Chapter 23

21.7K 511 25
                                    


Eliz

I thought it was perfect. But it’s not.

Akala ko kase ayun na ang pinakamagandang gabi na nangyari sakin. Kaso hindi.

Habang tulala akong naghihintay dito sa loob ng kotse, sobrang lakas na ng ulan sa labas. Lalo lang akong nag-aalala kung nasaan na si Jessie ngayon.

Sh*t!

Napahampas ako ng malakas sa manibela dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakailang ikot na rin ako para hanapin sya. Tapos ay babalik dito para tingnan kung nakauwi na sya. Pero wala. Wala pa rin sya. Nasan na ba sya?

Kasalanan ko ‘to eh! Ang tanga tanga ko!

Ni hindi ko alam baka wala syang masilungan ngayon. Baka basang-basa na sya sa ulan. Tapos ako nakaupo lang dito, at walang ginagawa?? Sunud-sunod na pinaghahampas ko yung manibela sa sobrang inis ko.

Nagsimula na namang bumagsak ang mga luha ko. Naghalo na ang inis at pag-aalala sa dibdib ko.

Pero kinalma ko ang sarili ko at nagsimula na ulit magdrive. Ayokong maghintay lang dito.

Nag-ikot uli ako sa daan kung saan posibleng mapadaan si Jessie. May kahirapan maghanap ngayon dahil bukod sa madilim na, malakas rin ang buhos ng ulan kaya mahirap makakita ng maayos.

Pero sa di kalayuan, may naaninag akong isang babaeng nakaupo sa isang waiting shed. Mabilis kong inilapit don ang sasakyan at bumaba agad ako. Wala na kong pakelam kung mabasa man ako.

Nakita ko syang basang-basa na sa ulan. Yakap-yakap nya ang sarili nya dahil siguro sa lamig. Habang papalapit ako, naaaninag ko na parang umiiyak sya. Nakaramdam ako nang matinding lungkot sa nakikita ko. Nagdadalawang isip ako kung lalapitan sya. Sigurado akong galit sya. Pero kelangan.

Papalapit pa lang ako sa kanya ng napansin yata nyang may papalapit kaya napalingon sya sakin.

“Eliz??” mabilis nagbago ang expression nya mula sa lungkot at napalitan yun ng galit. Tumayo sya mula sa kinauupuan nya.

“Jessie..” mahinahong tawag ko sa kanya habang papalapit sa kanya pero lumalayo sya.

“Wag kang lalapit sakin!” sabi nya habang inis na inis. Kita ko sa mga mata nya na nasasaktan sya. Hindi ko pinansin ang sinabi nya at lalapit pa rin ako pero –

“Sabing wag kang lalapit eh!” inis na sigaw nya kaya napahinto ako. Nangingilid na yung luha sa mga mata nya.

“Fine. Fine. Pero sige, ikaw na lang ang lumapit?” mahinahong sabi ko sa kanya para pahupain ang galit nya.

“Asa! Bat naman kita lalapitan?? Umalis ka na nga!” asar na sabi nya saka nagpunas ng mata na may malapit nang pumatak na luha.

Nangingiti ako sa itsura nya pero pinigilan ko. Parang batang nagmamaktol lang. Medyo nawala tuloy ang pag-aalala sa dibdib ko.

“O sige hindi na. Pero pwede ba ihahatid na kita dahil magkakasakit ka na nyan sa itsura mo eh. Basang-basa ka na” nag-aalalang sabi ko sa kanya.

Nag-isip pa sya sandali. Halata namang giniginaw na sya dahil kanina pa sya nanginginig.

“Ayoko.. okay lang ako dito. Umuwi ka na.” malungkot na sabi nya saka sya tumungo.

Nagkaron tuloy ako ng pagkakataon para makalapit sa kanya. Mabilis ko syang nilapitan at hinapit ng yakap mula sa likuran nya.

“Eliz ano ba!?” inis na sabi nya sakin nang mayakap ko sya. Napalag pa sya at tinutulak ako pero mas hinihigpitan ko lalo ang pagkakayakap ko sa kanya.

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora