Chapter 26

19.7K 475 45
                                    


Eliz

"Tama na yan.." awat ni Lauren sakin sabay agaw sakin ng basong hawak ko na may lamang vodka.

Si Lauren lang ang natatakbuhan ko sa problema namin ni Jessie. Alangan namang lumapit ako kay Rei at sabihing may problema kami ng anak nya?

Kanina lang, sa kanya rin ako nakiusap na manghiram ng damit na isusuot namin ni Jessie palabas sa motel na tinulugan namin. At ngayon, nandito ako sa sarado pa nyang bar at nanggugulo. hay.

"Bakit hindi kayo mag-usap ng maayos ni Jessie?" concern na sabi nya sakin habang nakaupo kami dito sa bar counter.

"Hindi ko alam.. Hindi ko rin alam kung anong pag-uusapan namin. Lauren, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Naguguluhan din ako sa nararamdaman ko," gulung-gulong sabi ko. Gusto ko si Jessie, pero hindi ko maintindihan kung anong pumipigil sakin.

"Eliz.. Alam mo ba kung anong pinapasok mo? Ibig ko sabihin, alam mo naman na Prof ka nya? Saka isa pa, di ba bestfriend mo yung Mom nya?" nag-aalalang tanong nya sakin.

Alam ko naman lahat yon. At nagfile na rin ako nang resignation letter sa school. Ang problema lang hindi pa yun naaapprove dahil wala pang papalit sakin.

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot ko.

"Tingin mo ba papayagan ng Mom ni Jessie kung anuman yang iniisip mo?"

"Hindi ko alam.." malungkot na sagot ko sa kanya. Inikot ko yung upuan paharap sa mini stage ng bar kung saan busy na nagaayos ang mga crew ni Lauren.

"Pag-isipan mo munang mabuti lahat yan. Hindi sa nanghihimasok ako, pero Eliz, kakakilala nyo pa lang ding dalawa ni Jessie. Kaya siguro naguguluhan ka sa nararamdaman mo sa ngayon. Palipasin mo muna, at kapag may desisyon ka na, pag-usapan nyo yan. Sa ngayon, itulog mo na lang muna yan at ipahinga.." sabay tapik nya sa balikat ko.

Hinatid na rin ako ni Lauren sa kotse ko. Nagpasalamat rin ako sa kanya sa pagdamay nya sakin. Mabuti at may nalalapitan ako kapag ganitong may problema ako.

Pasakay na sana ko nang kotse pero narinig kong nagsalita ulit si Lauren.

"Eliz.." lumapit ulit sya sakin.

Lumingon ako sa kanya at naghintay sa sasabihin nya. Sinara ko rin muna ulit yung pintuan ng kotse.

"Uhm.. yung tungkol kay Jc kagabi.." nag-aalangang sabi nya habang nakatayo sa harapan ko.

Nataas ang kilay ko mabanggit nya pa lang ang pangalan na yon. Si Jam ang tinutukoy nya, Jc dahil initials yun ni Jam. Mukang alam ko na ang patutunguhan nito. tsktsk.

"Gusto ko lang sanang.. uhm magsorry sa ginawa nya.." sabi ko na nga ba eh. Ibang tao ang magsosorry para sa taong yon. Kapal nya talaga. Hay nakakainit ng dugo.

"Hindi naman ikaw yung may kasalanan para ikaw yung magsorry, Lauren" medyo inis na sabi ko. Kumukulo lang talaga yung dugo ko sa Jam na yun!

"Sorry, sabi nya nagawa nya yun dahil nakita nya si Cha dumating sa bar kasama yung manliligaw kaya ayun daw, kaya ka nya nahalikan" paliwanag nya.

"Ako pa ginamit nya para magselos si Cha?? Baliw na sya! Alam nya namang nandun si Jessie?" inis na sabi ko at sumakay na ko sa kotse sa inis ko. Ayoko nang marinig na ipagtanggol nya pa ung babaeng yon!

"Eliz.. sorry. Ayoko lang magtagal pa yung away nyo" habol pang sabi nya.

"Oo na, kung magsosorry sya sakin siguro naman mapapatawad ko sya. Pero hindi kung ikaw lang ang magsosorry sakin. Sige na, aalis na ko. Salamat.." mahinahong sabi ko sa kanya saka inistart yung sasakyan.

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang