Chapter 10

30.3K 595 60
                                    


Allyson

Miss na miss ko na si Bie dahil hindi na namin sya nakakasabay kumain tuwing lunch. Sa room kase hindi sya makakausap dahil super tutok sya sa discussions. At after class lage nalang si Miss Eliz ang kasama nya. :(

Kaya ngayong Sunday, nag-decide ako na pumunta sa house nila. Tutal wala naman pasok. Pero tinawagan ko muna sya para masiguradong hindi ako makakaabala, at pumayag naman sya.

Ang saya-saya ko ngayong magkasama kaming dalawa. Wala daw ang parents nya dahil nasa supermarket para mamaya kase dadating yun friends nila Tita Rei.

Solong-solo ko tuloy si Bie ngayon. Nag-movie marathon kaming dalawa. Habang magkatabi kami sa sofa, hinilig ko ang ulo ko sa balikat nya saka niyakap ang braso ko sa bewang nya.

Ang bango-bango ng Bie ko, nakaka-inlove lalo. Nakailang movie pa kami at nakatulog na si Bie ko.

Sya na lang ang pinanood ko at pinatay na yung TV. Iba talaga ang pakiramdam ko pag kasama ko sya at nakikita.

Ilang oras rin syang nakatulog at pinagising na lang sya ni Tita Rei pagkadating nila.

Nakakatuwa ang pagiging sweet mom ni Tita Rei kay Bie. Pero kahit ganun, hindi namana ni Jessie yun sa kanya. Sabi nga nila Mich, pusong-bato si Bie. Pero kilala ko ang 'bestfriend' ko, hindi lang talaga sya showy. :)

Uuwi na sana ko pagkagising nya kaso hindi ako pinayagan ni Tita Rei para matikman ko daw ang luto nya. Ilang beses na rin naman ako nakatikim ng luto nya, at masarap talaga yun.

Pumanik muna kami ni Jessie sa taas para mag-shower dahil mamaya dadating na yun friends ng mom nya.

Pagpasok pa lang sa room nya niyakap ko na agad sya at hinalikan. Kaso mukang hindi nya yun nagustuhan kaya nag-sorry rin ako agad. Di ko na kase mapigilan sa sobrang pagka-miss sa kanya.

Dumating na rin yung mga friends nila Tita Rei na surprisingly, close friend nya rin pala si Miss Eliz. Small world diba?

Nginitian ko sya ng makita ko sya, pero deep inside may kakaiba na naman akong nararamdaman.

Napansin ko ang pagbabago ng mood ni Bie mula ng makita nya si Miss Eliz. Nakikita ko rin kung pano sya tingnan ni Miss Eliz.

Pabaling-baling ako ng tingin sa kanilang dalawa habang kumakain. Si Miss Eliz na nakatitig lang kay Bie, at sa tuwing magtatama ang tingin nila nag-smile sya kay Jessie.

Pero si Jessie, umiiwas lang ng tingin at parang wala naman pakealam. Kaya hindi ko na pinansin at nakinig na lang sa masayang pag-uusap nila.

Medyo late na rin kaya dito na ko mag-sleepover sa house nila Bie. Yihee! Makakatabi ko si Bie mag-sleep.

*****

Nagmulat ako ng hindi ko makapa si Bie sa side ko. Nakatulog na pala ko kanina.

May naaaninag akong liwanag mula sa may likuran ko. Kahit nakatalikod ako alam kong mula sa bathroom yun.

Pumihit ako paharap dun para tingnan si Jessie.

"Bie!" gulat na tawag ko sa kanya kasabay ng biglang pagbangon ko sa kama.

Nagulat ako ng makitang nakayakap sa leeg nya si Miss Eliz at magkalapit ang mga muka nila. Kulang na lang magkapalit na sila ng muka sa sobrang lapit!

Ang mas nakakagulat pa ng makita kong nakahubad si Miss Eliz. Kaya dali-daling kong hinila si Bie palayo sa kanya at takang napatingin kay Miss Eliz.

Basang-basa si Jessie ng makita ko kaya tinanong ko kung anong nangyari. Pero sasagot na sana si Jessie ng may sumingit bigla.

"Naglaro kase kami ni Jessie sa bathroom, sayang nga eh hindi ka nakasali" malanding sabi ni Miss Eliz.

Kinabahan ako sa sinabi nya pero hindi ko na lang pinansin pa. At sa halip ay hinayaan ko muna si Jessie na makapag-shower dahil baka magkasakit pa sya.

Naiwan kaming dalawa ni Miss Eliz habang nasa bathroom si Jessie. Paupo na sana ko dito sa side ng kama ng marinig ko syang magsalita.

"Akala ko dati girlfriend ka ni Jessie.." sabi nya habang nakatayo sa kabilang side ng kama. Nagpupunas sya ng buhok nya.

"Uhm t-tama po Miss Eliz, hindi nya po ako girlfriend. Super close lang po talaga kami ni Jessie" kinakabahang sagot ko dahil nagulat ako sa sinabi nya.

"You know what.." narinig kong sabi nya at hinintay ang kasunod na sasabihin nya.

"I really like Jessie" sabi nya kaya napatango ako.

Madami talaga ang gusto si Jessie dahil mabait sya. Kaya nga love na love ko sya.

"Yeah, marami po ang gusto sya dahil mabait syang tao" sagot ko naman ng nakangiti habang mas humahanga pa kay Jessie sa isip ko.

Wala na kong narinig na sagot mula non kay Miss Eliz kaya uupo na sana ko.

Ang tagal naman ni Bie. Sasabihin ko pa namang gusto sya ni Miss Eliz, sigurado matutuwa sya.

...

...

Uh!

Napabalikwas ako ng magsink-in sa utak ko yun sinabi ni Miss Eliz. Napatayo ulit ako at napatingin kay Miss Eliz.

'G-gusto' daw nya si Bie?? Papanong gusto?? Teka, hindi kaya?

"M-miss Eliz.." sabi ko na parang ayaw pa nun lumabas sa bibig ko sa sobrang hina. Pero mukang narinig nya, dahil tumugon sya sakin.

"Yes?" tanong nya habang naka-smile. Yung smile na may meaning. Magkatapat kami ngayon na nakatayo sa magkabilang side ng kama.

Hindi naman ako makapagsalita, hindi ko kase alam ang itatanong ko.

"Kagaya mo, gusto ko rin si Jessie. Kaya Allyson, be threaten, dahil may karibal ka na sa kanya" confident nyang sabi habang naka-smile ng mapang-asar.

Maang na napatingin naman ako sa kanya. Pero bigla ako nakaramdam ng inis ng maintindihan ko kung ano yung sinabi nya.

Karibal daw??

Meaning gusto nya talaga si Bie ko??

No way! Akin lang sya!

Hindi ko na sya pinansin saka ko sya tinalikuran at padabog na umupo sa kama. Maya-maya napansin kong tapos na si Bie maligo kaya agad ko syang nilapitan.

"Bie, dun ako sa tabi mo matutulog huh?"

"Uhm Aly kase-" hindi na natapos yun sasabihin nya ng may sumabad.

"Hindi pwede, magkatabi na kase kami" sabad naman ng Eliz na yun. Kinalimutan ko munang Prof ko sya!

Humiga na agad sya sa higaan ni Jessie ng walang man lang permiso at iniinggit pa talaga ko!

"Hindi pa naman sya pumapayag na makatabi ka di ba? Bat nandyan ka na agad?" inis na sabi ko.

Hindi nya ko pinansin at inayos nya lang ang pagkakahiga nya. Kaya hinila ko yung unan na yakap-yakap nya.

Nainis sya sakin at nagsimula na kami maghilahan ng kumot at unan. Hay nakakainis sya! Kala nya ba magpapatalo ako? Hindi 'no!

"Tumigil nga kayo! Kung ayaw nyo dito sa kama, dyan kayo sa sahig matulog!" sigaw na nakapagpatigil saming dalawa ni Eliz.

Napatingin kami pareho kay Bie na nalatalukbong na sa kama nya. Galit sya? Siguro.. Hindi naman nasigaw yun eh. Hays nagalit pa tuloy sakin si Bie. -_-

Bukod dun magkatabi pa kami matutulog ng Eliz na to. Hay nakakainis!

Maya-maya bumibigat na rin ang mga mata ko kaya nakatulog na ko.

*****

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Where stories live. Discover now