Nakakatawa talaga siya kapag inaasar ko. Lalo na at halata na affected siya sa mga sinasabi ko. Laugh trip!
"Maiba ako, may nahanap ka na bang trabaho?" tanong niya sa akin.
Naalala ko na naman 'yong reason kung bakit Psychology ang kinuha ko, dahil may gusto akong alamin tungkol sa sarili ko.
'Yon nga lang, lalo kong hindi naintindihan. Lalo akong naguluhan sa mga nalaman ko, joke!
Baka naman pagalitan ako ng mga naging professors ko. Pero seryoso, marami naman akong natutunan sa degree na natapos ko.
Sa totoo lang, gusto ko sanang magtrabaho sa isang company bilang HR officer. Sabi nga ni insan Kris tutulungan niya ako dahil HR head siya sa Brilliant pages na isang publishing company. Sana mapasok niya ako. Ngayon kasi, hindi na uso 'yong basta magaling ka lang o maganda ang TOR dahil kailangan na rin ng backer.
"Wala pa," sagot ko.
"Naghahanap ka ba naman?" marami na kaya akong napasahan ng resumé.
"Oo naman, makikita mo, magkakatrabaho rin ako," darating din ako sa punto na 'yon. Kung hindi man ngayon, alam ko darating din ang araw ko.
"Hihintayin ko 'yan, alam mo na, float lang, masaya na ako," sabi niya sabay tumawa pa nga. Wala pa, libre agad? Ayos talaga 'tong babae na 'to e.
"Naku! Kahit may kasama pang fries at burger," sabi ko.
Bigla ko lang din naalala 'yong first time naming magkita sa Mcdo. Siya 'yong unang babae na tumanggi sa style kong McFloat at note. Muntik pa kong upakan sa mukha nang wala sa oras. Kakaiba talaga ang isang ito, pambihira!
Makalipas ang ilang minuto, sumali na si Philip sa table namin.
"Joan, will you come with me?" tanong ni Philip.
"Bakit?"
"I have something to show you," Ano naman kaya 'yon? Ano'ng pauso naman 'yan, tisoy?
"Okay," sabi ni Mojow. Okay, agad? Hindi ba puwedeng itanong muna sa amin na kasama niya? Teka, bakit parang galit ako? Ang labo ah!
"Pre, sama kami," epal ko, oh, bakit naman ako sasama? Ako ba ang niyaya? Ngumiti lang si Mojow sa amin.
"Let's just stay here, I have a story pa for you," sabi sa akin ni Phoebe.
"Do'n mo na lang ikuwento para marinig na rin nila," pagpupumilit ko.
Bakit ba ako nagpupumilit sumama? Ang weird ko naman ngayon. Parang hindi ko hawak 'yong bibig ko, kung ano-ano'ng sinasabi. Shut up!
"It's for us nga lang," sabi na naman ni Phoebe. Ano namang sinsabi ng isang ito? Bakit ba niya ako pinipigilan?
"Us?" tanong ko.
"D'yan muna kayo, mabilis lang kami, 'di ba, Philip?" tanong ni Mojow kay tisoy.
"Yes," sagot naman ni tisoy.
Wala na nga akong nagawa dahil umalis na sila. Baka mamaya kung ano'ng gawin niya kay Mojow.
E ano naman sa akin? Bakit ba kasi ako affected? Nagbadya akong tumayo pero hinawakan ako ni Phoebe sa pulso kaya hindi natuloy.
"Where are you going?" tanong niya.
"Pupuntahan ko sila," sagot ko sa kanya.
"Geez! You're so kulit, Cee, they already told us that they will not be long there."
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 18
Start from the beginning
