30. "Sa'n ka hinahawakan ni Elio?"

725 73 76
                                    



Puno pa rin ng tamlay si Maya matapos kumain kasama si Elio. Gusto man itong kausapin nang kausapin ni Elio ay hindi naman ito sumasagot. Nakahawak sa kaniya ito ngunit ramdam niyang ang loob nito ay hindi na ganoon kalapit sa kaniya tulad noong una.

"Nabusog ka ba, Maya?"

Muli, nakayuko na naman ito habang mahigpit na nakahawak sa kaniya. Nais niya sanang pagpahingahin ito mula sa tanong ngunit kailangan niya na ring umuwi mamaya.

"Oo," mahinang sagot ni Maya na halos hindi na marinig pa ng mga nasa paligid niya.

"Sino nga pala ang mga nakakasama mo sa bahay, Maya?"

"Si Mama."

Naghintay pa ito sa kung sino pa ang pangalang babanggitin, ngunit wala na itong sinunod pa. "Wala na?"

"S-si Mama lang . . . 'tsaka si Elio."

"Simula bata kasama mo na si Mama?"

"Oo."

"E, si Elio."

"S-saglit lang. P-pero . . . h-hindi matagal gaya ni . . . Mama."

"Komportable ka ba sa kanila?"

"O-oo."

"Sa'n ka nila hinahawakan?"

Napakamot siya sa pisngi, tila naguguluhan sa tanong. "Si Mama, s-sa pisngi, tapos niyayakap ako ni Mama."

"Komportable ka naman doon?"

"Oo."

Saglit itong tumingin kay Elio. "E, si Elio. Sa'n ka hinahawakan ni Elio?"

Kinabahan nang kaunti si Elio dahil baka mali ang isipin nito.

"Sa kamay . . . sa pisngi . . . h-hinahawakan niya rin ako sa b-buhok."

"Komportable lahat 'yon sa 'yo?"

"Oo . . . tsaka dito." Itinuro ni Maya ang sarili niyang tuhod. "'Tsaka . . . dito." Sunod niyang itinuro ang laylayan ng bestida niya.

Halata ang pagiging seryoso ng mukha ng kausap nila. Nanatiling kalmado si Elio dahil alam niyang wala siyang ginagawang masama.

"Kailan nangyari 'yon? No'ng hinawakan ka niya sa tuhod at sa bestida mo?"

"No'ng . . . n-nadapa ako. Nagkagasgas ako rito." Bahagya niysng hinilot ang sariling tuhod. "Nadumihan at . . . p-pinagpagan niya."

"E, 'yong sa bestida mo? Kailan niya hinawakan 'yon? At bakit?"

"No'ng nadapa rin ako. H-hinila niya . . . pababa."

Napabuntong-hininga ang kausap nila.

"At no'ng nakahiga ako . . . h-hinila niya rin . . . pababa."

"Komportable naman lahat 'yon sa 'yo?"

"Oo. M-mabait sa 'kin si . . . Elio."

"E, si Mama ba mabait?"

"O-oo. Sabi niya . . . hindi ko kaya . . . hindi ko kaya ang sarili ko . . . k-kaya . . . kaya siya lang ang may kayang . . . magprotekta sa akin."

"Bakit daw hindi mo kaya ang sarili mo?"

"S-sabi niya . . . mahina ako." Bahagyang hinaplos ni Elio ang likod niya at pagkatapos ay ibinalik ang paghawak sa kamay niya.

Halata rin ang pagkalungkot sa mukha ng nasa harapan nila.

"Nalulungkot ka ba minsan dahil do'n?"

"M-minsan—pero sabi ni Elio . . . hindi raw ako mahina."

Hindi maitatanggi ni Elio na tila napalundag ng mga salitang ito ang puso niya. Hindi niya inasahan na ang mga sinasabi niya ay naiiwan sa isip nito.

Mama SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon