Malawak ang lugar at maraming mga lamesa at upuan na pinagigitnaan ng mga oversized na payong, mahirap nga naman kapag umulan. Tapos natatanaw ko rin mula rito 'yong bar nila na kasalukuyang may nagpapasikat na bar tender sa mga nanonood na customers.
"Good evening, Sir. Okay na po 'yong pinagawa n'yo," sabi ng isang lalaking naka-polo shirt na black na may tatak sa kanang bahagi na Serenity.
"Good! Thanks. Where are the bands? They should be performing by now," sabi ni Philip.
"Nagre-ready na, Sir," sabi uli ng lalaki na kausap niya.
Si Philip pala ang may-ari nito? Wow! 20 pa lang siya pero may business na agad siya? Wow naman! Amazing!
"Sa'yo 'to?" tanong ko bigla.
"Technically, it's my parents' property but, I run it," sabi niya at ngumiti pa sa akin.
"So business graduate ka pala?" na-curious naman ako bigla sa kanya at sa kanyang background.
"Yes, Bachelor of Science in Business Administration, major in financial management and planning to take up my MBA soon," Naks naman!
"Wow, Nice," wow talaga! Ang galing naman n'ya! Ang linaw ng plano niya sa buhay. Nakahahanga, nakabibilib dahil ang bata pa niya pero alam na agad niya ang gustong marating sa buhay.
"Sa'n ka nag-aral?" tanong ko. Curious lang ba kung saan siya nagtapos.
"UP," naks! School ng matatalino at may ipinaglalaban. Looks and brains, Wow!
"Ah, sa Manila, 'yong may oblation," sabi ko naman. Nakita ko kasi 'yon sa mga pelikula at basically sa TV.
"Yeah, that one," sagot naman niya.
"Mojow!" sigaw ng isang boses ng lalaki mula sa likod na para bang palapit siya nang palapit sa kung nasaan ako.
Lumingon ako at nakita si Cee kasama si Phoebe. Ayos ah, ano 'to reunion ng team Baguio? Si Ken na lang ang kulang. Hindi ko alam na kasama pala sila rito. Akala ko naman date! My bad! Joke!
"Oh, nandito ka rin pala?" tanong ko. Nagtanong pa talaga ako e 'no? Ano siya aparisyon?
"Wala, wala, hindi mo nga ako nakita e," pasaway! Nagulat lang naman ako na nandito rin pala siya.
"CEEra ulo ka," panunukso ko sa kanya.
"Hi, Joan! Let's go there, um-order na kami ng food, join us," sabi ni Phoebe.
At kasama niya si baby doll. Nagde-date ba sila? Puwede... siguro. Teka? Ano naman sa 'kin?
"Ah, Philip?" tanong ko sa kanya.
E kasi siyempre siya naman talaga ang kasama kong pumunta rito e baka mamaya may iba siyang plans for us, ayaw ko naman na sirain or what?
"Y-yeah, sure, join them, I'll just check my staff inside," sabi niya at umalis na.
"Tara! At may ikukuwento pa ako sa'yo, Mojow," sabi ni Cee at hinatak na ako papunta sa isang table sa 'di kalayuan.
"Tara!" sabi ko.
Nakarating kami sa place na sinasabi nila at umupo kami. Wala pa 'yong pagkain na in-order nila kaya nagkuwentuhan muna kami.
"Phoebe, kelan pa 'tong business n'yo?" tanong ko. I'm curious about it.
"It's been running for almost 20 years now but under Kuya's management, just 4 months," paliwanag niya sa akin at sa tingin ko naman, he's doing a great job dahil mukha namang maayos ang pagpapatakbo.
"Ah, ngayon ko lang nalaman na business-minded pala s'ya," all these truly left me impressed.
"Yes, he is, and he has cosmic plans for himself in time," halata naman kay Philip na goal-oriented siya. Parang lahat dapat may plano, lahat maayos at walang hassle.
"Ayos 'yan, mataas ang pangarap. Alam n'yo ba na tumutugtog dito 'yong pinsan ko?" biglang singit ni Cee.
"Talaga?" tanong ko at napabaling ang atensyon sa kanya.
"Oo, kaya lang pang weekend s'ya dahil may work s'ya kapag weekdays," paliwanag niya sa amin.
Meaning wala siya ngayon dito dahil hindi naman weekend, akala ko pa naman mapapanood namin.
"Ay, sayang! We can't watch them pala," parehas pa nga kami nang iniisip ni Baby doll.
"Hi Cee! it's been a long time," sabi ng boses ng isang babae mula sa likuran na may kasamang apat pang mga babae. Pamilyar sila sa akin.
Teka, sila 'yong nagbanta sa akin sa school. Hala! Magkakilala sila ni Cee?
Sabagay mga kaibigan nga pala ni Cheska ang mga 'to.
--
Author's Note:
Vote and comment. Thank you!
VOCÊ ESTÁ LENDO
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 17
Começar do início
