"Oo, may iba kasing nang-aaway dati sa akin, eh pinapatulan ko rin, kaya ayun siguro kaya ayaw nilang lumapit sa akin"

"Sana pala nagkita rin tayo nung mga bata tayo"...panimula nya.

"Bakit naman?"...tanong ko.

"So I can be your friend, matapang ka man kailangan mo pa rin ng kaibigan"...patuloy nya at nagkatinginan kaming dalawa.

Napangiti na lang ako sa sinabi nya.

"Tara na, malelate na tayo"....yaya ko pero bago pa ako makalakad ay hinawakan nya ang kamay ko na nagpatigil sa akin.

"Oh, ano toh?"...kunwaring tanong ko kahit alam ko naman yung intensyon nya. "Let's go to school like this"....sabi nya at naglakad na kaya nagpadala na lang ako hanggang sa makasakay na kami sa kotse, kung maglalakad pa kasi kami baka abutin pa kami ng siyam-siyam sa daan.

"Seatbelt"...paalala nya at tinakid ko naman. Pero bago nya paandarin ang kotse ay muli nyang kinuha ang kamay ko para hawakan. "Kailangan ba talaga ganto, pag nabangga tayo di ko na kasalanan ah,"...sabi ko at napatawa na lang sya sa akin.

"What?"..tanong ko, tawa kasi ng tawa. "Wala, happy lang"..sagot nya, talagang walang balak bitiwan ang kamay ko.

"Di tayo mababangga, expert kaya toh"...pagyayabang nya habang pinupuri ang sarili. "Tara na, baka malate pa tayo"

At pinaandar na nya ang kotse. Mga ilang minuto lang din naman ang ginugol namin papunta sa school.

Pagkarating namin sa school ay bumaba na ako at ganun din naman sya.

Muli kong nakita ang malaking paskil na mga letra sa gate ng school.

Ang bilis ng panahon. Kelan lang nung mag-transfer ako dito oh

"Iniisip mo? Tara na"....yaya ni Zack kaya naman natauhan ako at nabalik sa kanya ang atensyon ko.

Maglalakad na lang sana ulit ako ng bigla nya akong harangin. "Ano?"...tanong ko.

"Oh"...sabay lahad ng kamay nya. Tss! Ayaw pang sabihin, "Alam mo, style mo bulok, may pahawak-hawak ka pa ng kamay, show off ka rin eh noh,"...sabi ko, nakaabang na naman kasi mga fans nya.

"Ano naman? proud naman ako, kasi hawak ko yung kamay ng babaeng gusto ko"...sabat ni Zack.

"Nasabi mo rin ba kay Sydney yan?"...ewan ko kung bakit ko nasabi yun pero pabulong lang. Galit ako kay Sydney pero di ako nagseselos.

"May narinig ako, nagseselos ka ba kay Syd?"...tanong nya pero umiling lang ako. "Nope, I'm just curious, yaan mo na tara na"...yaya ko at ako na ang humawak sa kamay nya.

I know it may be a bit cold but I can't just ignore her name's involvement lalo na't may atraso pa sya sa akin.

Pagpasok namin sa gate ay nakakarinding hiyawan na naman ang maririnig.

Waaaaaaaaaaaaaaaaa, Zackkkkkkkk

My heart......pleaseeeeee be mine

Why so gwapoooooo....

Kyaaaaaaaaaaaaaaa......Zack notice me pleaseee

Kyaaaaaaaaaaaaaaaaa

Waaahhhhhhhhhhhhhhh

Love me pleaseeeeeee

Ilan yan sa mamga naririnig kong mga hiyawan, yung iba paulit-ulit lang na "Be mine"...kaso pano yun akin na eh--este hindi pa.



ZACK'S POV

Waaaaaaaaaaaaaaaaa, Zackkkkkkkk

My heart......pleaseeeeee be mine

Why so gwapoooooo....

Kyaaaaaaaaaaaaaaa......Zack notice me pleaseee

Kyaaaaaaaaaaaaaaaaa

Waaahhhhhhhhhhhhhhh

Love me pleaseeeeeee

Yn ang mga hiyawan na palaging sumasalabong sa amin, pero dahil kasama ko si Elle ay parang wala akong marinig.

Pero biglang humina ang hiawayan. Alam ko kung bakit perp di ko pinapansin.

Hanggang sa nakarinig kami ng malakas na hiyawan muli pero iba na ngayon.

"Sila na ba"

Hindi pa pero malapit na.....

"Why are they holding hands"

Kasi gusto ko.....

"Omg, is Zack finally moved on"

Oo matagal na......

"Grabe, I must admit they look good together"

Kasi bagay talaga kami.....

"Gosh, what a sight"

Mukhang Romeo at Juliet na ba?

"Omg, I'm so sad, I like Zack pa naman"

Hanap ka na lang ng iba, nahanap ko na kasi yung sa akin.....

"What the, crush ko pa naman yun si Ms. President"

Back off pre, she's soon to be mine.....

May mga ilang bulong-bulungan pa akong naririnig pero hinayaan ko na.

May mga good comments meron ding mga bad comments pero ayos lang.

"Hindi ka pa bibitaw"...biglang tanong nya. "No I like it this way"...tanging sagot ko at nagtuloy na lang kami sa paglalakad. "Medyo maaga pa pala, tara muna sa may field"...yaya nya.

"Anong gagawin natin dun?"...tanong ko sa kanya. "Wala tatambay lang muna. Namiss ko na kasi yun"...sagit nya at nagounta muna kami sa may field.

Umupo kami sa isa sa mga bench doon. Yun yung pwesto na madalas din nyang upuan kapag mag-isa sya rito.

"Zack"...tawag nya, magkatabi lang kasi kami. "Hmm"

"Nung araw na nabaril ako, nakita mo ba lahat?"...napatigil ako sa biglaang pagtatanong nya. "Nag-sisisi nga ako eh,"

"Bakit?"...ngayon ay idinantay na nya ang ulo nya sa balikat ko. "Na wala ako dun para man lang sagipin ka, I feel so stupid na hayaan sila kuya Kiel na puntahan ka sa loob. Kung alam ko lang na ganun ang mangyayari I should've gotten inside"...dagdag ko.

"No, you actually did good, Tama lang na nag-stay ka sa labas kasi kung sakali mang alam kong nandun ka, I wohld've asked them to not let you in. Ayaw kong makita mo akong ganun"...patuloy nya.

"Pero sino? Sino yung mga dumukot sayo Elle?"...tanong ko.

"May mga mask sila, I was tied in a chair. Sobrang kapal ng lubid na hindi ko man lang magawan ng paraan para kumawala"...dagdag nya.

"Kung sino man sila sana mahuli na sila. They have to pay for what they did to you"...sabat ko at napatingin naman sya sa akin.

"May tanong ako"...panimula nya.

"Ano yun?"..tanong ko naman hinihintay yung sagot nya.






























But then she asked me the question I haven't got an answer yet.

























































"Kapag mahanap mo na yung pumatay sa ate mo, Anong gagawin mo?"


To be continued...

 A Stranger's Heart[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon