ang pisngi. Malamang kinikilig sa tisoy na 'to. Ewan ko pero ang alam ko lang, naaasar ako.

"Eh, 'di kayo na?" tanong ko.

Malamang ganoon na nga ang nangyari. Bakit hindi ko man lang naramdaman na magtatapat itong tisoy na ito.

Mahina na yata ang radar ko ngayon, ah! Kung sabagay, never naman akong nagkaproblema sa babae dahil madalas, ako 'yong first choice or only choice.

Shit! Oo nga pala, sabi niya noon sa Baguio na gusto niya si Mojow.

Oo tama! noong nanonood kami ng basketball tapos biglang nagising si Mojow sa kalagitnaan ng game at nagyayang lumabas.

"Oh, you got that wrong, dude," sabi ng tisoy.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko. Ayaw ko nang nagkakamali pero sa pagkakataon na ito, okay lang.

"I propose to her if I can court her," sabi niya sa akin.

Akala ko nga, hindi uso sa kanya ang ligaw, mabuti naman at nag-iisip siya dahil sa tipo ni Mojow e hindi 'yan madadala sa kung ano lang na pakulo.

"And?" tanong ni Phoebe.

"And, she said, yes," sagot niya na hanggang batok 'yong ngiti.

Natigilan ako, sa loob-loob ko, bad trip ako dahil may nanliligaw na kay Mojow pero may parte sa akin na masaya rin dahil hindi pa sila.

Gusto rin kaya ni Mojow itong tisoy na 'to? Hay... ano'ng gagawin ko?

CONFIRMED!

GUSTO KO NGA SIYA!

Oh, no!

--

Author's Note:
Vote and comment. Thank you!

It Started with a McFLOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon