Chapter 17

22.8K 583 23
                                    


Jessie

Nandito na ko sa bahay. Naalala ko yung kanina. Ang dami kong nakain nung kasama ko si Eliz sa isang canteen malapit sa School, saka sa isang resto sa mall bago kami umuwi.

Pabagsak akong humiga sa kama. Parang pagod na pagod ako sa araw na to. Hay.. Ang sarap mahiga.

Chineck ko yung phone ko. May mga messages.

Eliz : Gudnyt, Jessie.. mwah!

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng mabasa ang text nya. Madalas naman syang magtext ng ganto sakin mula ng malaman nya ang number ko. Pero hindi na ko nasanay at may kung anong epekto pa rin to sakin. Tutal nag-iisa naman ako dito, hindi ko na pinigilan ang sarili ko na mapangiti sa text message nya sakin.

.. At nakatulog na kong may ngiti sa mga labi..

**


“Aly, wait..” sabi ko kay Allyson habang itinutulak sya palayo sakin.

“I missed you so much, Bie” sabi nya at nilalapit ulit ang muka nya sakin para halikan ako.

Nandito kami sa library, tago ang pwesto na to. Mga luma na rin at walang may interes sa mga librong nakalagay dito. Kaya nagagawa to ni Aly sakin. Ang tagal nya na raw akong hindi nakakasama kaya sobrang nasasabik sya sakin. May group project kami kaya hindi si Eliz ang kasama ko ngayong lunchbreak.

Pero ayoko talaga. Hindi na to kagaya ng dati na wala lang sakin ang magkiss kami. Iba na ngayon.

Pero dahil wala na kong magawa ay hindi ko na sya pinigilan pa. Naramdaman ko na ang labi nya sa labi ko at nalalanghap ko ang mabangong hininga nya.

Dahan-dahan na syang lumayo matapos ang mainit na halik namin. Nagulat ako ng makita kong may taong nakatayo sa may likuran ni Aly.

“E—eliz?? nauutal kong sabi habang nakatingin sa walang emosyong itsura nito. Mabilis ding lumingon si Aly pero parang wala lang sa kanya ng makita to. Halos malagutan na ko ng hininga sa blis ng tibok ng puso ko sa halong emosyong nararamdaman ko.

Lumapit lang si Eliz sa isang bookshelf saka kumuha ng isang libro at binuklat ito para basahin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Para kong tuod na nakatayo lang dito.

“Let’s go, Bie.” sabi ni Aly sakin saka ako hinawakan sa kamay at hinila palabas sa pwestong yun.

Nang madaanan ko si Eliz ay tutok lang sya sa pagbabasa ng librong hawak nya.

Habang nag-uusap ang mga groupmates ko about sa project ay tulala lang ako dito. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila dahil wala dito ang isip ko. Nandun sa babaeng nakakita 'ulit' samin ni Aly.

Tama, pangalawang beses na to. Pero bat parang iba yung ngayon? Bakit iba yung takot na nararamdaman ko? Yung takot ako dahil hindi sa sasabihin nya, kundi dahil baka masaktan ko sya.

Pero... masasaktan ko nga ba sya?

***

Nandito na ko sa labas ng faculty. Isang estudyante lang na galing rin sa faculty ang nagsabi saken na pumasok na sa loob.

Ngayon lang ako hindi sinalubong ni Eliz. Nalungkot ako lalo dahil don.

Pagtapat ko sa cubicle nya ay busy syang may ginagawa sa laptop nya. Pinull nya lang yung isang upuan para paupuin ako pero wala syang imik.

Ilang minuto na rin akong nakaupo dito pero hindi nya lang man ako kinakausap. Hindi nya rin ako nililingon man lang.

May naisip tuloy ako..

“Uhm Miss Eliz..” pag-uumpisa ko sa sasabihin ko pero mabilis syang lumingon. “P-pwede bang — ?” hindi ko na maituloy ang sasabihin ko dahil nakatingin sya ng derecho sakin at kita ko sa mga mata nya na galit talaga sya. Umiling-iling na lang ako ng itaas nya ang kilay nya na parang nagtatanong kung ano ang gusto kong sabihin. Itatanong ko lang naman kung pwede na kong umuwi eh..

May katagalan rin akong umupo don at pinapanood lang syang matapos sa ginagawa nya.

Maya-maya ay tumayo na sya at nag-ayos ng mga gamit nya. Sinuot nya na rin ang coat nya at sinukbit ang shoulder bag nya. Uuwi na yata kami. Akmang bubuhatin nya na rin ang bag nyang may lamang laptop pero mabilis kong kinuha to. Masyado na kase syang madaming dala.

Pero kahit ganon hindi nya pa rin ako inimik. Hinatid ko na sya sa kotse nya. Medyo may kalayuan dun ang park ko ng kotse ko kaya nagpaalam na ko pagtapos iabot ang laptop nya.

“Bye, Miss Eliz..” hindi pa rin sya umimik kaya aalis na sana ko pero —

“Uhm.. about dun sa kanina.. Hindi yun gaya ng —” hindi ko na natapos ng bigla syang magsalita.

“Ingat ka sa pag-uwi” walang emosyong sabi nya. Saka sya sumakay ng kotse at umalis na.

Naiwan akong nakatayo at nakatanaw lang sa paalis na kotse nya.

Nakakalungkot..

Hindi man lang ako hinayaan mag-explain. Baka wala naman talaga syang pakelam dun. Sabagay nung nakita ko sya kanina wala naman syang reaksyon sa nakita nya samin ni Aly. Hay bakit ba ko nag-iisip ng husto. Bat ko ba iniisip na maapektuhan sya dahil dun? Natural hindi, dahil wala syang pakelam.

Slave lang naman ang gusto nya.. :(

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Where stories live. Discover now