21. "May anak ka pala."

736 74 111
                                    



"Sinasabi na . . . mas may malaking chance sila na magkaroon ng mental health problems . . . like depression—wait, send ko sa 'yo 'yong link."

"Anong link? E, wala nga akong cellphone." Nakahiga si Elio sa kama niya habang pinakikinggan ang pagsasalita ng kaibigan.

"Oo nga pala." Narinig niya ang pagtama ng mga daliri nito sa keyboard mula sa kabilang linya. "Basta . . . ingat-ingat na lang, Elio. Sa tingin ko, masyado na siyang nai-stress sa mga ginagawa mo."

Napakunot ang noo niya. "Anong stress? Masaya siya." Inilagay niya ang isang kamay sa likod ng ulo niya.

"I mean, madalas maglabas ng stress hormones 'yong body niya—when she feels threatened by the things around her."

Muling bumalik ang mga pangyayari sa isip niya kung saan laging takot ang nasa mukha ni Maya. Dahil sa kagustuhang mapabilis ang kagustuhan niyang pagtulong dito, hindi niya napansin ang epekto nito kay Maya.

"'Tsaka ano. . . ." Tumagilid siya ng higa at pinakinggang mabuti ang sasabihin ng kaibigan. "Baka hanap-hanapin niya 'yong labas, Elio."

Napatitig siya sa bintana sa gilid ng kama niya, nalilito sa sinabi nito. "Pa'nong hanap-hanapin?"

"Alam niya na 'yong mundo sa labas. Pwedeng hindi na siya makuntento sa kung ano'ng meron sa mga nakikita niya sa bahay nila. Hahanap-hanapin niya 'yong mga pinuntahan n'yo. Alam mo naman kung ano ang epekto kapag hindi nakukuntento ang isang tao—nakakasakal."

Inisip niyang mabuti kung ano ang pwedeng mangyari mula sa mga sinabi nito.

"Kung hindi mo naman siyang kayang tulungan . . . ihinto mo na 'yang ginagawa mo."

Napaupo siya mula sa pagkakahiga dahil sa gulat sa sinabi nito. "At sasabihin mo talaga sa 'kin yan? Tutulong ako. Alam mo namang psychiatrist si Tita Serah, kaya hindi ko pa masabi sa kaniya ngayon, baka isumbong lang ako kay Mama."

"Okay, okay. Masyado ka namang galit. Sige, manliligaw na 'ko."

Tinawanan muna niya ito bago pinatay ang tawag. Unti-unting lumalabas ang problema niya.





Maingat niyang inilabas ang bisikleta mula sa abandonadong bahay at sinakyan ito, pauwi galing sa pagbisita kay Maya.

May kadiliman na rin ang paligid at lumilitaw na sa langit ang buwan at mga bituin. Sinimulan niya ang pagpedal, at nang makalayo-layo ay narinig naman niya ang isang pagsitsit.

Huminto siya at tumingin sa maliit na bahay na pinanggalingan ng tunog. Nakita niya ang isang lalaki na medyo may edad na rin na nakaupo sa upuang tabla sa labas ng bahay.

Ipinedal niya ang bisikleta papunta rito. Hindi naman siya nakararamdam ng pagkatakot mula sa lalaking ito.

"Ikaw 'yong laging pumupunta do'n, 'di ba?" Itinuro nito ang daaanang pinanggalingan niya.

"Opo."

"Sa'n ka pumupunta do'n? Sa may gubat?"

Tumango siya. "Opo."

"Bakit ka pumupunta ro'n?" tanong nito na may kaunting pag-aalala sa boses.

"A-ano. . . ." Nag-dalawang isip siya kung sasabihin ito. Maaaring mapahamak si Maya kung sasabihin niya ito.

Mama SaidWhere stories live. Discover now