Chapter 32

20.3K 448 26
                                    


Jessie

"Bakit ako?? Eh di ba ikaw dyan 'tong isang buong araw hindi man lang nagparamdam saken?? Bakit binabaliktad mo ko ngayon??" inis at halos pasigaw na sabi ko kay Eliz.

Nakita nya lang nakahawak si Aly sa braso ko, iniisip nya na agad na may something samin. Kaya napuno na ko. Isa pa, sya 'tong may kasalanan sakin sa hindi nya pagpaparamdam buong araw kahapon. Tapos ngayon, sya pa yung galit??

Normal naman kung magseselos sya. Ang cute nga nun. Pero hindi ganito na pinagbibintangan nya ko??

Mabuti na nga lang at umalis rin agad si Aly ng sabihin kong mauna na sya. At eto na. hays.. nag-aaway na kami.. agad..

"S-sorry.. k-kase nasira yung c-cellphone ko" lumambot na yung expression nya.

Lumapit na sya sakin at hinawakan nya ang mga kamay ko. Nawala na rin ang inis ko sa simpleng hawak nya. Ayoko rin magmatigas kung ganitong mala-anghel ang muka ng nasa harapan ko.

Malungkot ang itsura nya. Nanghihina ako na makita syang ganito. Nilapit ko ang muka ko sa kanya at hinalikan sya. Hindi naman sya nag-atubili pa na tanggihan ang halik ko. At naramdaman ko na ang malalambot na labi nya.

"I'm sorry.." mahinang sabi nya sakin pagkalas ng mga labi namin, pero magkalapit pa rin ang mga muka namin.

"Sorry din kung nasigawan kita.." saka ko sya binigyan ng isang mabilis na halik sa lips. Nagsmile naman sya pagtapos non kaya hindi ko rin napigilan ang sarili kong mapangiti.

Hindi na rin ako pwede magtagal dito dahil pareho kaming may next class pa.

"Mamaya na lang ulit tayo mag-usap sa lunchbreak?" tanong ko kay Eliz habang magkahawak ang mga kamay namin. Saglit lang syang nag-isip at saka pumayag. "Sige, mamaya na lang.. Bye" sabi ko sabay halik sa pisngi nya saka na ko naglakad palapit sa pinto.

Nagligpit na rin sya ng mga gamit nya. Sumandal muna ko sa pinto habang nakatingin sa kanya. May ilang minuto pa naman ako para pagmasdan sya.

Nang may mapansin ako sa kamay nya na ilalagay nya na sa bag nya. Yung cellphone nya.

Bigla akong nakaramdam ng kaba ng makita ko yon. Hindi ko alam kung napansin nya ko. Kase pagtingin ko sa kanya. Nakasmile pa rin sya sakin.

Nagsmile rin ako sa kanya at inalis sa isip ko anuman ang naramdaman kong kaba saka na ko lumabas ng classroom.

***

Excited akong nagtext kay Eliz after ng morning class namin. Nagpaalam na rin ako kila Trish na hindi ako sasabay maglunch sa kanila. Alam naman nila ang dahilan.

Si Aly naman, sa mga kapwa dancers nya na lang sumama maglunch ng sabihin kong hindi ko sya masasabayan.

Ilang minuto pa lang ay nakareceive na ko nang reply sa kanya. Sabi nya magkita na lang kami sa isang fast food malapit sa school.

Nagmadali na kong pumunta don. Sayang kase ang oras.

Ilang minuto pa at nakarating na ko. Iginala ko agad ang mga mata ko sa paligid para hanapin sya.


"Hi, babe.."

Lumingon ako agad sa babaeng nasa may likuran ko. Sa sobrang lapit nya, nagtama ang dulo ng mga ilong namin pagharap ko sa kanya.

Namutawi agad ang mga ngiti sa labi ko nang makita ko sya. Automatic na bumilis ang tibok ng puso ko.

Gusto kong ilapit pa ang sarili ko sa kanya at maramdaman ang mga labi nya sa labi ko.

"Ahem.." may narinig akong tumikhim kaya napahakbang ako palayo kay Eliz.

Jam??

Napasimangot agad ako nang makita sya.

"Whoah, wait! Sorry kung may atraso ako sayo, pero alam mo kayang-kaya kong mag-explain about that?" napansin nya siguro ang pagsimangot ko.

Hindi ko na lang sya pinansin at inirapan ko lang sya. Ayoko pa rin malapit sya kay Eliz kahit na wala lang yung kiss nila.

"Uhm.. Hi?" narinig kong bati naman ng kasama ni Jam. Ohh, si Lauren?

Agad akong nagsmile sa kanya. "Hi.." bati ko sa kanya.

"She's my date, Jessie. Kaya wag kana magselos pa" pagyayabang ni Jam sakin sabay akbay nya sa bewang ni Lauren.

Naramdaman ko naman ang braso ni Eliz na naka-hook sa braso ko kaya agad na tumingin na ko sa kanya.

"Let's go?" aya nya sakin habang ngiting-ngiti.

"Bakit mo kasama si Jam?" bulong ko kay Eliz habang naglalakad papunta sa counter. Sila Jam ang naghahanap ng mauupuan namin.

"Sorry, marami kaseng ibang tao dito galing school. Mahirap nang makita tayo na tayo lang dalawa madalas ang magkasama" bulong nya rin sakin.

Nagorder na kami ng pagkain. Madami akong itinuro at inorder nya naman lahat yun. Kelangan kong bawiin ang mga kawalan ko nang gana kahapon.

Ngayong kasama ko na sya, ang saya-saya ko. Kumpleto ako, kuntento ako. Ang sara sa feeling nito.

Tig-isang kamay lang ulit ang gamit namin ni Eliz habang kumakain dahil magkahawak kamay kami sa ilalim ng table.

"Babe.." sweet na tawag ni Eliz sakin. Kinikilig ako sa kanya. Babe na pala ang tawagan namin. Hihi. Ang cute.

Oo, sa iba corny yun pag naririnig ko. Pero dahil sa kanya yun galing, ang sweet, ang cute. Ang sarap sa pandinig.

At paglingon ko sa kanya, may nakaamba nang fries sakin kaya kinagat ko agad yon. Todo smile naman ang ganti nya sakin. Aww, nakakatunaw.

Magkatitig lang kami at nakangiti sa isa't-isa na parang mga timang. Pero kahit ganito lang ang gawin naman buong araw. Ok na ok lang yun sakin.

"Ohhh.. nakakainggit na yan uh?" reklamo ni Jam na nakaupo kaharap namin. Sabay pa kaming napalingon ni Eliz sa kanya. Si Lauren naman ay natatawa lang sa nakapout na si Jam. Kaya natawa lang din kami.

Nagkwentuhan lang kami at tawanan habang kumakain. Panay lang ang kwento ni Eliz sa mga kalokohan ni Jam at ganon din si Lauren. Masaya pala silang kasama, at magaan.

Nagtatawanan kami nang mapalingon ako sa isang girl, na may ilang table din ang layo mula samin. Nakita kong nakatingin sya sakin. Ang sama at ang talim ng mga tingin nya sakin. Ang weird.

Pamilyar ang muka nya, pero hindi ko maalala kung saan ko sya nakita. Hindi din kase siya naka-uniform kaya di ako sure kung san ko sya nakita at ang mga kasama nya.

Tinawag na rin ako ni Eliz kaya sa kanya ko na pinaling ang atensyon ko. At sinulit ko ang ilang minuto pang makakasama ko sya.

***

May secret ba si Eliz??

At sino naman ang babaeng nakatingin kay Jessie mula sa malayo??

____
hi there. here's another update for this day. hope you'll like it :)

salamats po sa pagbabasa, sa vote at sa comments.. love u ! sagot naman jan !

muah muah sup sup !

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Where stories live. Discover now