Baliw yata 'tong lalaki na 'to. Pero natatawa ako na hindi ko ma-gets. Kinilig yata ako sa sinabi niya, ah. Ang loyal friend naman niya sa akin. Echosera ko rin, ano? Friend lang talaga? 'Yong totoo?

FROM: ME

😂😂😂

Pagka-reply ko noon ay hindi na uli siya nag-text kaya naman ibinalik ko na ang phone ko sa bulsa. Siguro ay nanood na uli ng videos no'ng writer.

Nasa classroom ako, mag-isa at hinihintay ang iba kong mga kaklase, napaaga yata ako. Nasaan na ba ang mga 'yon?

Maya-maya ay may pumasok na  limang kababaihan sa classroom. Hindi ko sila kilala dahil hindi ko sila mga kaklase. Sino ba itong mga ito at nandito sa room kung saan kami magkaklase?

Umupo pa sila sa may parteng likuran at nagsimulang mag-usap. Magsasalita na sana ako para sabihing merong magkaklase rito at mali sila nang pinasukan na klase e kaya lang, biglang nagsalita ang isa sa kanila.

"Alam n'yo ba girls, uso na talaga ngayon ang ahas," sabi ng naka-headband na pink na halatang may diin sa salitang ahas. Ano'ng ipinaglalaban ng isang 'to?

"Oo nga e, ang malala pa r'yan, wala sa gubat, wala sa zoo pero narito sa school natin," sabi pa ng isa na may kulay ang buhok. Hala! May ahas dito sa school namin? Oh, my! Alam na kaya ng eco park?

"Talaga? Grabe, nakakatakot naman 'yan, baka mantuklaw," sabi ng isa na may ribbon na kulay yellow sa ulo. Oo nga, paano kung ako 'yong abutan? Oh, no!

"Don't worry, guys lang ang puntirya n'ya, guys na may mga girlfriend," sabi uli ng babaeng may headband na may diin uli sa huling salita. Ay! Choosy 'yong ahas? Specific ang target? Guys na may girlfriend? Ang galing naman yata ng ahas na 'yon!

"Grabe! Ahas nga! Double ahas," sabi ng isa na naka-side bangs ang buhok.

"Nakakaawa! Parang walang ibang lalaki, 'yong may girlfriend pa ang inaagaw, so pathetic," sabi pa no'ng isa.

Ay, confirmed! Hindi talaga ahas ang pinag-uusapan nila? Tao pala! Metaphor pala 'yon! Sino kaya ang tinutukoy nila? Sana naman ay hindi ko kilala. Parang ang awkward naman na nandito ako at naririnig ko ang usapan nila.

"Actually girls, nandito s'ya sa room ngayon," tumingin ako sa kaliwa at sa kanan ko.

Mag-isa nga pala ako sa room na ito. Sh-? Ako ba 'yong sinasabi nilang ahas? Teka, sa pagkakatanda ko ay wala naman akong inaahas na lalaki ah, ano'ng pinagsasasabi ng mga baliw na 'to?

Ayoko ng gulo kaya naisipan ko nang lumabas ng classroom bago pa magkagulo pero hinawakan ako sa braso ng lider nila, 'yong naka-headband na pink.

"At saan ka pupunta?" tanong niya na ang boses ay malambing pero nagbabanta.

"Sa klase ko," sagot ko. Ayaw ko ng gulo kaya please, just let me go.

"'Di ba dito ang klase mo?" nakatitig siya sa mga mata ko na pilit ko naman na iniiwas.

"Nilipat na yata e, hindi ko naman kayo mga kaklase," totoo ang bagay na 'yon, halata naman sa kanya na gulo lang ang gusto nila at personally, ayaw ko ng kahit ano'ng gulo.

"Don't mess with us or else we'll make your college life hell!" pagbabanta niya na may kasamang evil smile.

"As far as I remember, wala naman akong ginagawang masama at isa pa hindi ko kayo kilala."

"Kami hindi mo kilala, pero 'yong kaibigan naming si Cheska Villonco, sigurado ako na kilala mo," tungkol na naman ba ito kay Ken? Puwede ba? Atsara na!

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now