Prologo

7.4K 245 42
                                    



"Hindi siya si Mama." Muli itong umatras at bumalik sa dating puwesto.

"Mama ang tawag ko sa kaniya," paliwanag niya rito.

"Mama? Tawag mo rin sa kaniya ay Mama?" Tumango siya rito at ngumiti. Nararamdaman niya ang saya ngayong nababawasan na ang takot nito sa kaniya.

"Hindi ka na ba takot sa 'kin?"

Nalipat ang tingin ni Maya sa sahig at inisip kung hindi na nga ba siya takot sa lalaking nasa harapan. Tila isang lubid ang utak niya ngayon na nakabuhol. Hindi alam kung paano ito muling itutuwid gayong may ibang tao na ang naglalahad sa kaniya ng isang panibagong katotohanan na kailangan niyang paniwalaan.

"K-kaunti." Mabilis na tumingin si Maya sa kaniya. "Ang sabi k-kasi ni Mama . . . sasaktan daw ako ng halimaw."

Sa ilang beses na pagbalik dito ni Elio ay hindi niya kailanman ito nahawakan at sinaktan. Unti-unti niyang nakukuha ang tiwala nito, at pagbali sa pinaniniwalaan nito.

"Tama, Bambi." Binigyan niya ito ng isang ngiti. "Kailangan mo lang magtiwala sa akin na hindi kita sasaktan . . . at hindi lahat ng tao ay masama."

Tiningnan niya ang kabuuuan nito. Wala talaga siyang makitang pasa o sugat. Sa tingin niya ay ang emosyon at mentalidad nito ang naapektuhan sa kalagayan nito.

Itinapat niya ang kamera ng cellphone kay Maya at kinuhanan ito ng litrato . . . kasabay nito ay ang mahinang pagtunog ng orasan sa loob ng bahay na tila isang kalembang na paulit-ulit na pinupukpok.

"Pauwi na si Mama."



Mama SaidDonde viven las historias. Descúbrelo ahora