"Wala akong ginagawang masama," sabi ko.

"Wala? Ano'ng tawag mo sa pang-aagaw mo sa boyfriend n'ya?"

Ops, teka, hindi ko naman inagaw si Ken. Parang mali ang nasagap nilang chismis. Teka naman! Hindi naman patas ito!

"Wala akong ginagawang ganyan. Best friend ko ang boyfriend n'ya, 'yon lang naman," totoo naman ang sinasabi ko. Dahil kung may balak akong gawin ang bagay sinasabi nila ay matagal ko dapat 'yong ginawa.

"Miss-in-denial-pero-hindi-naman-kagandahan-girl, tigilan mo nga ako sa mga excuses at palusot mo," aba! Grabe naman ang babae na 'to!

E 'di siya na ang maganda! Maganda nga siya kaya lang naiwan ang proper manners sa basurahan.

"Paano n'yo ba nasabing nag-papalusot ako e wala naman kayong alam sa kuwento?" nainis na ako sa mga sinasabi nilang kalokohan. Kailangan ko nang ipagtanggol ang sarili ko kahit paano.

"Excuse me, Ms. Delcano? What's going on here?" tanong ng isang babaeng tila nasa kanyang 40s sa may pinto ng classroom.

"There's nothing going on here, Ma'am, we're just having a girl talk, you know, chit-chat," sagot ng babaeng may headband na may ngiti sa kanyang labi na Ms. Delcano pala ang pangalan.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang makialam sa problema na mayroon kami ni Cheska. In the first place, si Cheska nga hindi ako inaaway nang ganito pero sila itong todo parinig at pang-aawayin. Parang mananampal pa itong lider nila.

"Okay?" sabi niya habang tinitingnan ang limang babae at may paglipat sa akin ng tingin na para bang nagtataka.

"Hindi pa ako tapos sa'yo," bulong niya sa akin at lumakad na palayo.

"Bye! Nice talking to you!" sigaw ng babaeng naka-head band na unti-unti nang lumabas ng classroom kasama ang apat pa niyang mga kasama.

May nambu-bully sa akin! Totoo ba 'to? Ano ito teleserye na aapihin nila ako tapos ipapahiya sa mga tao?

Hindi ba sila nauumay sa ganoong mga eksena sa TV? Nakatatamad isipin na tapos na ang lahat sa amin ni Kenneth pero eto may bago na naman akong poproblemahin. Hay naman... saang lupalop ng mundo naman kaya napulot ni Cheska ang mga baliw na 'to?

Kinahapunan ay umuwi na rin ako sa bahay pagkatapos ng mga klase ko. Nakaupo ako sa sala at biglang nag-text sa'kin si Philip.

FROM: PHILIP

Joan, are you free tonight?

FROM: ME

Oo, bakit?

FROM: PHILIP

I'll tell you later. I'll ask your parents, too, if you can go out. Just be ready in an hour and I'll pick you up.

FROM: ME

Okay, see you.

Ay! Ano kayang meron? 'Di nga kaya ako 'yong isu-surprise niya? 'Wag mag-assume, masakit kapag feeler dahil madalas hindi nangyayari ang iniisip. After an hour ay nadatnan ko na lang siya sa sala katabi si Dad sa sofa.

"Sinabi na sa 'kin ni Philip kung saan kayo pupunta. Ingat kayo and be home before 12," sabi ni daddy. Hindi siya ngumiti pero hindi naman siya galit.

"Yes, dad," sabi ko naman.

Pumunta kami sa isang open air na bar and restaurant na may pangalang "Serenity."

Maganda ang set-up ng lugar dahil may bar, tapos café at may parte rin na restaurant. 'Yong sinasabi ko na open air ay extension lang ng bar dahil may stage sa parteng gitna, may tumutugtog siguro rito gabi-gabi.

It Started with a McFLOATHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin