"Just wondering if I can talk to Joan?" tanong niya kay Mommy at agad naman niyang kinuha ang atensiyon ko kahit ang totoo nasa kanila na naman talaga.

"Joan?" tawag sa akin ni Mommy.

Lumapit ako agad sa kanila. Teka lang, talk to me? Bakit? Ano'ng meron? Maniningil ba siya sa lahat nang ginastos niya sa Baguio? Patay! Wala pa naman akong pambayad kapag nagkataon dahil wala pa akong naipon mula sa allowance ko.

"Ano'ng meron, Philip?" tanong ko agad sa kanya nang makalapit at agad naman nag-excuse at exit si Mommy sa usapan.

"I need your help. Can I drive you to school so we can talk about it?" offer niya at hindi naman ako ang makasasagot noon dahil controlled ni Daddy ang paghatid sa amin sa school.

"Dad? Can I?" tanong ko.

"Sure, just be careful," sagot ni daddy.

"Thank you, Sir," sabi naman ni Philip.

Ang formal naman ni Philip! Puwede naman na Tito ang itawag kay Dad pero Sir talaga? Anyway, lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse niya.

"Ano bang meron?" tanong ko nang maka-upo na siya sa driver's seat at ako sa shot gun seat.

"Well, hmm, sh... how should I approach this?" sabi niya sa sarili na para bang hindi siya komportable sa balak niyang itanong o sabihin sa akin.

"Ano ba 'yon?" tanong ko uli habang nakatitig lang sa kanya.

Rinig ko ang paghinga niya nang malalim na para bang kinakabahan at hindi alam ang sasabihin.

Nakasentro lang ang atensiyon niya sa kalye habang ginagawa ang bagay na 'yon. Hindi naman siguro awkward conversation ito, ano? Para kasing hirap na hirap siyang sabihin.

"Hmm, how can I possibly surprise someone I like?" bigla niyang tanong na para bang nag-blush pa nang banggitin niya ang katanungan.

May pag-blush? Wow! Sino naman kaya ang sosorpresahin niya? Baka ako, ano? Joke!

Malabo naman 'yon. 'Di naman siguro ako ang nagugustuhan niya kasi nakahihiya naman, masyadong siyang g'wapo para sa akin.

"Ah, dapat alamin mo muna kung ano'ng hilig n'ya. Tapos mula do'n e tsaka ka mag-isip ng surprise," sabi ko sa kanya. Sinasabi ko lang ang katotohanan.

Kung ako ang tatanungin ay mahilig ako sa chocolates, sa mga libro, sa pagkain. Leche flan pa lang or cookies, masaya na ako. Akala mo naman ako nga 'yong subject of surprise kung makapag-isip ako.

"What do girls like these days?" tanong niya.

'Yon nga sinabi ko na 'di ba? Ay! Inside voice nga pala 'yon. Ano bang ginagawa ko? Nakaloloka naman itong iniisip ko. 'Wag nga akong feeler!

"Gusto ng girls ang flowers at dinner date with music para pang-set ng mood. 'Yong typical date scene na parang sa movies and romance novels," paliwanag ko.

Hindi ako masyadong natutuwa sa flowers, hindi ko kasi 'yon makakain. Takaw-takaw rin kapag may time.

"Oh, I see, good thing, I talked to you, I got a woman's perspective," sabi niya.

Naks! Woman na raw ako! Tumitig naman siya sa mga mata ko, nag-blush tuloy ako nang wala sa oras. Pero teka, nakapagtataka naman yata na wala siyang alam sa mga ganitong mga bagay.

E kung tutuusin sa ibang bansa siya lumaki kaya malamang marami siyang idea. Baka matagal na 'yong last time na nag-girlfriend? O baka naman sa tipo ni Philip na seryosong tao na napaka-proper e baka nawalan siya ng oras to explore and meet women. E sino 'yong Alex na sinabi ni Phoebe sa Baguio?

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now