Chapter 20

26.8K 579 15
                                    


Eliz

Nagpaalam si Jessie sakin kanina. Sabi nya may group project daw sila na gagawin nila sa library. Sayang dahil hindi ko sya makakasama maglunch.

Hmm..

Ano kaya kung ipagpaalam ko sya sa mga groupmates nya? Sabihin ko hihiràmin ko muna si Jessie sandali. Okay yun, baka kase magpalipas sya ng gutom sa sobrang pag-aaral. Baka magkasakit pa sya pag ganon.

Pinuntahan ko sya sa library. Nakita ko yung mga classmates nya na nandun sa may isang table, pero wala sya don. Nasan kaya yon?

“Hi Miss Eliz?” sabay-sabay nilang bati sakin ng lumapit ako sa kanila.

“Hi.. uhm hindi nyo ba kasama si Jessie?” tanong ko sa kanila pagtapos bumati sa kanila.

“Uy nasan daw si Jessie?” sabi ng isang classmate nya habang sinisiko pa yung katabi nya. Natatandaan ko, friend yata sya ni Jessie, Trish yata name nya.

“Nandon po sa may dulong bookshelf Miss Eliz, may book daw syang titingnan” sabi nung isa nilang classmate habang nakanguso pa sa direction ng shelf.

Nagpasalamat ako saka nagpaalam at umalis na. Excited akong makita sya. Gulatin ko kaya sya? Sigurado ako busy yun sa pagbabasa.

Ano kayang book ang binabasa nya don? Alam ko panay hindi na ginagamit ang mga books don at halos panay sira na kaya nilagay don.

.

.

.

.

Ouch!

Anong ginagawa nila?

Shit! Nagkikiss sila!?

Parang pinupunit ang puso ko habang nakatayo dito at pinapanood lang sila. Yung tipong dinudurog yung puso mo sa sobrang sakit.

Wag mo na kaseng tingnan!

Sigaw ng isip ko. Pero bakit nga ba hindi ko nagawang lumingon at pinanood ko pa yon.

Torture.

“E–eliz??” tawag ni Jessie sakin na nagpagising sa pagkatulala ko. Nakatingin lang ako sa kanila pero mabilis akong lumapit sa shelf at nagbuklat ng isang libro. Hindi ko sila pinansin.

“Let’s go, Bie.” tawag ni Allyson sa kanya. Napansin kong nakatingin lang sakin si Jessie hanggang makaalis sila.

Nanginginig kong ibinalik yung libro sa shelf pagkaalis nila. Nangingilid na ang mga luha ko pero pinigilan ko yon dahil ayokong may makakakita sakin dito.

Umalis ako sa library na hindi nagpapakita kay Jessie. Hindi ko rin kakayaning makita sya.

Pero pagdating ng hapon, dumating sya dito sa faculty. Pinapasok ko na lang sya at pinaupo dito sa tabi ko.

Hindi ko sya iniimik. Walang lumalabas sa bibig ko. Wala rin akong gustong sabihin. Naiiyak na naman ako.

Inasikaso ko na lang tong powerpoint ng lessons ko para mabaling ang isip ko. Habang si Jessie nakaupo lang dito sa may tabi ko.

Ilang minuto na rin ako sa ginagawa ko ng narinig ko si Jessie. Naiinip na siguro sya. Mukang may gusto syang sabihin. Pero hindi ko na sya pinatuloy at sinamaan ko lang ng tingin. Alam kong gusto nya na umuwi. May kasalanan sya sakin kaya magtiis sya.

Tinapos ko na rin agad yung ginagawa ko at nagayos na ko ng mga gamit para umuwi na.

Napansin nya yatang uuwi na kami kaya inayos nya na rin ang sarili nya. Bubuhatin ko na sana yun bag ko ng biglang nyang kunin yun sakin. Nagulat ako sa ginawa nya. Ang bait ng baby ko.. hay.. pero tampo pa rin ako.

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Where stories live. Discover now