"Pero s'yempre, ikaw na ang bahala kung paano mo gagawing extra special para hindi n'ya makalimutan 'yong surprise, dapat may kakaibang kick,"
"Kick? You mean special effects? Ah, I see, thank you so much, Joan. I owe you one," sabi niya at nginitian pa ako nang matamis.
"You're welcome, Philip," sino naman kaya si girl? Ang ganda siguro niya, ano? Siguro para siyang diyosa dahil nagustuhan kasi siya ng isang ito.
"We're here, thank you again," sabi niya.
"Thank you rin, ipakilala mo s'ya sa akin, ha?"
"Sure, soon," sabi niya at umalis na rin. 'Wag na at baka maiyak ako sa sobrang ganda niya. Tapos 'yon, bumaba na ako sa sasakyan niya.
Hindi ko inaasahan 'yong paghatid sa akin ni Philip. Tapos magpapatulong pala siya sa kung paano mag-surprise ng babae. 'Di niya alam kung paano? Seryoso ba siya?
Nakapagtataka naman na sa akin pa niya talaga tinanong ang bagay na 'yon. Wala siyang ibang mga kaibigan? Hala! Loner siya? Ano ba naman 'tong mga naiisip ko?
Biglang naabala 'yong pag-iisip ko noong nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko agad dahil baka may importanteng mensahe na kailangan kong malaman. Binuksan ko 'yong message, galing pala kay Cee.
FROM: CEE
Nakakaiyak naman 'yon. Asar! 😭
GM
FROM: ME
Napaano ka?
FROM: CEE
Si Mariyey kasi.
FROM: ME
Sino naman 'yan? Bagong babae mo? Teka, hindi ko alam na umiiyak ka pala sa babae, CEEra ulo!😂
FROM: CEE
Hindi ko 'yon babae, siya 'yong online writer. Asar! Nakakaiyak ang videos n'ya.😭
FROM: ME
Ah, akala ko kung napaano ka na d'yan.😐
FROM: CEE
Panoorin mo kaya. Send ko sa'yo.😭
Ngayon ko lang nalaman na mahilig pala sa mga ganitong bagay ang isang ito. Ang akala ko kasi ay pa-cool siya lagi pero nakatutuwa dahil nakikita ko ang ganito niyang side, emo!
Akala ko kasi puro angas siya. 'Yon pala ay may soft side rin siya na itinatago. Nakatatawa lang dahil naiyak siya e sa isang simpleng video pa.
FROM: ME
Kilala mo ba 'yan personally?
FROM: CEE
Hindi pa, Hindi PA. 😭
FROM: ME
Oh, bakit hindi ka makipag-close? Malay mo, 'yan naman ang hinihintay mong babae.
FROM: CEE
Ano ka ba? Nakakahiya! 😂 At isa pa, baka magselos ka d'yan, Mojow. Siyempre, ayaw naman kitang saktan.😂
Ang kapal talaga nitong CEEra ulo na ito. Baka diskartehan din niya ang Mariyey na 'yon. E ano naman sa akin? Bahala siya sa buhay niya! Babaero!
FROM: ME
KAPALaran ka rin, ano?
FROM: CEE
'Wag kang mag-alala, 'di ko naman ipagpapalit 'yang katarayan mo, Mojow.😂
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 17
Start from the beginning
