Chapter 43

16K 494 108
                                    


Eliz

After what happened last time na makita kami ni Jessie sa isang botique, mas lalo pang lumaki ang mga problema ko.

“Mula nang malaman ko kung anong nangyayari sa pagitan nyong dalawa ni Jessie, sinabihan na kita na tigilan mo na sya! Ngayon ano na? Mas lumala na yun sitwasyon! Nagkukulong lang sya sa kwarto after school. Nag-aalala na ko,” singhal ni Rei sakin.

Tama ang nabasa nyo, may alam na si Rei tungkol samin ni Jessie. Kelan lang nya nalaman, pero matagal na raw obvious yon. Alam nyo na, mother instinct.

Nandito kami sa condo ko, pumunta sya dito para lang sermunan ako. Nakaupo lang ako at nag-iisip nang nag-iisip nang nag-iisip, si Rei naman kanina pa palakad-lakad at halatang stress na sya sa nangyayari kay Jessie. Ganon din naman ako eh, di na ko nakakatulog nang ayos mula nong magkaproblema kami ni Jessie.

Naging pabaya ako, hindi ako nag-ingat. Kaya eto ngayon, ang daming problema.

“Wala ka man lang bang sasabihin? Pwede ba Eliz, mag-isip ka naman. Tulungan mo ko kung anong gagawin ko sa anak ko, nag-aalala na ko,” worried na sabi nya habang kagat-kagat pa yung thumb nya. Ganyan sya pag nai-stress.

“Hindi ko alam,” maiksing sagot ko sa kanya. Ang dami-daming sumisiksik sa utak ko na hindi ko na maintindihan kung ano ba talagang iniisip ko. Ang gulo-gulo na.

“Hindi mo alam?? Sa lahat nang gulong to na inumpisahan mo, ayan na ba yung pinakamagandang masasabi mo?” napalitan na ng inis ang pag-aalala nya kanina lang.

“Rei,” kinalma ko muna ang sarili ko bago ako tumuloy. Inhale, exhale. “Para ipaalala ko sayo, hindi ka nag-ingat kaya ka nasundan ni Jessie sa botique. Kaya nya nalaman na.. ikakasal na ko.”

“What?? Ngayon sakin mo sinisisi yung kasalanan mo? Unbelievable,”

“I’m just saying, na kung nag-ingat ka, sana hindi na nadagdagan pa yung problema,”

“Di ko alam kung anong tumatakbo dyan sa isip mo nang lapitan mo si Jessie at guluhin ang buhay nya, kahit na alam mo na bago ka pa lang umuwi dito sa Pinas, engaged ka na kay Gian,” nakita ko na ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Rei ng oras na yon. Halong inis at lungkot na ang mababasa sa muka nya.

Parang hinihiwa ang puso ko na makitang ang dami-dami ko nang nasasaktan. Gusto ko syang lapitan at aluin gaya ng ginagawa ng ibang bestfriend na gaya ko, pero ni hindi ko magawang lumapit sa kanya. Lalo na dahil alam kong hindi nya ko hahayaang makalapit.

Naging boyfriend ko si Gian nung nasa states pa kami. Minadali nya ang pag-propose sakin dahil hindi na raw kami pabata at tumatanda na. Pumayag ako dahil hindi ko alam na may makikilala pa pala kong magpapatibok ulit ng puso ko.

“Tahimik lang ang buhay nya nung wala ka pa. Kahit wala syang pakelam sa iba, mas mabuti yun dahil hindi nya alam kung pano masaktan at hindi sya umiiyak,” malungkot na sabi nya.

Parang may nakabara sa lalamunan ko na ayaw ako hayaang makapagsalita at sumagot sa kanya.

“Sana si Carol na lang ang una nyang nakilala at nagustuhan, dahil hindi nya pinapabayaan si Jessie, kesa sa kagaya mong selfish!” pagkasabi non ay saka na sya lumabas at padabog na sinara ang pintuan ko.

Ang huling mga salitang yon na ang tuluyang nagwasak sa puso ko.

“Sana si Carol na lang ang una nyang nakilala at nagustuhan, dahil hindi nya pinapabayaan si Jessie, kesa sa kagaya mong selfish!”

At sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko, hinagis ko lahat ng bagay na makuha ko malapit sakin. Gusto kong magwala!




***

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Where stories live. Discover now