Chapter 38

17.3K 412 27
                                    

"Pasensya ka na kung nakakaabala ako sayo huh? Mapilit kase yung mga nanay natin na paglapitin tayo" nahihiya pero natatawang sabi ni Carol habang naglalakad kami papunta dito sa playground.

"Ano ka ba, ayos lang yon sakin. Saka sa totoo lang, hindi ako friendly, pero totoong masaya ko na may bago akong kaibigan," saka ako ngumiti sa kanya na ginantihan naman nya.

Umupo kami sa swing para makapahinga sa saglit naming paglalakad.

"Uhm Jessie, may nababanggit ba sayo yung Mama mo about sakin?"

Nag-isip ako sandali at inalala yung nabanggit ni Mama sakin. Fresh na fresh pa yun sa memory ko.

"Yup,"

Maiksing sagot ko at ayun sya nakatingin sakin habang naghihintay sa sasabihin ko.

"Uhm.. sabi ni Mama.." hindi ko alam pano ko sasabihin 'to. "..s-sabi nya, anu daw.. uhm l-lesbian ka daw??"

Ang awkward.. -_-

Pero napangiti sya bigla sa narinig nya. Nagtataka tuloy akong tumingin sa kanya.

"Uhm.. kase mas gusto ko talagang malaman mo yun galing sa iba at hindi mismo sakin. Kaya buti na lang nasabi nya sayo, atleast kung hindi mo na ulit gustong samahan ako, pwede ka na umatras hanggang maaga. Baka kase may pagka-homophobic ka or what.."

"Hindi hindi, walang ganon. Hindi ako homophobic." mabilis na pagtanggi ko sa sinabi nya. Malamang hindi ako homophobic, alam naman natin yan diba?

"Haha sige. Nakain ka ba ng fishball?" sabi nya habang nakanguso sa vendor ng fishball.

"Basta treat mo?" biro ko sa kanya.

"Haha ang daya."

"Kaw kaya nag-alok dyan,"

"Haha oo na. Pakasawa ka sa fishball. Tara?"

Tumayo na sya sa swing at naglakad papunta kay Manong magpi-fishball kaya sumunod na ko.

Iniisip ko tuloy na hindi pala ako nag-iisa sa sitwasyon ko kaya hindi ko dapat ipangamba na malaman ng iba kung ano ako. Si Jam, si Carol, kagaya ko sila. Pero hindi ko sila kagaya na nagtatago.

Sana dumating yung panahon na pwede ko rin ipaalam sa iba kung ano talaga ako. At ipagsigawan sa lahat, na si Eliz Santiago ang girlfriend ko.

"Tuhog na," aya ni Carol sakin saka ako siniko. Napangiti lang ako sa kanya. Mukhang magiging masaya nga ko na kasama sya.

***

"Class dismissed," sabi ng Dyosa samin mula sa unahan ng classroom.

At ayun sabay-sabay na silang nagsitayo para lumabas na nang room. Paunahan lagi ang mga yan, walang nagpapalamang.

Ako naman nagbabagal mag-ayos ng gamit ko sa bag. Halatadong nagpapaiwan para masolo ko ang Babe ko.

Dahil sanay na, nauna nang lumabas sila Trish sakin. Si Ally nagsmile lang bago umalis ng room. Hindi na sya masyadong sumasama samin kahit pa ok na kaming lahat. Yung mga dancer ng school na ang madalas nyang kasama.

At sa wakas wala ng ibang tao bukod samin kaya mabilis ko nang inilock yung pinto.

Palapit ako sa kanya at nakita ko syang nakasmile habang nakatingin sakin. Nakatayo sya at nakatuon ang mga kamay sa desk nya habang nagniningning ang mga mata.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Para kaseng sobrang excited mo?" natatawang sabi pa nya.

"Sobra kaya kitang namiss kase lagi ka na lang busy,"

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Where stories live. Discover now