Chapter 28

20K 491 32
                                    


Jessie

Pumunta ko sa bahay nila Aly para kunin yung research paper namin na naiwan nya sa house nila. Busy kase sya sa practice ng sayaw nila kaya ako na lang ang nagvolunteer na pumunta tutal wala naman akong gagawin. Sila Trish, Rina at Mich naman umuwi na.

Wala naman ding tao sa bahay kaya magstay muna ko dito sa school. Ipapasa ko na sana ‘tong research paper namin kaso sarado yung faculty. Hm bakit kaya?

Pero ilang saglit pa ay bumukas na rin yung pintuan. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Eliz na nakatayo sa may pintuan. At hindi sya nagiisa, kasama nya si Jam. Aww. Kahit wala akong karapatan, hindi ko naiwasang hindi makaramdam ng selos na makita silang magkasama. Yung kiss, bumabalik pa rin sa isip ko.

Napatungo ako sa portfolio na hawak ko para umiwas ng tingin. “S-sorry.. Ihahabol ko lang sana yung research paper namin. Kinuha pa kase namin sa bahay ni Aly yan. Sige po, M-miss Eliz, alis na po ako,” sabi k saka nagmadaling umalis.

Derecho lang ako sa paglakad. Mabilis na paglakad at tumigil na lang ako ng makaramdam na ko nang pagod.

Pagtingin ko sa paligid, napansin kong nasa school cafeteria na pala ako. Nakita kong madaming tao dito ngayon, karamihan yung mga dancer na kasamahan ni Aly.

Luminga ako sa paligid pero hindi ko sya nakita. Nagtanong awweko sa isang girl na kasamahan nya kung nasan si Aly. Sabi nung girl naiwan daw sa gym si Aly.

Bago ako pumunta don ay bumili muna ko ng 2 soda at 2 slices ng pizza para dalhin kay Aly. Sigurado gutom na sya. Atleast makabawi ako sa kanya kahit sa ganitong paraan na lang.

Tinext ko na rin sya na pupunta ako don para hindi kami magkasalisi.

Wala ng tao dito sa gym, hindi ko alam kung nabasa nya yung text ko. Dapat tinawagan ko na lang pala sya. Baka hinahanap nya na ko ngayon. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng bag ko at magdadial na sana ako ng makarinig ako ng ingay sa may locker room.

Lumapit ako dun para tingnan kung may tao pa. Baka sakaling si Aly yon. Baka napano na sya. Binalik ko muna ulit sa bag ko ang phone ko.

Mabilis akong naglakad papunta don. Nakita kong nakasiwang ang pintuan non kaya dahan-dahan ko ‘tong binuksan.

Sh*t!

Nakita ko si Aly habang hinuhubad ang blouse nang kung sinong girl na nakakandong sa kanya.

Napatakip ako sa bibig ko para hindi ako makagawa ng anumang ingay. Sh*t. Nanginginig ang mga kamay ko.. ang buong katawan ko. Lumalalim ang mga paghinga ko at dahilan yun sa pagtaas baba ng dibdib ko.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.. totoo ba ‘to..

Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko at sa sobrang panginginig ko ay nabitawan ko na ang mga pagkaing bitbit ko. Hindi ko na rin napigilan ang paghikbi at pagpatak ng luha ko.

“Bie??” narinig ko na lang na sigaw ni Aly sakin.

Pero bago pa man nya ko lapitan, umalis na ko agad sa lugar na yon. Mabilis akong naglakad pababa sa basement. Gusto ko nang umalis sa lugar na ‘to..

“Bie wait lang!” sigaw pa nya habang tumatakbo palapit sakin.

Bubuksan ko na yung kotse ng hawakan nya ko sa braso at iharap sa kanya. Hinawakan nya ang mga pisngi ko at tiningnan nya ko sa mata pero pinipilit kong itungo ang ulo ko.

“Makinig ka muna sakin, mahal na mahal kita. Mali yung nakita mo, inakit nya lang ako. Hindi ko alam na ayun pala ang intensyon nya kaya kami nagpaiwan. Nandito na ko. I’m sorry..” paliwanag nya habang hinahapo pa mula sa pagtakbo.

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Where stories live. Discover now