19. "Buwanang-dalaw."

769 73 78
                                    



Agad na ginapangan ng kaba si Elio nang makitang walang nakadungaw sa bintana ng bahay nina Maya. Nanakbo siya papunta rito at agad na tumingin sa loob.

"Bambi?" tawag niya rito at naghintay kung may sasagot . . . ngunit wala.

Naglakad siya patungo sa tapat ng pintuan. Natatakot siya. Paano kung nalaman ito ng ina ni Maya? Paano kung inilayo itong muli?

Binuksan niya ang pinto at tuluyang pumasok sa loob nito at iniwan ang tsinelas sa labas. Isinara niya ang pinto at naglakad patungo sa kusina. Wala siyang ibang nakita rito.

Tiningnan niya ang hagdanan. Agad siyang dinala ng mga paa papunta rito. Nang tingnan niya ang nasa taas nito ay nakita niya ang isang pintuan na sigurado siyang kuwarto ni Maya. Naglakad siya nang dahan-dahan paakyat dito—umaasang makikita si Maya.

"Bambi?" Idinikit niya ang tainga sa pintuan. Rinig niya ang kaunting pagkilos sa loob—na hindi imposibleng hindi niya marinig dahil sa tahimik ng paligid.

"Elio?" isang mahinang tunog na galing sa loob ang nakapagpatalon sa kaniyang puso.

Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kaniya si Maya na nakahiga sa isang kama habang nakahawak sa bandang ibaba ng tiyan at nakabaluktot.

Maingat niyang isinara ang pinto at naglakad papunta rito.

"Bambi." Hinila niya nang kaunti ang laylayan ng bestida nito 'tsaka naupo sa tabi nito.

Kaunti lamang ang gamit sa kuwarto na ito. Isang kama at aparador sa kanang bahagi. Mayroong isang maliit na lamesa sa harap ng bintana kung saan madalas gumuhit si Maya. At sa itaas, isang maliit na salamin kung saan nakikita ang langit—na nagsisilbing pinanggagalingan ng ilaw tuwing umaga.

"May lagnat ka ba?" Inilagay niya ang likod ng palad sa noo nito.

"B-buwanang-dalaw."

Saglit siyang napahinto.

Girls' monthly pain.

"Alam naman ng mama mo kung ano'ng mga gagawin, 'no?"

Tumango ito. "S-sanitary napkin," mahinang sabi nito na nakapagpainit ng kaniyang pisngi. Para siyang babae dahil sa hiya niya ngayon. "At . . . 'wag daw maliligo . . . sabi ni Mama."

Natawa siya. "Hindi totoo 'yon, Bambi. Narinig ko 'yon kay Mama no'ng kausap niya ang pinsan ko no'ng nagdadalaga pa lang 'yon. Hindi totoo 'yon."

"Pero sabi ni Mama. . . ." Hindi na nito itinuloy ang sasabihin at tumingin na lamang sa kaniya. "Bakit hindi ka bumalik?"

"May pinuntahan lang ako, Bambi. Pero promise, gusto ko sana talagang pumunta, kaso ayaw ni Mama."

"A-ayaw rin ni Mama mo na . . . na lumabas ka?"

Inilagay niya ang kamay sa ulo nito at mahinang kinamot. Ito ang paborito niyang ginagawa ng sariling ina noong bata siya.

"Hindi naman, may pinuntahan lang na importante."

Bumuntong-hininga ito dahil sa kalmang nararamdaman dahil sa pagmasahe niya sa ulo nito.

"'Tsaka, bumalik naman ako ngayon, 'di ba?"

Hindi na ito sumagot at nanatiling nakapikit. Tila isang kuting na ang kulang na lamang ay ang mahinang paghuni kapag natutulog.





Ang pagtunog ng cellphone niya ang nakapagpamulat sa kaniyang mga mata habang nakaupo sa sahig at nakapatong ang ulo sa higaan ni Maya. Sinilip niya ang caller at nakitang ang ina niya ito.

"Ma," sagot niya rito habang kumakamot sa ulo.

"Umuwi ka muna rito, Elio. Nandito sina Mila."

Napakamot siya nang marahas sa kaniyang ulo habang hindi maipinta ang mukha. "I . . . ano . . . hindi pa tapos oras ko rito sa computer shop." Nilingon niya ang natutulog na si Maya habang sinasabi ang mga ito.

"Umuwi ka muna. Babayaran ko na lang 'yan. Nakakahiya sa kanila, Elio. Gusto ka ulit nilang makita."

Inilayo na muna niya ang cellphone palayo sa sarili at suminghal dahil sa inis. "Ma," matigas niyang saad nang may kaunting lambot—upang hindi nito mahalata ang pagkainis niya. "Ayoko, Ma."

"Elio," saad nito na tila nagsasabing wala siyang pangalawang-sabi sa gusto nito. Gusto na niyang umatungal ngunit maririnig ito ng ina.

"Opo," mahina niyang tugon.

"Okay, bilisan mo. Dito na rin sila magmimiryenda," saad nito at agad na niyang pinatay ang tawag.

Hindi maipinta ang mukha niya dahil sa inis. Nakatingin lamang siya sa maamong mukha ni Maya na mahimbing na natutulog. Magkasalubong ang kaniyang kilay na tila pasan ang buong daigdig sa kaniyang balikat.

Tila natunaw ang inis na nararamdaman nang imulat ni Maya ang mga mata na agad na inilibot sa paligid.

"Elio." Mabilis itong umupo na tila naalimpungatan. "Nandiyan na si Mama?"

May pagkataranta ang pagsasalita nito. Inakalang gabi na. "Wala pa, Bambi. Naalimpungatan ka pa yata." Hinaplos niya ang gilid ng ulo nito upang pakalmahin.

"Aalis na tayo?"

Bumagsak ang tingin niya sa leeg nito. "Pinapauwi na ako ni Mama." Yumuko ito at pinaglaruan ang mga hibla ng tela sa suot. "Pero pagbalik ko, aalis na tayo . . . pangako."

Hindi ito tumingin sa kaniya. Hinawakan niya ang baba nito at tumingin sa mga mata. Naaalala nito ang ginagawa ng ina—hahawak sa baba tuwing may ibibilin, tuwing may iuutos.

"'Di ba may tiwala ka sa 'kin? Babalik ako, Bambi."





Padabog niyang isinanday ang bisikleta sa pader sa labas ng bahay ng kaniyang lolo at lola. Rinig na niya ang pag-uusap ng mga tao sa loob. Humarap muna siya sa pader at huminga nang malalim—pilit na binubura ang inis na ekspresiyon sa kaniyang mukha.

Nang mapansing ayos na ay naglakad na siya papunta sa loob. Nakita niya ang mga ito na nakaupo sa sofa. Nakita niyang muli ang babaeng nakausap niya sa lugar ng venue. Nakasimpleng pambahay lamang ito at wala na ang kolorete sa mukha—ngunit hindi maitatanggi na maganda pa rin.

Ni-minsan ay hindi ko hinanapan ng make-up sa mukha si Maya—hindi na niya kailangan.

"Andito na ang binata namin." Napatingin ang lahat sa kaniya. Agad siyang nagmano sa mga matatandang nasa loob at agad na naupo sa tabi ni Mila—na napangiti.

"Nagkita na kayo ni Mila do'n sa venue, 'di ba?" tanong ng kaniyang ina na nakaupo sa harapang sofa.

"Opo."

"Oo, nagkita na 'yan. Ako pa nga ang nagpakilala," saad nito sabay hagikgik.

Tinapunan siya ng ina ng nang-aasar na tingin. Yumuko na lamang siya habang magkasalubong ang kilay.

Pinapunta lang pala ako para asarin.

"Ano mga pinagkuwentuhan niyo?" tanong ng ina habang inililipat-lipat ang panigin sa kaniya at kay Mila.

"Sa course po, sabi niya Computer Engineering po."

Napakalawak ng ngiti ng kaniyang ina. "Ikaw ba? Ano'ng course mo?"

"Tourism po," nahihiya nitong sagot.

Hindi niya maiwasang maisip kung ano kaya ang pangarap ni Maya kung sakaling nag-aaral ito ngayon—o kung sakaling mag-aaral ito. Gusto niyang malaman ang pangarap nito kapag tuluyan niya nang natulungan si Maya sa paglabas.

"Wow. Good for you." Saglit silang natigil sa pag-uusap nang tila may naalala si Mila sa kanilang pinag-usapan ni Elio.

"A, may pinag-usapan pa po pala kami." Napalingon si Elio rito. "Curious po si Elio sa gubat sa may looban. Nakakatakot daw po ang loob n'on."

Nailipat ng kaniyang ina ang paningin sa kaniya—halatang hindi natuwa sa narinig.

Mama SaidWhere stories live. Discover now