The Finale

10K 249 49
                                    

Jessie




Nandito na ko sa park kanina pa. Pero hindi ko naman sila nakikita dito.

May mga tao dito, pero yung ibang namamasyal. Nasaan na ba sila?

Kinakabahan na ko.

Kanina ko pa tinatawagan si Jam pero hindi nya sinasagot, puro ring lang ng ring ang phone ni Eliz.

Ugh, nag-aalala na ko.

Eliz..



I parked my car saka ako naglakad-lakad para hanapin sila. Then may nakita akong nagkukumpulan na mga tao na may gawa ng isang commotion.

Na-curious ako kung ano yon. Di ko naman talaga ugali ang makiusyoso sa mga ganong tagpo pero parang may humatak sakin palapit dito.

Napansin ko na sa bawat paglakad ko palapit dito ay humahawi ang mga tao sa dadaanan ko.





Tapos..

Narinig kong may nag-play na music.

‘Say you won’t let go by James Arthur’

Nakita ko na lang ang mga kaibigan ko at pati narin si Aly na masasayang nakangiti sakin, lumapit sila at isa-isang iniabot ang tig-iisang rosas sakin.

Nagtaka ako sa nangyayari pero nakaramdam din ako ng kakaibang saya dahil parang alam ko na, parang alam ko na kung anong nangyayari.

Unti-unting sumungaw ang ngiti sa labi ng maisip ko yon. Nanginginit narin ang pisngi ko sa kilig. At hindi ako makapaniwala sa nangyayari.

Pagtapos nito ay si Mom at Dad naman ang nakita ko na masaya ding nag-abot ng mga rosas sakin.

Niyakap nila ko ng mahigpit at hinalikan ako sa pisngi na halatang-halata ang saya sa mga mata nila na lalong ikinatuwa ng puso ko.

At ngayon..

Nasa harapan ko na ang babaeng may pasimuno sa lahat ng nangyayari.

“Eliz..” I looked at her deeply in her eyes at nakita ko na parang kinakabahan sya and excited din sa gagawin nya.

“Hi.. Babe,” saka sya nagpa-cute sakin at lumapit saka ibinigay ang bouquet ng flowers kaya nagtilian ang mga tao sa paligid namin na very supportive that time.

“Ano ‘to?” natatawa at kinikilig na tanong ko sa kanya. Yung totoo di ko mapigilang di kiligin.

“What? Gusto ko lang may mga witnesses tayo kung sakaling ayain kita, na..” saka sya may dinukot sa bulsa nya at ipinakita to sakin, “Um, magpakasal sakin,”

Natigilan ako sa narinig ko. Di ko alam paano magrereact. I am not expecting this. Akala ko isang sweet na pakulo lang nya. Di ko inaasahang magpo-propose sya. OMG.

Hinawakan nya ang mga kamay ko at tinitigan ako ng mabuti sa mga mata ko. Naging seryoso ang itsura nya dahil siguro sa naging reaksyon ko sa tanong nya. Napansin ko rin na natahimik ang lahat.

“Hey, babe, nabigla ba kita?” nag-aalalang tanong nya. I was still in shocked  pero pinilit kong ayusin ang sarili ko at nagsalita.

“No—,”

“No? You mean, no?” nakita ko ang paglungkot ng mga mata nya kaya agad na nagsalita ako. Kase naman singit ng singit di pa ko tapos magsalita.

“I mean yes, nabigla ako, sorry. Di ko naman kase alam na—”, naputol na naman ang sinasabi ko nang sumingit ulit sya.

“Sorry, akala ko positive ako sa magiging sagot mo,” malungkot na sabi nito.

“Patapusin mo muna kase ako pwede ba? Nabigla lang ako pero it doesn't mean na hindi na kita papakasalan,”

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Место, где живут истории. Откройте их для себя