Chapter 35

21.3K 452 16
                                    


Ang ganda dito sa park. Maraming mga puno at halaman sa paligid. May mga bench na pwedeng upuan ng mga pumapasyal dito. May mga lamppost din na nagsisilbing liwanag sa paligid.

Siguro mas maganda dito lalo na kung marami pang tao. Kung may mga bata pang nagtatakbuhan sa paligid. O kaya naman, naglalaro sa swing, sa slide o kaya sa monkey bar.

Pero okay na ‘to, wala akong kaagaw dito sa monkey bar. Masaya pa rin pala laruin ‘to kahit na abot na abot na sya ng mga kamay mo at nakasayad pa rin sa lupa ang mga paa mo.

Wala kase akong magawa habang naghihintay dito kay Eliz. May usapan kase kaming magkikita dito. Gabi kami kelangan magkita para walang makakita samin.

Mahirap na kase sa panahon ngayon. Lalo na at may kumakalat ng rumor sa school about samin ni Eliz. Pero paulit-ulit lang kaming nag-eexplain sa lahat ng nagtatanong na, bestfriend sya ni Mama kaya kami close.

Naiistress ako pag naaalala ko ang bagay na yon. Ugh. Lalo pa at hindi na sya ganon ka-effective. Bawat kilos namin laging may mga matang nakamasid at nakabantay samin.

May tatlong araw na rin naming ginagawa ‘to. Nahihirapan na ko sa ganitong setup. Sa school hindi kami pwedeng madalas magkasama. Sa lunch kelangan naming magsama ng ibang estudyante gaya nila Trish para walang maghinala.

Hindi ko sya mahawakan kapag gusto ko. Hindi ko sya malapitan kapag gusto ko. Hindi ko sya mayakap at mahalikan kahit gustung-gusto ko.

Ang hirap ng ganito!

Napahawak tuloy ako ng mahigpit sa bar na hawak ko sa dalawang kamay ko.



“Babe...” tawag ng girlfriend ko sakin.


Mabilis na nawala ang inis ko ng makita ko sya. Hindi ko na napigilan ang ngiti ko. Ang ganda ng mga ngiti nya. Automatic na talagang bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing makikita ko sya.

Nakasuot sya ng gray hoodie sa ibabaw ng tank top nya at nakashort shorts sya.

Nakasuot sa ulo nya yung hood habang nasa loob naman ng magkabilang bulsa ng hoodie ang mga kamay nya. Ang cute nyang tingnan.

“So,.. wala ba kong hug or kiss dyan?” sabi nya habang nakakagat sa lower lip nya.

Halos takbuhin ko na palapit sa kanya. Saka ko niyakap ang mga braso ko sa bewang nya at hinalikan sya.

“Of course, gorgeous..” sunud-sunod ko syang pinaghahalikan sa bawat part ng muka nya pati sa may leeg nya at hinigpitan pa ang yakap ko.

Nakikiliti naman sya sa ginagawa ko kaya hindi nya napigilan ang pagtawa. Parang music ang pagtawa nya sa pandinig ko.

“Babe..” habol hininga sya dahil sa pagtawa nya.

Tumingin lang ako sa kanya at hinintay kung anong sasabihin nya.

“Sorry kung medyo na-late ako. Nainip ka ba dito?” tanong nya sakin habang nakahawak sya sa magkabilang pisngi ko.

“Nope. Kahit abutin pa ko ng ilang decades dito, maghihintay ako para sayo,” saka ako nag-wink sa kanya.

“Oh? Talaga lang huh?” nakangising tanong nya.

“Oo naman” pag-assure ko sa kanya.

“Fine. Fine. Let’s just eat dinner. Baka nagwawala na yang mga lions dyan sa tummy mo” saka nya ko binigyan ng peck sa lips. Wow. Lion talaga?

Holding hands kami habang naglalakad papunta sa kotse. Yung sakin ang gagamitin namin. Nag-taxi lang sya papunta dito, ihahatid ko naman sya paguwi. Late na yon kaya wala ng makakakita samin.

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Where stories live. Discover now