"Matagal ko nang pinag-isipan 'to," (mga 12 hours ago pero seryoso ako this time.)

Hindi siya nagsalita at tumitig lang sa akin, niyakap niya lang ako nang mahigpit. Bumulong pa siya sa tainga ko.

"Mahalaga ka rin sa akin, Joan, alam mo 'yan, sana maging magkaibigan tayo habambuhay,"

"Asahan mo 'yan," bulong ko rin sa kanya.

Binitiwan niya ako sa pagkakayakap at madali kong pinunasan ang mga mata ko.

"Ikaw talaga, ang iyakin mo," bigla niyang sabi.

"Ikaw nga r'yan, lagi mo na lang akong pinapaiyak," sabi ko. Totoo pero inaasar ko lang talaga siya about it.

"Joke lang," dagdag niya sabay tawa.

Mas magaan talaga sa pakiramdam na ayos na ang lahat sa pagitan naming dalawa. Kung matagal nang nangyari ito, malamang matagal na kaming okay. Salamat talaga Baguio, ikaw ang savior ng puso ko.

"'Te?" usisa ni Nika habang kumakatok sa pintuan ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Ah, matagal ka pa ba r'yan?"

"Hindi, tapos na 'ko,"

Kung ano-ano kasi ang inaalala ko at nakalimutan ko na may klase pa nga pala ko. Paglabas ko sa kuwarto, si daddy ay inabutan ko na nakaupo sa living room habang umiinom ng kape, si Mommy naman ay may niluluto sa kusina. Samantalang si Belle ay nagbabasa na naman ng libro na makapal habang si Nika ay nagsusuklay ng buhok na nauna sa akin sa pagbaba ng hagdan.

"Joan, pinaghanda kita ng sandwich, alam kong hindi ka na naman makakapag-almusal kaya kainin mo na lang mamaya sa school," ang sweet talaga ng Mommy ko!

"Thanks, Mommy," sabi ko at nginitian siya matapos kong abutin ang inihanda niyang pagkain para sa akin.

"P'wede bang tara na? Alam n'yo bang 10 minutes, 34 seconds and 56 milliseconds pa ang papunta sa school? Hay..." siyempre sabi 'yon ng henyo kong kapatid na si Belle.

Napanganga ako sa sinabi niya dahil napaka-sudden ng kanyang mahiwagang statement. Hands down na talaga ako sa batang 'to!

"Seryoso ka ba? Bilang mo 'yon?" tanong ko. Curious kasi ako sa fact na sinabi niya.

"Of course, don't tell me, hindi n'yo alam?" sabi niya. Halata ang pagmamalaki sa tono ng pananalita.

"Hindi," sagot ni Nika na tawa nang tawa pagkatapos niya iyong sabihin.

Grabe naman si Belle! Bilangin ba naman bawat segundo ng biyahe. Hobby na talaga niya ang pangangahin kami kapag siya na ang nagsasalita! E 'di siya na nga, kaloka!

"Seriously? Ako lang ba talaga ang time conscious dito? Oh, my poor human race!" tanong ni Belle kaya nagkatingin kami ni Nika at tumawa na naman.

"Baka time freak! Gaman naman na bilangin mo 'yon nang eksakto," bulong sa akin ni Nika tapos bumungisngis uli.

"What did you-" sabi ni Belle na naputol ang pagsasalita dahil may dumating bigla.

"Good morning," sabi ng isang boses lalaki sa may pinto.

Si Philip? Bakit naman siya nandito? Medyo weird naman yata dahil ang aga pa! Urgent matter, maybe? Ano kayang kailangan niya sa akin?

"Good morning, Philip, ang aga mo yata?" tanong ni Mommy sa kanya sa pinakamalambing na tono na posible. Alam n'yo naman si Mommy sobrang sweet sa mga tao.

It Started with a McFLOATOnde histórias criam vida. Descubra agora