"Matagal na"...sabat ko.

"Sayang crush ko pa naman yun"...narinig kong sabi ni Travis kaya gulat akong napalingon. "Joke lang toh naman iba gusto ko noh mas maganda pa kay Ms. S"...sabat nya.

"Maganda kaya si Elle"....sabi ko. Di ko alam pero napangiti ako sa sinabi kong yun. "Wala naman kaming sinabing hindi...kung maka-blush ang binata oh..daig pa blush on ng kapatid ko"....sabat ni Bryce.

"Tsk!"...tumahimik naman na sila at nagmaneho na lang si Blake.

Pagkarating namin ay binaba ko na yung mga dala ko.

Syempre sabay sabay kaming naglalakad papasok.

At alam nyo naman na.

Hindi na mawawala ang tingin ng mga babae sa amin.

Kagagandang binata ba naman namin.

At ayun yung tatlo kindat ng kindat tuloy pati nurse tumitili.

Halos lahat ng makakasalubong namin sa hallway ay di mapigilang mapatingin sa amin.

Pero ako?

Iisa lang ang gusto kong tingnan.

Ang babaeng ngayon ay papalabas ng kwarto nya.

Isang babaeng muling nagpatibok ng puso ko.

Isang weird na babaeng mahilig sa baril at pana

Isang babaeng walang takot kahit ikamatay nya pa basta't ligtas ka.

Ang babaeng pumana sa puso ko, naunahan pa si kupido.

"Elle"...tawag ko at napatigila naman sya sa paglalakad.

Yung braso nya ay may mga gasa pa rin kaya naman dali dali kong pinahawak kina Travis yung mga dala ko at inalalayan sya.

Nasa garden kaming lahat at nakaupo kami isang hilera at kaharap namin sya.

"Elle, kumusta ka"...panimula ni Blake at nilingon naman sya nito.

"Ayos lang ako, salamat, bat di kayo pumasok?"...tanong nya pero si Travis na ang sumagot.

"Alam namin yung nangyari, syempre hindi man tayo close pero nag-alala pa rin kami"

"Grabe ngang pag-aalala ni Zack sayo. Halos ipasira nya sa akin yung computer mahanap lang lahat ng cctv footage non"...sabi ni Mark kaya naman gulat akong napatingin sa kanya saka naman tinakpan nya ng kamay nya ang kaniyang bibig.

"Salamat sa inyo, sa tulong nyo"...saad nya.

"Ah...maiwan na muna namin siguro kayo"...sabi ni Bryce kaya naman tinanguan ko na sila at nagsi-tayuan na silang tatlo para iwan kaming dalawa dito.

"Kumusta?"....panimula ko. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko sa kanya.

"Okay lang ako"...sabi nya sabay tingin sa akin.

"Ah nga pala, flowers for you"....sabi ko sabay abot ng isang boquet ng iba't ibang uri ng bulaklak. May rose, tulips at iba pa.

"Sus, nagabala ka pa, pero salamat, ang gaganda ng mga bulaklak"...puri nya at napangiti naman ako kung pano nya tingnan ang mga bulaklak.

"And your favourite coffee"...inabot ko ulit sa kanya ito at masaya nya naman itong tinatanggap.

"Simula na ba ng panliligaw mo ngayon?"...napaka-diretso naman nitong babaeng toh.

 A Stranger's Heart[Completed]Where stories live. Discover now