Chapter 29

22.5K 521 58
                                    

Jessie

"Eliz.." hindi ko mapigilan ang pagngiti ko makita ko pa lang ang mala-anghel na muka nya. Bumibilis na agad ang tibok ng puso ko makita ko pa lang sya.

"Naghanda na ko nang breakfast, kain na tayo?" aya ni Eliz sakin.

"M-mag-ttoothbrush muna ko.. May extra ka ba?" tanong ko sa kanya habang nakatungo at nilalaro ang mga daliri ko. Hindi ko yata kayang matingnan sya sa mata.

"Oo, yung color yellow sa bathroom. Nakaseal pa yun, para lang alam mo na hindi pa yun gamit" nagnod lang ako pagkasabi nya non. "Hintayin na lang kita sa kitchen?" at sa tanong na yon, tumango lang ulit ako.

Lumabas na sya ng kwarto at pumasok na rin ako sa banyo. Napansin kong iba na yung suot kong damit. Naka-basketball shorts na lang ako at naka tshirt. Sya ang nagpalit ng damit sakin??

Nakita nya na kaya yung buong katawan ko? Ano kayang mga nakita nya? Sus, sana naman wala. Hays.

Teka, pano pala ko napunta dito?? Condo unit nya ba 'to? Tatawagan ko na lang mamaya sila Trish para magtanong.

Nagshower na rin ako at pagtapos ay sinuot ko na yung suot ko kagabi. Hiniram ko pa kay Trish yon dahil naka-uniform pa ako kahapon.

Pumunta ako sa kitchen at nakita kong nakaupo sya sa may island counter habang may katext sa phone nya. Napansin nya ang pagdating ko kaya tumayo agad sya at lumapit sakin. "Kain na tayo?"

"Uhm, u-uuwi na s-sana ko.." sabi ko habang nakatungo. Bat ba ko nagkakaganito sa harapan nya.. hays.. Kaya gusto ko nang umiwas. Ayoko ng ganitong feeling.

"Hindi ka ba muna kakain?"

"Uhm.." sabi ko saka umiling at tumingin sa kanya. Nakita ko syang nagpursed ng lips nya.

"Kung ganon.. ihahatid na lang kita?"

"H-hindi na.. S-sige, aalis na ko.. S-salamat pala.." sabi ko saka akmang aalis na pero..

"Sa elevator?" napatigil ako at lumingon sa kanya. "Kahit sa elevator na lang? ihahatid kita? ..Please?"

Nagiintay sya sa isasagot ko. Kahit ako hindi ko alam kung papayag ba ko. Tutal hindi ko naman alam kung san yung elevator dito, ok lang siguro? Tumango ako sa kanya at nakita kong napasmile sya sa sagot ko.

Tahimik lang kaming naglakad papunta sa elevator. Tatlong pintuan lang ang nadaanan namin at nakarating na kami sa tapat ng elevator.

Naghintay lang kami sandali hanggang sa bumukas ang pinto nito.

"Salamat ulit. Hindi ko alam kung p-pano ako napunta dito. P-pero.. salamat." sabi ko pero sa elevator nakatutok ng mga mata ko.

Bumukas na yung pintuan pagkasabi ko non kaya pumasok na agad ako. Naiwang nakatayo si Eliz sa labas ng elevator. Wala na rin syang sinabi kaya hinintay ko na lang na sumara ulit yung pintuan nito. Unti-unti na 'tong sumasara kaya nakaramdam din ako ng lungkot na aalis na ko.

"Aww!" narinig kong sigaw ni Eliz. Nagulat ako ng marinig yun kaya napatingin ako sa kanya. Pero mas ikinagulat ko nang makita kong nakaipit yung kamay nya sa pintuan ng elevator.

Bumukas ulit yung pinto nito at pumasok si Eliz habang pinapagpag yung kamay nyang naipit. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya na nasa tabi ko na ngayon.

"Ihahatid na pala kita sa sakayan?" nag-aalangang sabi nya sakin.

Tumango na lang ako sa kanya. Nandito na rin naman sya kaya wala na rin akong magagawa.

Pagtapos nun, katahimikan na naman ang namagitan samin.

"J-jessie.." halatang hindi rin sya komportableng makausap ako. Hindi ako nagsalita pero saglit na tumingin lang ako sa kanya para malaman nyang makikinig ako.

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon