Chapter 30

23.4K 616 44
                                    


Eliz

Masaya ko na nakapunta si Jessie ngayong birthday ko. Okay lang kahit napilitan pa sya dahil kay Rei, atleast nandito sya ngayong birthday ko.

Pero ano na ngayon? Hindi ako makatulog dahil alam kong nasa isa lang sya sa mga kwarto dito sa bahay kasama ko.

Gusto ko syang puntahan. Gusto ko syang makita. Gusto ko syang kausapin. Pero pano kung umiwas lang ulit sya?

Nandito ako nakaupo sa kama ko at kagat-kagat ang thumb ko habang nag-iisip nang pwede kong gawin.

Hmmm.. ano kaya..

hays.. hindi na ko mapakali dito. Kanina pa ko paikot-ikot at palakad-lakad dito sa kwarto.

Ugh.

Pupuntahan ko na nga lang sya. Kinuha ko yung coat ng nighties ko at lumabas ako ng kwarto.

“Jessie?” nagulat ako na makita sya sa labas ng pintuan ko, kaya nagtataka akong tumingin sa kanya. Nandito din ba sya para kausapin ako?

“H-hi.. uhm, s-sorry..” parang natetense sya. Mukang may gusto pa syang sabihin pero mukang matatagalan pa bago nya masabi dahil sa tense nya.

“Pwedeng pumasok ka muna? Baka kase, alam mo na, baka makita ka ni Rei..” aya ko sa kanya sa loob at tumango naman sya.

Pumasok kami sa kwarto ko at nilock ko muna yung pinto. Nilapitan ko sya at hinawakan ang isang kamay nya. Hindi ko na matiis, kanina ko pa sya gustong hawakan pero panay pasimple lang ang nagagawa ko.

“Ano na nga ulit yung sasabihin mo?” tiningnan ko sya sa mata habang hinihintay ang sagot nya.

“M-may ibibigay s-sana ko sayo..” nauutal pang sabi nya. At nakita ko ang isang kamay nya na may hawak na maliit na box. “H-happy Birthday”

Biglang lumaki yung ngiti ko sa pagbati  nya sakin. At nag-abala pa talaga sya? Aww sweet.

Niyakap ko sya agad ng mahigpit saka ako nagpasalamat, “Thank you, thank you..”

Kumalas ako ng yakap sa kanya at binuksan ko yung gift nya sakin. At nagnining ang mga mata ko dahil sa gift nya. Isa yung silver bracelet na may maliliit na heart. Ang cute, galing talaga ‘to kay Jessie ko?

Ang cute talaga. Hindi ko mapigil ang saya ko dahil nag-effort pa talaga sya magbigay ng gift sakin. Iniisip ko lang kase talaga na baka napilitan lang sya pumunta dito. Pero eto yung proof na mali ang iniisip ko.

Tinulungan nya kong isuot yung bracelet at saka ko sya niyakap ulit.


“Eliz.. p-pwede ba kitang maging g-

girlfriend?” narinig kong nabubulol pang sabi nya habang nakayakap ako sa kanya.

Kumalas ako ng yakap sa kanya ng marinig ko yon. Tama bang narinig ko?

Dahil ayoko nang magbago pa bigla ang isip nya at bawiin yon, sumagot na agad ako, “Of course” sabi ko sa kanya habang hawak ang dalawang pisngi nya saka ko sya pinaghahalikan sa lips nya.

Narinig ko rin na nag-thank you sya sakin sa pagitan ng mga sunud-sunod na halik nya sakin. I swear, ito na ang pinaka masayang birthday ko!

Hinawakan ko nang mahigpit ang mga pisngi nya at hinalikan. Hindi kagaya ng kaninang mga halik. Inilapat ko na ang labi ko sa kanya ng mas matagal. Dahan-dahan ko yung ginalaw at naramdaman ko ang pagrespond nya sa kiss ko.

Namiss ko kung gano kasweet ang mga lips na ‘to. Kung gano kalambot ang mga labi nya. Kung gano kainit ang hininga nya. I missed this so much.

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Место, где живут истории. Откройте их для себя