37."Anak ko si Maya!"

761 71 58
                                    



Warning:

This chapter contains mentions of sexual abuse.


"Third day," bulong ni Elio sa sarili nang huminto sa tapat ng pinto ng kuwarto ni Maya sa opisina ng NCP.

Hindi niya alam kung matutuwa siya na malalaman na nila ang katotohanan, o malulungkot siya dahil anumang araw ngayon, maaaring maghihiwalay na sila.

Binuksan niya ang pinto at sinilip ang loob at nakita si Maya na nakaupo sa isang upuan habang mangha na nakatingin sa labas. Hindi niya maiwasang mapangiti sa nakikitang kaaliwalasan sa mukha nito.

"Good morning, Doc," bati niya sa doktora na nag-aasikaso kay Maya rito. Napansin niyang bukod sa kaniya, sa doktor palang rin napapalagay pa ang loob ni Maya.

"Nandito ka na naman. Baka pinapagalitan ka ng mama mo."

Bahagya siyang natawa. "Hindi po."

Tuluyan na siyang pumasok at dahan-dahang naglakad papunta kay Maya. Sinadya niyang lakasan ang pagpadyak ng paa upang hindi ito magulat sa pagdating niya. Bilin na rin sa kaniya ng doktora dahil madaling makaramdam si Maya ng tensyon dahil sa mga naranasan nito.

Mabilis itong lumingon sa kaniya at binigyan siya ng isang malaking ngiti. Nang makalapit ay humawak siya sa ulo nito at tumingin sa tinitingnan nito sa labas. Ang kuwarto ni Maya ay nasa mataas na bahagi ng gusali kaya't kita nito ang tanawin sa labas.

Nasa isang syudad ang opisina ng NCP kaya't makikita ang maraming sasakyan sa ibaba at ang iba't ibang imprastraktura sa paligid nila, ngunit kaiba pa rin sa tanawing makikita sa syudad ng Loston.

"Tingnan mo."

Tumayo ito sa harapan niya nang nakatalikod at pilit na idinikit ang mukha sa glass window ng kwarto at idinikit rito ang hintuturo.

"Ang dami nila, Elio." Tila magkahalong pagkamangha, takot, at kaguluhan ang mababakas sa tono ng boses nito.

Inilapit niya ang sarili sa gilid nito at sumilip din sa ibaba. Nakita niya ang mga taong naglalakad sa gilid ng kalsada. Ang iba ay nakasuot ng pormal, at ang iba ay kaswal lang.

Hinila niya ang upuang kanina ay inuupuan ni Maya at siya ang naupo rito. Hindi katulad ni Maya, kita niya ang ibaba kahit nakaupo lang. Kanina ay nakatingin lamang si Maya sa langit kaya't hindi na ito nag-abala pang tumayo.

"At 'yon, gusto kong sumakay do'n." Nakaturo pa rin ito sa mga nasa ibaba. Ito ang gusto niyang makita kay Maya, ang unti-unting pagkasanay mula sa mga bagay sa labas, kahit na ngayon ay alam niyang malabo pa ito.

"Sino'ng gusto mong isama?"

Tumingin ito sa kaniya habang nanlalaki ang mata. Sa isip niya ay inaasahan niya na ang pangalan niya ang mababanggit nito.

"Si Mama."

"A . . . wow." Pilit niyang pinigilan ang kung ano mang masamang reaksiyon ang nais niya sanang ipakita.

Hindi naman niya maitatangging natural lamang ang sinasabi nito dahil ang ina lamang nito ang naging kasama sa paglaki. Hindi niya maaaring isaksak sa isip ni Maya na mali ang ginawa sa kaniya . . gayong hindi rin naman alam ni Elio ang ginawa kay Alicia.




"Anak ko si Maya!" Isang galit na sigaw ang tanging maririnig . . . walang takot . . . walang lungkot.

Mama SaidWhere stories live. Discover now