Just how much happiness am I feeling right now? Hindi ko maipaliwanag. Walang sapat na salita para  sa nararamdaman ko ngayon.

Mga ilang segundo rin ang tinagal non ata marahan kong inawat ang aming mga labi sa isa't isa.

"I love you too....Zack"....sambit nya at niyakap akong muli kasabay non ay ang malakas na hiyawan ng mga taong nasa paligid namin.

I can even see mom and dad staring at us. Nahiya tuloy ako. Hinalikan ko pa naman si Elle.

Nakita ko namang ngumiti sila dad at mom sa akin kaya naman nginitian ko sila pabalik.

Pagkakalas namin sa aming yakap ay inaabot ko sa kanya ang bulaklak na inihanda ko.

Niyaya ko na rin sya pabalik kaya nilahad ko ang aking kamay sa kanya at masaya naman nya itong hinawakan kaya nagsimula na kaming maglakad pabalik. Sumindi na rin muli ang ilaw sa buong paligid.

Pero, sa kalagitnaan ng aming paglalakad ay isang pamilyar na boses ang umakingawngaw sa aming likuran.

Kahit hindi kami humarap alam ko na agad kung kaninong boses ito.

"Having fun, are we?"...boses ni Sydney. Bakit andito sya?

Kaya anamn agad kaming napaharap, napansin ko ring panay ang tingin ni Elle kay Sydney at sa akin kaya napapatingin rin ako sa kanya.

"Surprised?"...nasa main stage sya ngayon. She's not wearing a gown but instead she looked dangerous right now.

"Anong kailangan mo?"...sabat ni Elle at napako naman ang tingin ko sa kanya. "You know what I need"...matalim na banggit ni Sydney.

Pamilyar ako sa mga nangyayari sa pagitan nila pero..

Bakit parang anggulo pa rin pagdating sa akin?

Pakiramdam ko may mangyayaring iba ngayong gabi...

"So, anong masasabi mo? Shall I start here?"...panakot ni Sydney. Hindi ko alam kung anong tinutukoy nya pero sa ngayon ramdam ko ang takot na namumuo kay Elle para mas lalo nyang higpitan ang pagkakahawak sa aking kamay.

"Walanghiya ka Sydney"...natauhan naman ako sa biglang madiing pagsigaw ni Elle.

Ano ba talagang.....

Nangyayari ngayon?









ELLE'S POV

"So anong masasabi mo? Shall...I start here?"...tanong ni Sydney.

Natatakot ako, she's unpredictable right now, kaya hindi ko alam kung anong maaaring mangyari.

She might--no, she'll expose me,

That's what she's trying to do.

Kaya naman sa namumuong galit sa loob ko ay hindi ko na napigilang mapasigaw.

"Walanghiya ka Sydney"...sigaw ko pero nginishan nya lang ako.

"Ako? Haha, ako walanghiya? Eh ano ka pa?"...sagot nya.

Ngayon, o mamaya, i-eexpose nya rin naman ako eh...

Malalaman din ng lahat ang nagawa ko.

And worst he'll know.

Masakit? Oo

Pero ano pa bang magagawa ko.

Napakasama ko naman kung patuloy ko na lang itatago.

Magkunwaring aksidente lang ang lahat?

"Listen everyone, nakikita nyo ba ang babaeng toh, Si Elleana Dela Cruz?"....panimula ni Sydney at natapat naman ang ilaw sa akin.

 A Stranger's Heart[Completed]Where stories live. Discover now