Chapter 1

54.2K 982 306
                                    


Jessie POV


“Ma, aalis na po ako,” paalam ko kay Mama na nasa bathroom pa.

Palabas na ko ng bahay ng marinig ko syang tinatawag ako.

“Sweetie, wait,” sigaw nya habang tumatakbo palapit saken.

Nakatapis lang sya ng towel. Hindi naman nakakahiya kase sexy at flawless pa rin ang katawan nya hanggang ngayon.

Ang alam ko, nasa 18 pa lang sya ng pinanganak ako kaya 36 palang sya ngayon. Maalaga sya sa katawan nya kaya mukang mid 20's lang sya.

She cupped my face saka nya ko pinaghahalikan. Ganyan sya ka-sweet, kahit pa 2nd year college na ko, ginagawa nya pa rin akong baby.


“I love you, honey. Ingat sa pagdrive,” pagkasabi nya non umalis na ko para pumasok sa school.

Maaga lagi akong pumapasok para ready ako pagdating ng Prof. Ayokong laging haggard pagdating ng room.

Nagrereview na rin kase ako ng mga notes dahil sa mga surprise quiz nang mga Prof.

Habol ko din kase na makuha ang student of the year award kaya mine-maintain ko ang pagiging top 1 ko.

Last year nakuha ko yun kaya alam kong makakaya ko rin ngayon. Focus lang ang kailangan at nagagawa ko naman.

Nagbabasa muna ako habang naghihintay sa Prof nang dumating na ang mga kaibigan ko.

Hindi pa man sila nakakapasok, alam ko ng sila yon dahil maiingay at magugulo sila, pero masayang kasama  dahil don.

Tumabi sakin si Allison, ang bestfriend ko. Pero alam naming magkakaibigan na may mas higit pa don.

Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa nang mapansin kong tinititigan nya ako.

“Hi, Jessie,” bati nya kaya lumingon ako sa kanya, nag-smile at nagbasa na ulit.

Pero tinawag nya ko ulit at inalok ng pagkain.

“Jessie, may dala akong pagkain,” sabi nito.

Maya-maya tinawag nya pa ulit ako dahil papakagat nya sakin yung burger na hawak nya. Binuka ko naman ang bibig ko dahil don.

Wala namang pakialam ang iba naming kaklase sa paligid nila, kaya kahit makita nila na ganito kami ni Allison ay wala lang sa kanila.

Sa ganda din naman ni Alli, walang makakaisip ng ganito kaming dalawa. Na, babaeng nagkakagusto din sa babae.


“Uy, balita ko bago na raw ang Prof natin sa subject na ‘to,” sabi ni Mich, Mike pag sa house nila dahil magagalit ang parents nya kapag nalaman nila na kagaya ko, nagkakagusto din sya sa same sex nya.

Pareho lang kaming nagtatago. Pero dito sa school, nailalabas nya kung ano sya kahit papaano. Di gaya ko, di ko na yata kilala yun sarili ko dahil sa kakatago.

Buti na lang nandyan silang mga kaibigan ko, na nakakaintindi sa totoong ako.

Napalingon ako nang sabihin nya yon dahil sa likuran ko kase sila nakaupo.

Medyo natuwa ako sa nalaman ko, ayoko kase talaga sa dati namin Prof dito sa Marketing dahil masyadong boring. Halos nakakatulog na ang mga estudyante dahil binabasa nya lang ang lecture.

“Talaga? Sana okay yung pumalit na Prof,” sabi ko.


“Jessie, isa pa,” tawag naman ni Alli para subuan ulit ako ng burger. Kakagat na sana ko ng..


Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon