Chapter 12

28.8K 605 32
                                    


Pakurap-kurap akong nagmulat ng mga mata ko. Nasisilaw ako sa liwanag na nakikita ko. Nasa langit na ba ko??

Pinilit kong imulat ng husto ang mga mata ko para makasigurado. Whew! Ilaw lang pala.

Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Halos puti lang ang pintura sa mga wall at may mga maliliit na cabinet akong nakikita.

“Hey, you’re awake..” napalingon ako sa nagsalita. Si Eliz, nakasuot pa sya ng uniform nila, pero nakaslacks sya pangbaba ngayon.

Nakita kong nakatayo sya habang naka-crossarm sa may side ng kama na hinihigaan ko.

“How are you?” nag-aalalang tanong nito sakin.

“I'm fine..” sabi ko saka na ako umupo. Sumakit bigla ang ulo ko at napahawak ako dito. Kumikirot-kirot to ng sobra.

“Dahan-dahan lang kase. Pwede naman kita alalayan sa pag-upo” sermon ng kasama ko. Katabi ko na sya ngayon na nakaupo dito sa kama at nakaalalay.

“Bat ba ko nandito?” tanong ko sa kanya. Nandito kami sa hospital ngayon. Nakasuot ako ng hospital gown at may dextrose na nakakabit sakin. Napansin ko din na may maliit na cast ako sa kaliwang part ng noo ko. Anyare?

“Nawalan ka ng malay kanina sa class ko, dahil sa taas ng lagnat mo. And unfortunately, tumama pa yang ulo mo sa sahig kaya ayan” sabay turo sa cast sa noo ko.

“Sino bang may kasalanan..” sabi ko na parang pinapaalala sa kanya yun pangbabasa nya sakin sa bathroom.

“I’m sorry..” sabi nya na parang biglang nahiya at nalungkot.

“Nagugutom na ko..” pag-iiba ko sa usapan. Bigla naman tumunog yun tyan ko na ikinagulat naming dalawa.

“Obviously” sabi nya sabay tawa ng malakas. Nararamdaman kong namumula na ko dahil sa pagkapahiya. Umiwas na rin ako ng tingin para hindi nya yun makita. Hay nakakainis.

Pumunta na kami sa canteen ng hospital. Si Eliz na ang nag-order dahil hila-hila ko din tong dextrose ko.

“Eliz, di ba may clinic naman sa school?” tanong ko habang kumakain na kami. Fried chicken at rice ang inorder nya sakin with ice tea. Sya naman beef steak.

“Pinangatawanan mo na talaga yang pagtawag mo ng ‘Eliz’ sakin, huh?” nakataas na kilay na sabi nya.

“Hayaan mo na..” sabi ko saka sumubo ulit.

Napapailing na lang sya.

“Pero sa school hindi pwede yan, huh Jessie?” sabi nya at tumango naman ako.

“Tumawag kasi ako kay Rei kanina, nasabi ko yung nangyari. Para sigurado daw yun safety mo dito ka na raw dalhin. Balak pa nga nya pumunta, pero sabi ko nandito naman ako. Ako na lang mag-aalaga sayo” paliwanag nya saka nag-smile.

Ow. Ang ganda nya talaga. Ayan na naman yung puso ko. Kumakabog. Lalo na ng marinig ko yung ‘ako na lang ang mag-aalaga sayo’. Ang sarap sa feeling.

Napasmile lang din ako sa kanya habang hindi ko mapigilan na tumitig sa kanya. I swear para na kaming mga timang dito na magkatitig lang sa isa't-isa na may malalapad na ngiti sa labi. Yung feeling na walang ibang tao sa paligid nyo.

“Hi ma'am, baka po gusto nyo itry yung home made candies namin?” sabad ng isang gay na lumapit samin. Istorbo eh. Napatingin kami pareho ni Eliz dito.

Tiningnan ni Eliz ng masama yun gay kaya umalis naman ito agad. Natatawa ako ng muntikan pang madapa yung gay sa pagmamadali dahil sa takot kay Eliz. Pero pinigilan ko tumawa lalo na ng mapasulyap din sya sakin na naniningkit ang mata. Umiwas agad ako ng tingin at bumalik ulit sa pagkain.

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Where stories live. Discover now