Chapter 18

22.5K 633 23
                                    

May ilang araw na rin mula ng makita kami ni Eliz. At hanggang ngayon hindi nya pa rin ako pinapansin.

Kahit pa nagkikita kami, hindi naman kami naguusap. Bilang ko nga kung ilang salita lang ang binibigkas nya pag kasama ako. Nakakapanibago. Kahit kase dati na hindi sya ganon kadaldal, kinakausap nya pa rin ako. Ngumingiti din sya sakin. Pero ngayon wala talaga. Blanko lang ang expression nya.

"You okay, Jessie?" si Trish habang nasa classroom kami. Lumabas ang Prof at nagiwan lang ng activity samin. Tapos na sya kaya nadaldal na. Yung 3 kase subsob pa sa pagsagot.

Tumango-tango lang ako sa kanya.

"Sure ka?"

"Yup?" nagtatakang sagot ko. Obvious bang hindi ako okay?

"Kaya pala wala pang sagot yang papel mo" sarcastic na sabi nya sabay nguso sa papel ko.

Pagtingin ko dito ay saka ko lang naalalang wala pa kong sagot. Mabilis kong inilayo sa paningin nya ang papel ko.

"Meron na! No erasure kase kaya sinisigurado ko yun mga sagot ko bago isulat" pagdadahilan ko sa kanya.

"Sabi mo eh!" sabi nya na parang hindi kumbinsido sa sagot ko.

Umayos na ko ulit ng upo at sinagutan na ang activity na iniwan samin.

Lunchbreak na pagtapos ng class na to. Nagpaalam na ko kila Trish at dumirecho na sa Faculty. Nandito lang ako sa labas at naghihintay na ipatawag ako ni Eliz.

May katagalan na rin akong nakatayo dito. Mabuti na lang at may bench dito kaya umupo na lang muna ko.

Ako lang ang naghihintay dito dahil lunchbreak. Karamihan nasa labas para kumain.

Bat ba ang tagal nya?

Alam nya naman kase na sa ganitong oras ako nagpupunta dito.

Hmmm.. baka busy?

Pero sana pinuntahan nya muna ko dito para naman natulungan ko sya.

Kada may lalabas na Prof sa faculty ay sumisilip ako sa pinto para tingnan sya. Kaso wala akong makita. Nasa may dulo kase yun table nya at matataas yun divider nila. Nasan na kaya sya?

Umupo na lang ulit ako at hinintay sya. May mga ilan pang nagpapabalik-balik sa loob nito. Hinihintay kong may magsabi sakin na pumasok na ako sa loob. Pero ni isa sa kanila wala man lang pumapansin sakin.

Bat pala hindi ko sya ipatawag?

Pwede nga naman yun. Bat ngayon ko lang naisip?

Tumayo na ko at ipipihit na sana ang doorknob ng bigla itong bumukas.

"Oh?" mukang nagulat sya ng makita ako.

"Sorry" yun lang nasabi ko. Medyo nagulat din kase ako. Isa pa bigla ako nakaramdam ng hiya ng mabungaran ko sya.

"You are Jessie, right?" tanong nya sakin pagkasara nya ng pinto.

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Automatic na nagtama ang mga mata namin.

Wow.

She's breathtakingly beautiful..

Kundi ako nagkakamali, tingin ko ay hazel ang kulay ng mga mata nya t may mahahaba syang pilikmata. Mata pa lang solve ka na. Ano pa kaya yung matangos nyang ilong, makinis na muka at ang... kissable lips nya.

"Hey, okey ka lang ba?" nagsalita sya bigla at saka ko lang nalamang natulala na pala ko sa kanya.

Ugh! Nakakahiya!

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Where stories live. Discover now