"Oh," sabi nila na magkakasabay. Hindi ko maintindihan kung ano'ng nangyayari. Bakit parang may hindi ako alam?

"May problema ba?" tanong ko habang inililipat ang tingin kina Joan at Vanessa na para bang nag-aaway sila sa tinginan pa lang.

"Wala!" sabi agad ni Vanessa, umirap pa. Hala! Napapano ba ang isang 'to?

"Cee, nice seeing you again, we'll go na, see you around," sabi uli ni Vanessa.

"Same here, ingat kayo," sabi ko naman kahit may itatanong pa sana ako sa kanya.

Umalis na nga sila. Hindi ko na lang pinansin ang nangyari, siguro napapraning lang ako sa kanila.

Kung sabagay, sabi nga nila, some girls usually hate each other. Palagay ko ay girl thing 'yon na sila lang ang nakaka-intindi. Maliban na lang kung girl din ako, hirl ba ako? Sa gwapo kong ito girl ako? Katol pa!

"Mojow, ang ganda mo naman ngayon," banat ko sa kanya no'ng tatlo na lang kami sa lamesa at busy si Phoebe sa phone niya.

Ang sarap kasing pag-trip-an ng isang 'to. 'Yong mukha niya kapag naaasar na, sobrang priceless.

"Kung hindi kita kilala, baka maniwala pa ako sa'yo," sabi naman niya. Ayan na, ayan na... game on, Mojow!

"So kilala mo na pala ako? Yes, naman," asar-asar din 'pag may time.

"Oo naman, CEEra ulo ka e," 'yon lang, nabawian ako.

"Ikaw naman," sabi ko habang nakatitig sa kanya.

"Hoy, Cee! May mali ba sa akin?" bigla niyang tanong.

"Ang dami," simpleng sabi ko. Hindi kaya ako sapakin nito? May pagka-amazona kasi siya. 'Yong tipong puwede ka niyang masuntok nang hindi mo aasahan.

"Ano'ng sabi mo?" tanong niya. Wala akong sinabi, buti na lang at bingi siya. May parada po bukas, sama ka!

"Wala, sabi ko, parang namumutla ka," oo nga, bakit kaya namumutla ang isang 'to?

"Ha? Talaga? Nalimutan ko na kasing kumain kanina e," paliwanag niya.

Hay naku! Pagkain pa talaga ang nakalimutan. Bad girl ka, Mojow! Mahalaga ang pagkain kaya huwag mo 'yong kalilimutan.

"Ikaw talaga, kalimutan mo na ang lahat, 'wag lang ang pagkain. Sa takaw mong 'yan, hindi ako makapaniwala na nakalimutan mo. Teka, nand'yan na yata ang order natin," sabi ko.

Kumain na nga kami nang mailapag na ang lahat ng pagkain sa lamesa. Masarap ang pagkain dito, not bad.

Teka, bakit parang hindi sinusuot ni Mojow 'yong regalo ko sa kanya noong birthday niya?

Hmm... akala ko ba dream bracelet niya 'yon? Ayaw ba niya? Bakit kung ano-ano'ng napapansin ko? Ito ang mahirap sa tinapos kong degree, tinuruan akong maging observant kahit ayaw ko.

"Mojow, sinusuot mo ba 'yong regalo k- ni Mama sa'yo?" tanong ko, curious lang naman.

"O-" naputol ang sinasabi niya nang makapa na wala 'yon sa pulso niya.

Sa timpla ng mukha niya, parang hindi siya handa sa tinanong ko sa kanya. Para siyang estudyante na nahuli ng teacher na nagva-vandal sa pinto ng cubicle ng CR.

"Ah e, naiwan ko sa bahay," sagot niya habang nakatungo. Parang may mali pero baka nga naman naiwan sa bahay, 'wag nga akong praning. Hindi naman niya siguro 'yon nawala, ano?

"Nakakapagtampo ka naman, hindi mo naman sinusuot. Ayaw mo naman yata talaga," pagkukunwari ko na nagtatampo sa kanya.

"Uy, hindi naman. Naiwan ko lang talaga sa bahay," sabi niya.

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now